Kabanata 3

4 2 0
                                    


Kabanata III: Kutob

Nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng puno, naaaninag ko ang mukha nito. Ang mga mata nito ay nakatingin sa akin at mula sa madilim nitong awra ay biglang umaliwalas ang tingin nito ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Pero ramdam ko parin ang poot sa kanyang dibdib. Lalapitan ko na sana ito ngunit bigla na lang itong nawala sa paningin ko, hindi ko na rin siya maramdaman— para bang bigla na lang siyang naglaho.

"Saan naman iyon nagpunta?" Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko na talaga siya makita. Maraming bata ang naghahabulan at naghaharutan sa paligid ko at tanging ang saya sa dibdib na lang nila ang nararamdaman ko. Pero hindi ako nagpatinag at hinanap pa rin siya ng mga mata ko, sinubukan kong pasadahan ng tingin ang lahat ng mga puno pero wala na talaga siya.

"Sino ang hinahanap mo ate Remidan?" Napaigtad ako ng magsalita si Riya na hawak hawak ko. Sa sobang lakas ng presensya at emosyon ng babae kanina nakalimutan kong may kasama pala ako.

"Uhh— w-wala, may naalala lang ako." Pagsisinungaling ko at saka ako pekeng tumawa. Hindi na siya nagabalang magtanong ulit kaya sa tingin ko ay kumbinsido na siya sa sinagot ko. Muli akong humakbang ng hindi pa naman nakakatingin sa dinaraanan kaya't nagulat ako ng may mabungo ako, napatingin ako sa kanya nakayuko ito at nakahawak sa braso niyang nakabenda at may iniindang sakit doon na sa palagay ko'y natamaan ko dahilan ng pagkabunggo ko sa kanya kanina.

"Bakit ka ba hindi tumitingin sa dinaraanan mo?" Inis na singhal ng kasing edaran kong lalaki.

"Ate Remidan." Napakapit sa akin ng mahigpit si Riya na halatang natakot ng lalaki. Napansin din ito ng lalaki pero mabilis niya ring ibinalik sa akin ang tingin niya.

"Pasensya na hindi ko sinasadya." Paumanhin ko. Napakunot noo ng mapagtantong may mali at iyon ay dahil sa hindi ko siya maramdaman. Hindi gumagana ang abilidad ko sa kanya. Kinurot ko siya sa pisngi niya para siguraduhin kung may mararamdaman ako pero wala talaga.

Normal na kaya ako? Pero imposible iyon nararamdam ko parin ang sa iba lalo na ang kay Riya na hawak hawak ko..

"Aray! Ano ba bakit mo ba ako kinukurot sa pisngi?" halatang galit na ito base sa nakikita ko sa itsura niya. Tanging sa reaksyon niya lang ako tumitingin dahil maging ang galit niya hindi ko maramdaman, sinubukan kong basahin ang iniisip niya ngunit hindi ko magawa, maging ang kakayahan kong makita ang hinaharap niya ay hindi ko rin magawa, parang sa kanya bigla akong naging normal. Sandali akong nagiging normal pagdating sa kanya.

Ibinaba ko ang kamay ko sa pisngi niya, habang siya naman ay takang tinititigan ako ganoon rin si Riya, na bumulong pa sa akin kung bakit ko daw ginawa iyon, tiningnan ko lang si Riya at binalik ang atensyon sa lalaki.

"Oh? Bakit nakatulala ka diyan?" Pinitik niya ang ilong ko kaya't biglang nabalik ang atensyon ko sa kanya. Napahawak ako sa ilong, na medyo sumakit gawa ng pagpitik niya dito.

"Ahh— w-wala." Bigla akong napayuko at gumilid para paraanin siya. Napakunot naman ito ng noo at nanatili lang sa pwesto niya, kaya napaangat ako ng tingin.

Naramdaman kong kinalas ni Riya ang pagkakahawak ko sa kanya at nilapitan niya iyong lalaki.

"Ikaw, bakit mo ginawa iyon sa ate ko? Bakit mo pinitik ang ilong niya?" Inis na dinuro-duro niya pa iyong lalaki na tinitingnan lang siya. Nakita kong umupo iyong lalaki upang mapantayan niya ang laki ni Riya.

"Munting binibini, kapatid mo ba ang babaeng iyan? Pakisabi naman na bago siya maglakad, tumingin muna siya dinaraanan niya, nababawasan ang kagandahan ng pagkalalaki ko eh." Naguluhan kami ni Riya sa sinabi ng lalaki.

Tumikhim ako kaya't nabalin ang atensyon nila sa akin. Tumayo iyong lalaki at tinitigan ako, naiinis ako sa ganong pagtitig niya, naiinis rin ako dahil gusto kong mabasa ang iniisip niya pero mas naiinis lang ako kasi hindi ko iyon magawa. Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago muling magsalita.

"Ano pa ba ang tinatayo-tayo mo diyan?—" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko basta pagkasabi ko nito ay nagtaray ako at pinanindigan ko iyon. "daan na." Hindi ko na hinintay ang isasagot nito at kinumpas ko pa ang kamay ko para sabihing umalis na siya.

Binasa niya ang pangilalim niyang labi bago nagsalita. "Hindi ko alam pero.... sinasabi kasi ng isip ko na kilalanin ka." Diretsong sagot nito. "Ako si Aerox," Pagpapakilala niya at dahan dahan pa siyang yumukod at inilagay ang kanang kamay niya sa dibdib. "Ikaw binibini anong pangalan mo?" Nasa ganon parin siyang posisyon at inangat lamang niya ang tingin sa akin ng sabihin iyon. Hindi ako makasagot dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ganito ang nangyayari at naiilang din ako dahil sa inaasta niya.

Narinig kong nginisihan siya ni Riya at gaya niya ay napangisi ako pero pinipigilan kong hindi niya makita. Natatawa ako sa inaasal niya at medyo naiilang din.

Umayos siya ng tayo at muli niyang pinitik ang ilong ko pero hindi ako natinag dahil muli ko na namang naramdaman ang galit ng babae. Nararamdaman ko na naman ang galit niya, luminga-linga ako pero hindi ko siya makita.

Narinig ko ang boses ni Riya na tinatanong muli iyong lalaking nag ngangalang Aerox, kung bakit daw parating pinipinitik nito ang ilong ko.

Hindi ko na pinansin ang dalawa. Napakalakas ng kutob ko, hindi ito maganda.

Bakit ganito kalakas ang presensya niya kanit hindi ko naman siya nakikita?

Nasaan ka? Alam kong kailangan niya rin ng tulong ko.


Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko iyon pinahalata sa dalawa na ngayo'y sinisigawan ni Riya.


"Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko!" Sigaw ni Riya.

"Alisin mo iyang kamay mo sa ulo ko!"

"Arghhh!"


Hindi ko siya makita pero nararamdaman ko siya, para bang malapit lang siya sa akin, napakalakas ng presensya niya at ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi niya at ang galit sa puso niya, napakabigat maging ako nadadala nito.

Naaawa ako para sa kanya. Gusto ko siyang tulungan.

Nasaan ka, pakiusap magpakita ka..


The Cursed of the ProphecyWhere stories live. Discover now