"Magkaibigan o magkai-bigan"
Aking nararamdaman
Na Tila hindi ko maintindihan.
Marahil dala nalang ito ng ating matinding pagkakaibigan.Siguro patuloy ko itong tatanggapin hanggang huli manlang.
Na tayo ay hanggang Magkaibigan Lang.Hindi ko ito masabi sayo dahil natatakot ako.
Natatakot na baka ipagtabuyan mo ako.
Natatakot na mawala na parang Bula ang ating pagkakaibigan.
Na lubos kong iniingatan at pinanghahawakan at minahal ko ng lubusan.
Na biglang mawawala dahil nalamang sa Aking kahibangan.Akin nalamang iingtan.
Nararamdaman kong hindi maintindihan.
Pusong parating pinagsasabihan.
Nararamdamang pilit kong iniiwasan.
Na baka sa paglipas ng panahon ay lalaho nalang.Alam kong marami Kang napupusuan.
At hindi ako kabilang sa listahan.
Dahil ako ay isang dakilang kaibigan.
Na parating nandiyan.Kahit na patuloy na nasasaktan.
Nahihibang at nililibang ang sarili
Para maka limutan ang nararamdaman.
Sa mahigit ilang buwan at taon kitang nakasama.
Ay ganoon nalamang ang aking nadama.Pinipilit kong mawala.
'tong nararamdaman kong iba.
Dahil Mali itong nadarama.
Dahil tayo'y Magkaibigan at hindi hahantong sa magkai-bigan.Marahil ay gagawin ko nalamang itong kayamanan.
Hanggang sa aking katandaan.
Kahit hindi na maalala ang ating mga nakaraan.
Ngunit mananatili parin sa puso at isipan.
![](https://img.wattpad.com/cover/165972263-288-k860005.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Makata
De TodoSa panahong ako'y nalulumbay lapis at papel sa akin ay dumadamay. Sinusulat ang mga salitang hindi masabi sabi sa harapan ng madla. Mga tulang aking ginawa para sa taong kaparehong kong nakakaranas nito.