Kabanata 6

2 1 0
                                    


Kabanata VI: Ang Paghahanap



Napangiti ako habang nakatitig sa nakatalikod na si Lolo Zano, siya nga. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad at nanatili lang sa likod nila.

Ilang sandaling paglalakad ay muli kaming nakarinig ng dagundong ng sahig na mukhang senyales na may gumuho na namang lupa.

"Magiingat kayo, delikado ang pinasok natin, kaya't maging alerto!" Maawtoridad na wika ni Lolo Zano. "Kung maaari ay huwag mag padalos-dalos." Bigla akong binalingan ng tingin ni Lolo Zano, kaya't mukhang para sa akin ang babala na iyon.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang kabahan. Hindi dahil sa natatakot akong may biglang gumuho sa dinaraanan namin, kundi dahil natatakot ako na baka ang pinunta ko dito ay mauwi lang sa wala.

Paano kunguh mh hindi.. hindiwala siya sa panganib, makikita ko siya na walang galos, ligtas siya.

Kinalma ko ang sarili at sa gitna ng paglalakad isang pagguho na naman hindi kalayuan ang narinig namin, natanaw ko iyon na papunta sa direksyon namin.

"Takbo!" Sigaw ko at mabilis kong tinulak sila at naging senyales iyon para tumakbo sila, hindi agad ako nakatakbo dahil sa gulat, pero mabuti na lang at nahila ako ni Lolo Zano.

Humahangos na napadapa kami ng makaligtas sa pagguho. Muntik na iyon.

Nang makatayo at habang pinapagpagan ang sarili ay nanghina ang mga binti ko, narito na kami sa bungad ng bayan ng kanluran.

Hindi ko maiwasan ang manlumo ng makita ang mga bahay bahay na natabunan, may ilang mga tao rin ang nagtatakbuhan, at humahagulgol sa paligid, may ilan pang mga nadaganan ng tipak ng mga bato sa paa na tinutulungan ng iba mabilis ring tumulong ang ilan sa kasamahan namin. Mabilis kong hinagilap si Remi pero hindi ko siya mahanap.

"Sana wala siya dito." Bulong ko.

Habang naglalakad ay natigilan ako sa matandang babae na sa tantsya ko ay na sa trenta ang edad. Madumi ang puting bestidang damit nito na siguradong natalsikan ng putik. Nakaluhod sa putikan at humahagulgol ito habang nakatingin sa isang bahay na natatabunan ng lupa na galing sa pagguho, may ilang maliliit na tipak rin ng bato ang nakadagan sa bahay.

"Anak ko." Maamo ang tinis ng boses nito, mahina na halos pabulong niyang sambit. Medyo may kahawig ang boses nito na sa tingin ko ay narinig ko na dati pa. "Anak— sumagot ka, naririnig mo ba si Ina?" Humihikbing salita nito na animoy kinakausap ang kanyang bahay na natabunan.

Nilapitan ko ito at lumuhod din tulad niya, wala na akong pakialam kung maputikan ang suot kong pantalon. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na naman na may nagtutulak sa akin para kausapin ang babaeng ito.

"Anak ko.." Muling sambit niya, mugto na ang kanyang mga mata at mukhang pagod na.

"Huwag po kayong magalala, tutulungan ko po ang anak niyo, kailangan niyo pong tatagan ang inyong sarili." Humawak ako sa balikat nito at tulad niya ay nakatingin rin ako sa bahay na halos mawasak na, na kung hindi iyon matibay siguradong natuluyan na ang sino mang na sa loob.

"Salamat Iho, sana matulungan mo ang anak ko." Napalingon ako sa babae at ngayo'y nakatingin na siya sa akin. Nakikita ko na ng husto ang kanyang mukha. May pagkakahawig ito sa babaeng kausap ko kanina, na dahilan ng pagpunta ko dito, si Remi. Hindi na ako nakapagsalita, gusto kong isiping nagkakamali lamang ako pero, hindi mo maipagkakaila ang pagkakahawig nila.

The Cursed of the ProphecyWhere stories live. Discover now