Chapter Ten

14 0 0
                                    


Clyde's Pov
Lumabas ako ng room dahil tinawag ako ni yaya,at nakita ko yung father ni sam sa labas.
"Good evening Mr.Diaz,este biyenan" he said then smiles.
"Good evening po dad" then i smile at him
"By the way,may pag uusapan pala tayo tungkol sa business kasi malapit nang grumaduate si sam. Hmm. Where's Sam?" nagulat ako sa tanong niya at may biglang bumusina na sasakyan sa labas. Dalidaling binuksan ni yaya ang gate at nakita ko yung kotse ni sam. Pero may umalalay sa kanya na isang lalaki. Then nakita kung gulat na gulat yung father ni sam. She was drunk at wala sa katinuan,pagpasok sa bahay ay binigyan ko ng tip ang staff na umalalay sa kanya.
"Hi dad! Wow surprise visit? i was shock!" sabi niya na tumatawa pa
"Samantha what are you doing?" tanong ni dad niya at halatang gulat na gulat na parang galit dahil sa expression niya.
"Dad mas mabuti siguro na next day nalang tayo mag-usap" sabi ko kay dad
"Are you out of your mind samantha?! Nakakahiya ka sam,pinalaki naman kita ng maayos pero bat mo ginagawa yan? Wla kang respeto!" sigaw ng dad niya at galit na galit
"Out of my mind? Wow dad ha... FYI! Hindi ko ginusto ang life na to! Parang uto uto kasi ako na sumunod sa kagustuhan niyo.. For your own benefits lang yung ginawa niyo! I hate this family tradition! Nandamay pa kayo!" sigaw ni sam pero wala pa rin sa katinuan
"Samantha!" sigaw ko sa kanya dahil sa attitude niya sa daddy niya. Then sinampal siya ng dad niya at nagulat ako dun. Umalis si Mr.Buenavista na galit na galit kay sam. I see sam crying because of what her dad done to her .Inalalayan ko si sam sa room niya habang umiiyak then umupo siya sa bed niya.
"Sam,matulog ka na... Youre just drunk,at bakit mo ginawa yan ha?" sabi ko at concern talaga ako sa kanya..First time ko siyang nakita na umiiyak at hindi ko alam ang gagawin.
" I hate all of them! I hate clyde because of his attitude towards me at alam mo ayaw ko nang buhay na to, ive regret this marriage!" sabi ni sam pero halatang wala pa rin sa katinuan dahil hindi niya alam na ako ang kausap niya. Nagulat ako when sam kissed me , icant explain what was happening and i can feel her tears flowing. I respond to her kiss but suddenly i stop her. Wala siya sa katinuan kaya nagawa niya yun. My feeling right now? Icant explain it was the first time that we kiss at sa lips pa talaga.Tumayo ako at nakatulog na pala si sam. Kinumutan ko siya at inayos ang pagkakahiga niya. I wish na sana hindi niya matandaan ang nangyari kinabukasan...

SAM'S POV
Ang sakit ng ulo ko pagkagising ng umaga. Ano kaya ang nangyari kagabi? Omo! Wait!What?! (AN:Sam? Natatandaan mo na?) Hay Naku! Si daddy pumunta dito kagabi? Ano nga yung ginawa niya? Hays! Hindi ko talaga matandaan. Ang sakit ng ulo ko,napasobra talaga yung ininom kung alak kagabi. Sino yung umuwi sakin dito at nakakumot pako ha? Tsk bahala na! Ang importante naiwasan ko si clyde kagabi. I go downstairs at nakita ko si clyde na nag aalmusal na.
"Are you okay?" tanong niya
"Why are you asking? May nangyari ba?" tanong ko naman
" Ummm nothing, im just asking because youre drunk yesterday."he answered
" Aray ang sakit nang ulo ko!" sabi ko dahil sa kirot na naramdaman sa ulo ko.
"Its hangover sam" sabi niya sabay tayo at may kinuha sa medicine kit
"Ito inumin mo para mabawasan ang sakit" sabi niya at inabot ang gamot
"Salamat" i said at kumuha ng tubig
"Ya nora timplahan mo nga siya ng coffee, i think it can help" utos niya kay yaya
Dali daling tumimpla si yaya at inumin ko naman kaya ayun medyo okay na ako.
"Hmm btw clyde, diba pumunta si dad kagabi? Anong ginawa niya dito?" tanong ko kay clyde
"ahhh ehhh, ah wla yun may pinag usapan lng tungkol sa business" sabi niya na medyo nag aalangan
"okay"
"papasok ka ngayon? "Tanong niya
" Ewan ko nga,pero oo papasok ako last week na kasi"
"I think you should rest sam, baka mapano ka sa school mamaya" sabi niya pero bat ang bait niya ngayon? Anong nakain nito? Pero mas gwapo siya pag ganito yung ugali niya. Palagi nalang kasing nagsasalubong yung kilay niya. Hay naku bat ko iniisip to?!
"Ahhh hindi okay lang ako, headache lang naman to eh tsaka nag effect naman yung gamot na binigay mo" sagot ko
"Okay i wont stop you,but mag ingat ka ha"
"Okay clyde,sige mag aayos na ako" then i go upstairs at naligo pagkatapos ay naghanda papunta sa school
CLYDE'S POV
I was worried about sam pano kung matandaan niya yung nangyari.At muntikan nako kanina ng tinanong niya kung anong ginawa ni dad niya kagabi. Buti na lang nakalusot ako dun,pero malalaman niya din ang nangyari.But i answered her na may pinagusapan lng sa businesss kaya ayon. Pupunta nako sa school at hindi ko muna papansinin si sam if malate siya because i know what was the reason.
"Good morning class" bati ko sa klase
"Good morning sir Clyde"
"Because it is the last week of class, i will allow you to refresh your mind and prepare for your exam class kaya i will give you some review paper at dapat niyong sagutan ang mga problem solving tungkol sa subject natin" sabi ko at iniabot ang mga review papers
I saw samantha na nagmadali papunta sa room at nagbulungan ang mga kaklase niya dahil late na naman siya. Pagdating sa door ay hinayaan ko lang siyang pumasok at hindi pinansin.
"Sir late na naman si sam, wala ka man lang reaction?" sabi ng mataray niyang classmate
"Hmm just proceed to your work Ms."sagot ko
"Okay sir"
Iniabot ko yung para kay sam na review paper at nag umpisa na din siya sa pag answer. Okay naman ang mga grades ni sam ayon sa observation ko. Sa subject ko lang siya tinatamad pero mataas naman ang mga grades niya sakin. Magaling kasi siya sa mga exam at recitation, kaya wala akong problema tungkol sa intellegence niya,yun nga lang sobramg maldita at pasaway kaya ayun tuloy napagalitan ko at pati na ni dad niya.
After a long day class, umuwi ako at nadatnan ko si mommy at ang mommy ni samantha. Mukhang alalang alala sila,siguro nalaman nila ang ginawa ng dad ni sam sa kanya. I enter the house at yinakap ako ni mommy.
"I hope you and sam will be okay" sabi ni mom
"Ano ka ba naman mom, konting away lang naman yun" sagot ko (AN:konting away pero araw araw nalng. Habit niyo na ba yun ni sam?)
"Where's sam? What time siyang uuwi?" tanong ng mommy ni sam
"Mayamaya siguro darating na yun,hanggang 5:30 lng kasi ang sabi ko sa kanya" i answered
"Okay maghihintay lang kami dito anak at sige magpahinga ka na"sabi ni mommy at nagsmile lang si tita sakin
"Sige po,hintayin niyo lang siya siguro dadating na yun" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko
SAM'S POV
Pagpasok sa gate ay nakita kung may bisita kami. I enter the door at sila mommy at tita pala. Anong ginagawa nila dito? Biglang tumayo si mommy at mukhang nagwoworry siya dahil sa expression niya.
"Samantha! I miss you dear" sabi ni mommy habang sinasalubong ako
"Ano ba mom? Hindi nako bata" sabi ko na may pagkairita
"Sam are you okay?" tanong ni tita
"Okay naman po ako. Bakit po?"
"Lets talk outside" yaya ni mommy at pumunta kami sa balcony
"Sam ako na ang nanghihingi ng sorry sa ginawa ni dad mo kagabi, he didn't meant to do that dear. He was just shocked because of your attitude" sabi ni mommy at nagtaka namn ako, anong ginawa ni daddy kagabi? Wala talaga akong matandaan
"sorry? Bakit may ginawa ba si dad?"
"Samantha your so innocent, siguro dahil lasing ka kagabi" sabi ni tita
"I will explain to you sam what happened yesterday" sabi ni mommy at ayun inexplain niya na sinampal ako ni dad dahil sa galit. Umiyak ako dahil first time na nagawa ni daddy yun at hindi ko alam na may ginawa pala akong hindi niya nagustuhan. Tamga ko talaga! Ba't ba kasi nagawa ko yun. Umiyak lang ako ng umiyak at kinocomfort ako ni mommy.
"Sam, were here to find out your marriage life with clyde. Ba't ba kasi palagi daw kayong nag aaway?" tanong ni tita
"First of all hindi ko talaga gusto yung wedding na to at i hate this tradition. Ayoko talaga na ikinasal ako sa lalaking hindi ko man lang natutunan na mahalin. Nag aaway kami ni clyde dahil hindi ko gusto yung attitude niya tapos may mga rules pa siya. Uminom ako kagabi para iwasan si clyde pero hindi ko alam na mas malala yung nangyari." sabi ko
"Sam diba sabi ko sayo before the wedding na pahalagahan mo yung kasal niyo ni clyde at ibig sabihin nun na you should make way para protektahan yun. At dahil sa simpleng bagay ay mag aaway na kayo? Hindi dapat sam kasi you have to understand each other. Kagit hindi niyo gusto ang isa't isa dapat na magtulungan pa rin kayo to make your marriage life successful"sabi ni mama
"Mom hindi niyo naman kasi nararamdaman yung feelings ko. Alam niyo ba yung wla man lang sweetness na pinapadama yung asawa mo tapos sa klase palagi niya kong pinapagalitam at dahilsa ginagawa niya ay pinagtatawanan ako ng clssmates ko? Tapos gumawa siya ng rule na para lang sa own benefits niya? " sabi ko na parang iiyak
"Sam alam ko naman na youre too young para pakasalan ang anak ko dahil innocent kapa sa mga bagay bagay. Alam mo ba si clyde hindi talaga sweet yan mula nang bata pa siya. Ewan ko ba sa batang yan! Tapos sabi niya sakin babaguhin niya raw ang ugali mo at gagawin niyang matured ang pag iisip mo. Siguro yun yung gusto niya kaya may rules siya. Cold talaga yang si clyde,mainitin ang ulo at hindi niya gusto na may makakuha sa pagmamay.ari niya. He's so protective to his loved ones at hindi niya hahayaang may umapi sa mga mahal niya o pamilya niya. Seyoso yan pagdating sa business at work niya kaya very strict siya. Tapos ayaw niya ng irresponsible at ayaw niya ng pasaway. Kakatawa nga yung ugali niya pero may good side din si clyde." his mom said
"Sam, let this marriage work out. Im begging you dear... You have promised in front of God  na till death do us part" sabi ni mommy at hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko
"Sam mahalin mo si clyde at wag mo siyang sasaktan. Kailangan mong pag aralan na mahalin ang anak ko" pagmamakaawa ni tita
"I cant have my decision right now mom at tita pero ill try" sabi ko at niyakap sila. Ngayon ko lang nakilala si clyde pero hindi ko talaga mawala sa isip ko ang mga pinaggagawa niya.
"Sam, aalis na ako. Baka malaman pa kasi ng daddy mo na pumunta ako dito. At tsaka maghingi ka ng sorry sa dad mo sam. Sigurado akong naghihintay lang yun ng sorry mo." paalam ni mam
"Sige po mom..goodbye at mag ingat kayo lagi ha" sabi ko sabay yakap kay mama. Namiss ko na talaga sila a pati yung house namin
"Sam dito muna ako matutulog kasi gusto kung makabonding yung daughter in law ko ng ilang araw,okay lang" sabi ni tita
"O-okay po" sabi ko na may pag aalangan
MATH QOUTES:"Kapag nagmamahal ka dapat walang LESS THAN at walang MORE THAN.EQUAL lang para magkaintindihan at magkaayusan.

The TraditionWhere stories live. Discover now