IKA- LIMANG LIHAM

1 1 0
                                    

(March 3, 2004/ 8:35)

Hi Boo! Mahal ko.

Ngayon yung araw na yon. Yung sinabi mo saking hihintayin mo ko. Maaga akong gumising non Hindi nga ata ako naka Tulog e , naka pikit lang ako habang binabantayan ang pag patak ng bawat minuto, Magdamag kase kitang iniisip,  kung anong sasabihin ko sayo pag magkasama na tayo para naman di ka maboring pag ako na kasama mo. HAHAHA muntanga ko di ba ? First time kong ma inlove kaya pag bigyan mo na, choosy ka pang bangkay ka ? HAHAHAHAHA joke lang. Mga alas tres siguro umalis na ko non sa bahay. Aga no? haha di na nga ko nag paalam Kay mama dahil baka pagalitan ako at sabihing mamaya na ko umalis. Ayoko nga , sobrang excited na kong makita ka non Boo. At dahil nga maaga pa nag akyat bakod pa ko sa likod ng eskwelahan ang hirap non. muka akong tanga naka sabit sa pader pero nong magawa kong maka pasok ay nag madali akong tumakbo papaakyat sa building ng year namin buti nalang at kasama ko si Good timing walang guard na naglilibot. Nang maakyat ko ang tuktok na palapag ay halos sumayad sa lupa ang aking balikat dahil Kita kong Naka PADLOCK YUNG PINTO PAPUNTANG ROOFTOP ! Nanggil talaga ko non Boo. Feeling ko maiiyak ako sa pagka dismaya. Sa sobrang inis ko umupo nalang ako sa itaas na baitang ng hagdan at doon nag mukmok . Muka akong batang naagawan ng candy non Boo. Naalala ko pang niyakap ko non yung dalawang tuhod ko saka ko isinubsob ang aking mukha sa bag na nakapatong sa tuhod ko. Naramdaman kong nagtataas baba rin ang aking mga balikat , pinipigilan kong wag maiyak . Ang pangit ko kase kapag Umiiyak haha. "Ang aga mo naman " Muntik na kong mahulog sa hagdan ng bigla kang mag salita sa tapat ng aking tainga. Actually mahuhulog talaga ko non kundi mo lang nahawakan yung kamay ko. Kita kong Nagulat ka rin sa muntikang pagkahulog ko kaya mabilis na nagbago ang itsura mo. Agad akong tumayo at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay mo sa braso ko. Sa ikalimang pagkakataon ... Alam ko na , nasagot ko na ang isa sa mga tanong ko. Ikaw lang ang Nakaka hawak sakin .. Ikaw lang lang at di pwedeng ako.

Inilapit ko ang aking katawan sayo non ka sabay ng aking pagyuko di ko alam pero nahihiya ako sayo. "Pwede mo ba akong yakapin?" Mahinang tanong ko sayo, di ko alam kung san ko nahukay ang tanong na yan at nasabi ko bigla sayo. Ngunit wala akong narinig na tugon mo. naramdaman ko nalang na inakap mo na ko. Mas mahigpit pa sa gusto ko halos magka bali bali ang ribs sa loob ko dahil sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Hindi ako nakagalaw non natutuwa ako na nalulungkot. Pakiramdam ko may ibang pakahulugan ang higpit ng yakap mo na yon. Matagal tayong nanatili sa ganong posisyon hanggang sa ikaw na rin ang kusang humiwalay sakin. Patago ka pa ngang nag punas ng luha mo na kumalat sayong pisngj. bakit akala mo ba di ko nakita ? pinakikiramdaman ko LAHAT LAHAT ng kilos mo nung panahon na yon Boo. May gusto akong Malaman sayo na hindi ko rin naman maipaliwanag sa sarili ko kung ano ba yun. Dahil naka padlock ang rooftop ay minabuti nating doon nalang sa hagdan tumambay. Naka upo ka sa baitang Habang ako naka tayo at naka sandal sa bakal na hawakan. Naalala mo? Tawa ka ng tawa nung ikwinento ko sayo kung Paano ako naka akyat ng bakod, Sabi ko kase nag feeling spider man ako at kapit tukong kumabit sa pader  maski ako ay Natatawa sa tuwing naaalala ko yung itsura kong yon  HAHAHA mukang tuko. Habang nag e enjoy ka sa kwento ko ako naman ay nag e enjoy titigan ang mukha mo. Ang Ganda mo pala Boo lalo na kapag naka ngiti ka. Nakaka inlab ka non shet! hahaha. Matagal tayong mag kwetuhan Hanggang sa marinig nalang natin yung Bell, oras na ng klase ko. Tinanguhan mo lang ako at pinabaunan ng isang napaka tamis na ngiti saka ka nag laho. Napayuko ako saka pinagpagan ang aking pants na naalikabukan ng bahagya tapos ay nag deretso na ko sa silid namin. Dere-deretso lang akong pumasok at wala ni isang pinansin sa mga kamag aral ko. Naalala mo yun ginawa mo? Halos maihulog ko yung bag na nakasabit sa balikat ko ng bigla kang sumulpot sa upuan ko. Kinakawayan mo ko at ang Ganda ng pagkaka ngiti mo. Nababaliw na ata ako ayun ang nasa isip ko nung panahon na yon. Dahil sobra nanamang nag wawala ang puso ko.
Anong ginagawa mo sakin ?
-------------------------------------------------
Credits to the owner Ms. Blythe and Mr. Ethan thank you for your names hahaha

LETTER FOR MY BOO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon