(Jan. 16, 2004 / 8:35pm )Hi Boo !
Eto ang petsa ng una nating pagkikita
Naalala mo?
Una kitang nakita sa loob ng classroom namen, Nung time na yon akala ko ibang room yung napasukan ko so I checked it , umatras ako ng kaunti at idinungaw ko ang aking ulo sa pinto sapat para makita yung Room number ng kwartong pinasukan ko.
ROOM 164
Tama naman. Kaya napa titig ako sayo at Napa taas pa ang aking kilay Ganon ka rin sakin naka titig na parang gulat ka pa nang makita mo kong naka tingin sayo. srsly ? Muka kang tanga non, dinuro mo ko habang pabilog nang pabilog pa ang mata mo maski ang maninipis mong labi ay nag react sa ginawa mo. kumikibot kibot ang mga ito na parang di mo pa naramdaman.
Gusto kitang kausapin non at tanungin kung OK ka lang kase ang putla putla at sobrang payat mo, ang kaso bigla namang may nagsipag pasukang mga estudyante. Mga Classmate ko. Napa lingon ako sakanila. ganon rin sila sakin sabi pa ng isa ang aga ko raw. Tinanguhan ko lang yon at di na pinansin pa. At muling ibinalik ang atensyon ko sayo ngunit nang ibalik ko ang Tingin ko sa kinauupuan mo which is yung madalas kong upuan, e wala ka na. Nagulat ako kase Hindi ko man lang naramdaman na gumalaw ang upuan at may dumaan saking harapan. Pero isinawalang bahala ko yon. Luminga ako sa buong classroom pero wala akong nakitang babaeng maputlang payatot. Nag madali rin akong dumungaw sa pinto dahil Baka lumabas ka pero wala akong nakita ni anino mo non. Kaya minabuti ko nalang na umupo sa upuang inupuan mo at manahimik.
Alam mo bang hindi Kita mapapansin non kung di ka lang talaga naka upo sa upuan ko. Wala kasI akong kaibigan nung time na yon. At wala rin naman akong pakialam sa paligid ko. Hindi dahil sa introvert akong tao. kundi dahil lahat ng ka batch ko ay naka graduate na , Nahinto ako ng pag aaral dahil na comatose ako ng halos isang taon. Walang makapag paliwanag sakin ng buong detalye kung anong nangyare kaya yun lamang ang alam ko.
Until you came.
Nagmamahal hanggang kamatayan - Ethan ❤
---------------
THANKYOU FOR READING !!!
BINABASA MO ANG
LETTER FOR MY BOO
General FictionNO TO SPOILER ✋✋ maikli lang to just give it a shot! HAHAHA