Naaalala

12 0 0
                                    

Kung gaano kabilis buhayin ng araw ang buong sistema niya,
Ganoon din katulin naubos ang pag-asang sa kaniya'y natitira.
Para bang sirang bateryang pagkatagal-tagal nang gumagana.
Pagod nang maubos nang maubos, nais nang mawala.

Ang ngiti sa labi ay kay tagal nang naglaho.
Mata'y lumuha, paningin ay lumabo.
Ala-alang nagtagal na sa isipan ko ay gaya lang ng abo.
Sila'y mga labi ng tinupok na kalooban ko.

Nasilip ko ang mukha mo sa aking telepono.
Wala 'to sa kalingkinan ng nasa isipan ko.
Nakukuhanan ko bawat sandali, bawat kilos.
Nasa isip ko ang larawan mo't ala-ala'y 'di maubos.

Ngunit kailangan ko nang makalimot.
Iwasang ikaw ay maalala pag nababagot.
Pupunasan ang luha at haharap sa araw.
Ngingiti't sisimulan nang gumalaw.

11.8.18

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hinanakit ng ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon