(FEB. 15 ,2004 / 8:35pm)Hi Boo !! Tanda mo ba yung pangatlo nating pagkikita ? Ngayon yun. ngayon yung araw na yun. magka iba nga lang ng taon he he. Lunch time, Nakita kita non sa Rooftop naka tayo ka sa dulo ng railings. Tulad ng ikalawang pagkikita natin naka tingala ka nanaman sa langit habang naka pikit ang mga mata mo, ang iniba lang non ay naka taas ang dalawa mong kamay sa mag kabilang dereksyon kapantay ng mga balikat mo. Yung posisyon mong yon para kang lilipad. haha. Dahan dahan akong lumapit sayo, iningatan ko ang bawat hakbang ko upang hindi maka gawa ng ano mang ingay. Nakaka takot kase baka bigla kang magulat at mahulog jan sa kinatatayuan mo may kataasan pa naman yung building natin. Nang magawa kong makalapit sayo ay nag patuloy pa rin ako saking pananahimik. Umupo ako sa isang tabi at nag Indian sit saka tinitigan ka mula sa kinatatayuan mo. Maganda ang panahon non . Tila nakikisama sa moment nating dalawa. Malakas ang hangin na may kalamigan. Hindi rin gaano tirik ang araw kaya naman ayos lang ang trip mong pagtambay sa roof top. Ilang minuto ka ring di gumalaw mula sa pwesto mo. ganon din ako ilang minuto kitang natitigan na halos makabisa ko na ang kabuuan ng mukha mo. Ngunut sa pag titig kong yon ay may napansin ako sayo. Yung unipormeng suot mo. Hindi yun ang uniporme ng eskwelahan ko. Tila luma pang istilo ang sayo. Doon na ko nag umpisang magtaka Kung ano anong pumasok sa isip ko na baka trespasser ka , na baka magnanakaw ka, o baka takas ka ng mental o baka transferee ka at kaya ganyan ang suot mo ay dahil wala ka pang uniform ? pero imposible matatapos ang school year. Hayss .. kung ano ano pa ang naisip kong dahilan. Sa sobrang lutang ko nung araw na yon ay hindi ko na namalayang naka tayo ka na pala saking harapan. Dinuro mo pa ko ng hintuturo mo para lang mabaling ang atensyon ko sayo. Naka Kunot pa ang noo ko non dahil sa istura mo. muka kang kawawa. Muka ka nanamang Hindi kumain. ang weird Hindi naman ganyan yung itsura mo nung tinititigan kita ah.
"Ethan "
Napa singhap ako ng marinig kong binanggit mo ang pangalan ko. At ang mas lalo kong ikinagulat non ay nang makita ko ang mukha mo. Umiiyak ka. Natakot ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para patahanin ka.
Kaya hindi na ko nag alinlangan pa sa naisip kong paraan. Niyakap Kita. Ngunit parang ako pa ang Nagulat ng bigla akong sumubsob sa sahig. Napa laki ang mata ko nang lingunin Kita non at makita kong ganon pa rin ang pwesto mo. Umiiyak sa harap ng kinauupan ko kanina.
"Ethan ako to, Si Blythe " mahinang bulong mo non. Ngunit sapat upang marinig ko.
"Blythe?" Pag ulit ko sa pangalan mo. May kung anong saya kong naramdaman ng banggitin ko ito. Pero bago pa man ako makapag tanong ulit bigla kang nag laho saking harapan. Hindi ko alam kung bakit pero sa ikalawang pagkakataon. Nalungkot nanaman akong muli.-------------------------------------------------
Way to go! sobrang ikli lang po nito ❤
BINABASA MO ANG
LETTER FOR MY BOO
Ficción GeneralNO TO SPOILER ✋✋ maikli lang to just give it a shot! HAHAHA