Κεφάλαιο - 4

52 4 1
                                    



CHAPTER 4
The real beginning

OLYMPIANS
{5}
Doll's POV


Nakatulalang nakatingin si doll sa maitim na kalangitan ni wala man lang bituin na nag iilaw nito. Huminga sya ng malalim at malayong tinignan ang karagatan. Malakas ang mga alon nito kasabay ng malakas na hangin. 'Mukhang may bagyo' sabi niya sa kanyang sarili at tumayo at inayos ang kanyang mahabang buhok na tinatangay ng hangin, agad naman niya itong tinali at nag umpisa ng mag lakad sa dalampasigan.

'Dacima, help! I need your help! Please! Tulongan mo kami! !!!!'

Mariing ipinikit ni doll ang kanyang mata at malakas na bumuntong hininga, ilang araw ng nakakarinig ng ganong boses si doll sa kanyang isip at minsan ay may napapaginipan pa siyang isang digmaan na ng yayari. Pinagsawalang bahala nalang niya iyon.

Niyakap ni doll ang kanyang sarili ng maramdaman ang lamig ng hangin kaya napag desisyonan niyang umuwi sa kanilang bahay at duon nalang tatambay.

"Neydoll! Bakit ngayon kalang?!" Bungad agad sa kanya ng kanyang ina at tumakbong lumapit sa kanya. Kita dito ang pagalala sa mga mata nito.

"Nasa dalampasigan kang ako nay"

Tumango naman ang kanyang ina at sabay silang pumasok sa kanilang bahay, nadatnan niya duon ang kanyang dalawang kaibigan na si alexander at mabel. Halata sa mukha ng dalawa ang takot at hindi ito mapakali sa kanilang pwesto. Agad naman niyang nilapitan ang dalawa.

"Bakit kayo andito? Anong ngyari sa inyo?" Nagtatakang tanong niya sa dalawa.

"M-may, m-may humahabol samin simula kanina, p-pinatay nila sila mama at papa" naiiyak at tila nauutal na sabi ni mabel sakin. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba at tibignan si alexander.

"Ganon din ang ngyari sakin, bumibili ako ng isda sa palengke kanina. Tapos may biglang lumapit sakin na babae." Paliwanag nito. Tinignan ko naman sila mama at papa na nakatingin din saaming deriksyon at nakita ko silang huminga ng malalim.

"Mag hintay kayong tatlo dito, doll mag empake kana ng mga gamit mo" naguguluhang napatingin si doll sa kanyangina at hindi alam kong anong pinagsasabi nito.

"Bakit ma?" Naguguluhan niyang tanong.

"Basta gawin mo nalang" sabi ng kanyang ina at may dinukot itong cellphone sa bulsa nito at may tinawagan.

Nilingon niya ang kanyang mga kaibigan at ganon din ito nalilito sa mga ngyayari. Agad siyang nag paalama sa mga kaibigan at niligigpit ang kanyang mga gamit at nilagay iyon sa malita. At agad na lumabas ng kwarto at bumalik ulit sa kanyang mga kaibigan.

"Pa bakit may dadalhin akong malita? San po ako pupunta?" Nagtataka niyang tanong sa kanyang ama.

"Katulad ng sinabi ng mga kaibigan mo na may nag hahabol sa kanila, posebling hahabulin karin ng mga iyon kayat mas mabuting umalis muna kayong tatlo dito"

"Pero pa! San naman kami pupunta?!" Naguguluhan niyang tanong.

"Basta, may isa akong kaibigan na pupunta dito ngayun at kukunin kayong tatlo" nagkatinginan naman kaming tatlo at nagkabit balikat sa isat isat. Nilapitan ko sila at umopo sa kanilang gitna.

MOUNT OLYMPUS: SCHOOL OF OLYMPIANS (Reunite the demigods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon