LETTER 2
(Jan 30, 2004/ 8:35 PM)Hi Boo !
Naalala mo? Ikalawa nating pagkikita nung maaga akong pumasok sa eskwela kase gusto kong mapag isa. Hindi ko inakalang makikita kita nung time na yon kase medyo may kadiliman pa ala singko palang kase ng umaga at wala naman sigurong mag lalakas loob na babae na papasok ng ganon ka aga samantalang alas otso naman talaga ang Umpisa ng klase. IKAW LANG !. Hindi ko alam pero napa ngiti ako nung makita kita Hindi ka na tulad nung una kitang nakita medyo may kulay ka na at parang nakakain na din haha. So ayun nilapitan kita mula sa likuran mo, naka tayo ka lang kase sa gitna ng field habang naka tingala sa langit. muka ka ulit tanga non Boo ! hahaha Nakapikit ka pa nga e. Hindi ko alam kung nag dadasal ka or what. pero ang alam ko nung time na yon dun ako nahulog sayo. Ang Ganda ng pagkaka ngiti mo non. Sobrang tamis. habang magka hawak pa ang magkabila mong kamay na naka pwesto sa bandang dibdib mo. Kasabay ng pagkakapikit mo non ay syang pagsulit ko ng bawat segundo na tumitig sayo. Hanggang sa naramdaman mo ata ang presensya ko kaya dahan dahan mo ring iminulat ang mga bilugan mong mata.
Tulad ng una nating pag kikita gulat kang tumingin sakin at ayun nanaman ang mga nagkikibutan mong labi. HAHAHAHA ang kyut mong tignan. Hindi mo lang alam kung paano ako nag pigil tumawa non gusto kong humagalpak sa tawa nung time na yon pero Hindi ko nagawa. Tanging "Hi" lang ang nabitawan kong salita.
At doon ko nakita kung paano nagbago ang reaskyon ng mukha mo lalong lalo na nang mga mata mo. Mukhang naging malungkot ka non at halos mangilid na ang luha mo. Di ko alam kung bakit pero parang may kumurot sa puso ko at parang naramdaman ko rin yung dahilan ng kalungkutan mo. Yayakapin sana kita non napansin mo ba ? Ang kaso biglang may nag tapat ng ilaw sakin .. satin.. Yung security Guard. Tinanong pa ko nito kung ayos lang ako. sabi ko oo tapos non umalis na sya. Muli naman akong humarap sayo. pero tulad ulit nung una. WALA KA NA SA PWESTO MO. Nalungkot ako. Hindi ko man lang natanong ang pangalan mo ni Hindi ko rin naipakilala ang sarili ko. Nalungkot ako... HINDI LANG NG ARAW NA YON .. KUNDI PATI NG MGA SUMUNOD NA ARAW. kaya naman sa bawat araw na dumadaan ay hinihinling ko ang muling pagkikita natin.------------------------------------------------
KINDLY VOTE AND DROP YOUR COMMENTS ❤ ARIGATO~ IDOLS
BINABASA MO ANG
LETTER FOR MY BOO
General FictionNO TO SPOILER ✋✋ maikli lang to just give it a shot! HAHAHA