Chapter 19

16 1 0
                                    


Clyde's Pov
Tumakas na naman siya. Immature talaga akala niya hindi ko malalaman eh kitang kita dito sa room ko ang nangyayari sa labas pero hindi ko siya pipigilan baka kasi kung ano pang isipin niya. Matagal rin bago siya makarating kaya nandito lang ako sa sala nanoonod ng tv at akala rin niya hindi ko siya binabantayan kitang kita kasi na mukhang hindi siya nag aalalang pumasok.
"Hi my dear wifey! Kamusta ang dinner? Nagtake out ka ba ng para sakin?" sabi ko pagkabukas niya ng pinto at gulat na gulat siya
"Ahh ehhh Hello Clyde" sagot niya at dali dali siyang pumunta upstairs kaya sinundan ko siya "What are you doing Samantha?!" sigaw ko dahil parang natatapakan na ang pagkalalaki ko sa ginagawa niya
"Bakit anong pakialam mo?"
"Wow!Ang lakas ng loob mong sabihin niyan. Pakialam? Yes may pakialam talaga ako! We are married now at may karapatan akong malaman kung saan ka pupunta at kung sino yung kasama mo pero anong ginawa mo? umalis ka nang walang paalam at kailangan bang sumama ka sa thunder na yun para magdinner? Andito naman ako at anong nakita mo sa thunder na yan bakit palagi kang sumasama?!?"
"Bakit masama ba na magkaroon ng kalayaan? Palagi na lang ba akong susunod sa mga gusto mo? Kung Oo sana hindi na lang akong pumayag na magpakasal sayo! Anong nakita ko kay thunder? Yung kabaliktaran ng ugali mo!" nagulat ako sa sinabi niya
"Nagsisisi ka dahil pinakasalan mo ako? Pwes ako rin! Letcheng tradition ng pamilyang to! Sana iba nalang ang ipinakasal nila sakin yung mature mag isip at hindi pasaway. Akala mo nasisiyahan ako sa mga nangyayari sakin? Hindi sam dahil nagsisisi ako!" lumabas ako sa room niya at isinara ng malakas ang pinto. Bakit naninikip ang dibdib ko? Anong nararamdaman ko ngayon? Tsk! Kinuha ko ang susi ng sasakyan at umalis para pumunta sa kung saan ayaw kong manatili dito dahil sa malakas na tensyon dito. 
Sam's Pov
Unti unting tumulo ang mga luha ko pagkalabas ni clyde. Ang sakit sa  pakiramdam nang narinig ko ang mga sinabi niya ngayon ko lang narealize na sumusobra na ako. Nagbihis ako at pagkatapos ay natulog para hindi na lumala ang nararamdaman ko. Pagkagising sa umaga sumilip agad ako sa bintana to see the sunrise pero hindi ko na napansin ang sunrise dahil wala ang kotse ni clyde. Tsk naalala ko naman ang nangyari kagabi pero saan siya pumunta? Iniwan niya na ba ako? Gumugulo na ang isip ko kaya pumunta ako downstairs. Balak ko sana siyang tawagan pero hindi ko magawa dahil may kasalanan pa ako. Sana hindi ako ipagpapalit ni clyde. Mag-isa lang akong kumain ng breakfast at nakakapanibago dahil hindi ko kasama si clyde at walamng nang aasar sa akin. Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa sala at nanood ng tv. Kahit nakakatawa ang  lumalabas ay hindi ko magawang tumawa. Nakakaumay na dito sa bahay.
Clyde's Pov
Nandito ako ngayon sa apartment ko dito kasi ako pumupunta pag masama ang loob ko. Kamusta na kaya siya? Nakakain na ba yun? Kumakain ako dito tapos siya nagpapalipas ng gutom. Hindi mawala sa isip ko si sam at ang mga nangyari kagabi. Nakakapanibago lang kasi wala akong inaasar. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako at habang nagpapahinga ay may tumawag sakin. 
"Hello?" (Clyde mag usap tayo) "Thunder?" (Yes its me clyde)
"Ano naman ang pag uusapan natin?" (something important clyde)
"Saan tayo mag uusap?" ( Sa favorite restaurant namin ni sam, itetext ko sayo ang address) favorite resto nila, tsk nqkakainis na talaga ang lalaking to. Ano naman yung pag uusapan namin? Pumunta ako sa itinext niyang restaurant at nakita ko siyang nakaupo sa special table siguro dun sila palaging umuupo ni Sam. Linapitan ko siya
"Hi Clyde" nakakainis talaga at tumango lang ako "Anong kailangan nating pag usapan?"tanong ko "Tungkol kay sam"

Tungkol kay sam? Anong pag uusapan namin? Tsk! Nag order kami ng makakain at habang naghihintay ay nag open na ako ng topic
"Anong kailangan nating pag usapan tungkol sa asawa ko?"
"Hmmmm Im just worried about her situation clyde, sa pinapakita niyang attitude parang kulang siya sa pag aalaga mo" then he chuckled
"Anong ibig mong sabihin?" 
"Ibig sabihin? Palagi kasi kaming nagdidinner at halatang ayaw niyang makisama sayo."tsk parang tinitempt ako nito
"Wala kang pake sa amin ni sam thunder at wag ka ngang mangealam sa buhay ng iba" "Im just worried clyde, sa nakikita ko kasi parang madaling mawala sa tabi mo si sam at malay mo mapunta siya sakin" "Sam is not easy to get thund at mapunta sayo? Tsk nakuha ko na ang lahat at wala akong ibibigay sayo, you are always loser thunder"
"Hahahha napakahambog mo clyde, wag kang magpakampante dahil maaaring mawala sayo lahat. Im a loser? Tsk ikaw lang ang nag iisip niyan, Ang nauuna, nahuhuli at ang nahuhuli, nauuna"
"Hinding hindi ko mapapayagan ang balak mo thunder dahil mahal ko si Sam at hindi ko hahayaang mawala siya sakin"
"Mahal mo si sam? Eh bakit parang hindi niya nararanasan ang tinatawag mong pagmamahal?" May pagkasarcastic niyang sagot
"Sumosobra kana talaga thunder, ng dahil sayo nag aaway kami ni sam at hindi niya na ko pinapansin"
"Dahil sa sinabi mo clyde naging clear sa akin na mas impotante ako kesa sayo sa buhay ni sam"
Parang nagagalit nako sa pinagsasabi ni thunder kaya bigla akong tumayo then I punch him. Nagsmile lang siya sa ginawa ko at mukhang hindi talaga natinag.
"Im warning you clyde kaya mag ingat ka sa inaasal mo"
"Youre so damn stupid! Hindi ako nababahala sa sinasabi mo thunder" hindi na siya nakasagot
"I should leave,thank you for this memorable time with you thunder. Namotivate ako sa sinabi mo" umalis nako at sumakay sa kotse ko.
Sinuntok ko ang manobela ng sasakyan ko dahil sa galit, ang tigas ng ulo niya at nakakainis na siya. Habang nagmamaneho iniisip ko kung uuwi nga ba ako sa bahay pero dahil sa sinabi ni thunder naisip ko tuloy si Sam. Oo mahal ko na siya pero hindi ko kayang maipakita sa kanya dahil may pagkamapride rin ako. Noon ipinangako ko na hindi ako mahuhulog kay sam but because of her unique personality unti unti akong nadevelop saa kanya. Umuwi ako sa bahay at naabutan kong nagluluto si sam ng pagkain bigla ko siyang niyakap habang nakatalikod siya. "Oh! Clyde? San ka nanggaling?" Tanong niya
"Sorry sam, sorry sa lahat"
"Anong nakain mo?"
"Hindi pa ko nakakain kaya wag kang magtanong ng ganyan"
"Tsk! Edi kumain ka muna baka gutom lang yan"
"Bakit ba napakamanhid mo?"
"Manhid? As in nangangalay? Hindi auh" "Sam ano ba? Sorry na nga"
"Sincere ka ba?"
"Yes Samantha"
"Edi kumain ka nga muna matinding gutom na yan"
"Sam"
"Hindi joke lang,sige na nga okay na tayo. Alam ko naman kasing mag aaway nanaman tayo mamaya. Ganyan kasi tayo away-bati."
"Thank you" then I kiss her on the cheeks na ikinagulat niya
"Hay nagugutom ka nga, sige kain na" "Siguraduhin mong masarap yang niluto mo"
"Mag uumpisa nanaman tayo?"
"Ay hindi okay na tayo,sige kakain nako" Hinanda niya yung makakain at sabay kaming kumain. Parang nawala ang galit ko ng nakita ko si sam. I will be the first one to make a move at hindi ang thunder na yun.
"Bakit hindi ka kumain kanina?"tanong niya "Wala ka kase kaya parang wala akong gana"
"Tsk! Parang walang nangyari kagabi bakit ganyan ang mood mo ngayon"
"Hmmm sorry talaga. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko kagabi,sorry if I hurt your feelings"
"Okay lang hindi naman ako nasaktan sa mga sinabi mo kagabi,wala lang yun sakin"  Biglang sumikip ang dibdib ko at nasaktan ako sa sinabi niya. Nag assume lang pala ako na nasaktan siya sa mga sinabi ko, ibig sabihin wla talaga siyang feelings sa akin. Pero hindi ako susuko sa kanya at sana lang mabawasan na ang pagiging mapride ko para wala kaming away.

(Mahal niya na si Sam? Oh what a big revelation clyde. Stay stuned for the next chapter)

The TraditionWhere stories live. Discover now