"Wika"

36 2 0
                                    

Mga Bayani ng kasaysayan
Lumaban para sa ating bayan
Para makamit ang kalayaan
Para sa ating inang bayan

Lumaban at hindi ininda ang kasakitan
Maipaglaban lamang ang bayan
Ginamitan ng dahas
Para masugpo ang mararahas

Ginamit pati ang pagsulat
Para lahat ng mga tao ay maimulat
Pinalaganap ang katotohanan
Para sa hinahangad na kalayaan

Namatay para ipaglaban ang kaisa-isang ari-arian
Na maaaring gamitin sa digmaan laban sa sino man
Iyon ay ang wikang tila kinakalimutan
Ng sarili nating bayan

Nilalamon ng kamangmangan
At mga lengwaheng pangdayuhan
Sariling wika hindi maintindihan
Nagiging dayuhan sa paningin ng karamihan

Ang wika ay hiyas ng ating bayan
Itoy inaalagaan
Ipinaglalaban
At hindi pinababayaan
















-ang pagnanakaw ay kasalanan
-ang panunulad ay isang kremen
Huwag manggaya o magnakaw ng hindi sayo dahil hindi magiging mabuti ang patutunguhan mo.

Mga Tula ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon