Chapter 2

10 1 0
                                    

Chapter 2: Meet And Greet

"Let us meet, and let our hearts greet"

DOMINIQUE

Pumunta kami ni Insan dito sa parke dahil wala namang pasok ngayon hanggang Linggo , "Enrique punta lang ako doon sa fish pond para mag pakain ng mga pato at isda" pagpapa alam ko sa kanya "Sige, sasama ako para naman makapag liwaliw dito" tumayo sya at sumunod sa'kin. Habang nag papakain ng mga hayop ay napa lingalinga ako sa paligid, ng makita ko sina Kaith at Christina kaya naman hinila ko si Enrique para magtago sa damuhan.

"Bakit?!" naiinis na sabi niya pero hindi ko nalang ito pinansin, hinila ko siya para makatayo ng makita kong naka layo na sina Kaithly at Christina. Nag patuloy na kami sa pag  papakain ng mga hayop pagkatapos nun'

ENRIQUE

Hanggang ngayon ay nag tataka parin ako sa ikini kilos ni Dom, parang takot at may tinatakbuhan. "Insan bili lang ako ng fishball doon" sabi ko "Bahala ka, basta bilhan mo rin ako" sabi nya, hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso sa fishbolan, habang naglalakad ay may nakita akong babae na nadapa, tinulungan ko syang makato "Miss, okay ka lang ba?" pagta tanong ko, "Oo okay lang ako, salamat nga pala" sabi nya sabay takbo ulit. Hay mga babae nga naman.

Pagka tapos bumili ng fishball ay naabutan ko si Dom na may kasamang dalawang babae, ang sweet nga ni Dom at nung isang babae, yung isang babae naman ay tahimik lang, may ban-aid pa nga eh. Hindi pala sila sweet "Hoy! Kala mo ba nakakatuwa yung binigay mo sa'kin?!" sabi nung babae, binatukan siya ng babae at bago pa man lumaki ang gulo ay pumunta na ako sa kanila "Dom! Sino itong mga magagandang binibining kasama mo?" sabi ko "Ito si Kaithly" yung kaaway niya kanina "At si Christina" nagulat ako ng makita siya, yung babaeng nadapa "Ikaw?!" sabay naming sabi "Eh ikaw anong pangalan mo?" sabi nung Kaithly "Enrique, Enrique ang pangalan ko" sabi ko at nakipag kamay sa kanilang dalawa "Kaithly.. Parang narinig ko na yung pangalan mo-- ahh ikaw yung napupusuan ni D--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may tumapak sa paa ko "Ahh!".

CHRISTINA

Nagulat ako ng makita yung lalaking tumulong sa'kin, hindi ko inaasahan na siya'y muling makita. Ngayon ko lamang nakita ang kanyang sa malapitan, nakakabighani, nakaka panindig balahibo.

Cupid's Arrow [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon