Chapter 3: New Classmate
"Want some inspiration, Give your love potion and make some Motion.."
CHRISTINA
Habang nag-uusap kami ni Kaithly ay biglang nag sigawan yung mga kaklase naming babae at binabae.
"Who you po!!"
"Marry me!!"
"The person in my dream~"
At kung ano-ano pa, nang tingnan ko kung sino yung pinagka katilian nila ay nagulat ako, si Enrique.
"Tahimik!" iyan ang salitang umalingawngaw sa aming silid, "Mr. Gutierrez please introduce yourself infront" sabi ng aming guro kaya naman ito ay kanyang sinunod.
"Good Morning Everyone 'wink' my name is Enrique Gutierrez please be good to me" pagkatapos nu'n ay nagsi tilian na ang mga sang kabaklaan at sang kababaihan.
"Tahimik! Mr. Gutierrez kindly seatdown next to Ms.." at tumingin sa katabi kong upuan, oo nga pala wala nga pala akong katabi dito sa likod kung saan palaging umuupo si Kaithly kapag wala pa ang aming guro, si Kaithly ay nakaupo sa pinaka unahan katabi si Dominique "Reyes" kaya naman sya ay umupo na sa tabi ko.
"Hey, Christina right?" tanong nya sa'kin "U-uh Yes! I'm Christina" sabi ko, nilahad niya ang kanyang kamay at "And you are Enrique" at nag kamayan na kami, para akong pinasukan ng kuryente at parang may mga paru-paro sa aking tiyan na hindi ko maipaliwanag kaya naman ay ako na ang unang tumapos sa pakikipag kamayan namin.
Natapos ang klase na puno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, kaya naman mas minabuti ko ng bumaba at tinawag si Kaith para naman may kasama ako sa pagbaba sa canteen.
"Oh Christina, kamusta naman kayo ng katabi mo?" tanong ni Kaith "Ayun, ang awkward ng atmosphere" sabi ko habang naghahanap ng aming mauupuan.
"Ako nalang bibili ng pagkain" sabi nya habang nakalahad ang kamay "Pera" dagdag pa niya kaya naman binigyan ko na sya ng pera, pagkatapos nu'n ay umalis na sya para bumili.
Habang nagse-cellphone ay may umupo sa harapan ko, baka si Kaith na, kaya binalik ko na yung cellphone ko sa bag at tumingin sa harapan ngunit hindi pala si Kaith ito, si Enrique.
"Oh Enrique anong ginagawa mo diyan sa upuan ni Kaith" tanong ko "Umuupo" sabi niya kaya naman ay nainis ako sa kanya.
"Ahh ano kasi, pwede ka ng umalis nadyaan na si Kaith" aayaw pa sana siya ngunit wala na siyang nagawa kundi umalis, buti naman, gwapo nga pilosopo naman.
BINABASA MO ANG
Cupid's Arrow [On-Going]
RomanceANNOUNCEMENT! YOU CAN READ MY BOOK NOW BUT DON'T EXPECT THAT I WILL UPDATE SOONER OR LATER, AFTER ALL THE WORKS OF SCHOOL, HOUSE AND COC MY UPDATES WILL BE SLOWER AND SLOWER EVEN THOUGH I CAN WRITE A STORY IN ONE DAY BUT IM TOO LAZY TO DO THAT. -SC