Chapter 1

4 0 5
                                    

Bitbit ang color blue na maliit Kong bag ay mabilis akong naglakad sa mababatong Daan. Tsk tsk kailan kaya ito isesemento?! Yang mga Politiko Kay papaasa eh! Sila kaya maglakad araw-araw sa ganitong daan di kaya sila matalisod eh noh?

" Ate! " Napalingon agad ako sa tumawag kahit diko alam kong ako ba talaga tinawag. Nakita ko si Boboy kasama ang minions niya na nakangisi sakin,

" Oh Hello mga bulinggit!" Bati ko sakanila.. mas lalo silang napangisi mga Batang ito nakaka-creepy eh. Hindi ko na sila nilapitan pa dahil malapit na ako sa bahay, pagod ako ngayon araw na ito kaya I need major  beauty rest!

Pagdating ko sa bahay namin este nila ay nakita ko si ante doing her afternoon business ang magpakain ng baboy, manok at kambing.. Feel na feel ang Bukid life eh kahit sa syudad naman nakatira. Agad akong lumapit sakanya at nagmano.. Tango lang ang bati nito sakin at pinagpatuloy na ang ginagawa niya. Umakyat na agad ako sa 2nd floor ng mala-mansion nilang bahay, may 3rd floor pa... Kahit pagod na ay agad kong tinungo ang lamesa na sana may merienda o pagkain lang man.

" Goodness sardinas lang ang nandito kahapon pa to ehhh..." Napailing nalang ako, dapat kasi di na ako umasa pa! Lagi akong napapako eh..

----------------------------

" Dat! Kakain naaaaa!.."

That's my signal, Mamaya ko nalang tatapusin ang pagbabasa ko ... Bumaba agad ako at nadatnan na kompleto na ang lahat dun.. Nagpasalamat muna kami sa pagkain Kay Lord bago kumain. Dahil gentelgirl ako pinauna ko sila na kumuha ng pagkain... Goodness sawang-sawa na ako sa sardinas.. Ilang klaseng sardinas na  putahe paba ang kakainin namin .. Kahapon sardines with veggies in the morning, nong nadatnan ko kanina ang lamesa sardines soup naman at ngayon sardines ala meswa goodness nakakasawa na ang kulay pulang isda.

Nang natapos kumain ay ako ang nakatuka sa paghuhugas ng Plato.. Dahil expert ako sa paghuhugas ng mabilisan ay 10 minutes tapos nako. Agad akong dumaretso ng kwarto para magdalamhati sa ulam namin ngayon at bukas dahil sabi ni ante sardines with egg ang ulam bukas goodness.

----------------

Tahimik akong nakaupo habang hinihintay dumating ang mga creeps kong mga kaklase. Dapat bigyan na ako ng 'Most Early Bird' award ehhh ang aga aga kong dumadating sa school. Napangisi agad ako ng nakita ko sa malayuan ang mukha ni Dora at Mama brown na papalapit sa room. Himala maaga ang magyaya ngayon ha.

" Yow Doraaa and Mama Brown!" Bungad ko sakanila. Inirapan lang ako ni Dora habang si Mama brown naman ay lumapit sakin.

" Good morning Cha.." Kiniss ako nito sa cheeks at niyakap, kay lambing nahalf creature ehh pagkatapos ay umupo na ito sa chair niya.

" Dora your ROAD tss.. " Sabi ko kay Dora na nasa tabi ko na busy sa cellphone.

" Shut-up Cha.. busy ako.." Sabi nito at nag rolling eyes pa sakin.. wow lang tong gala ng gala na Dora sarap batukan eh. Kinuha ko nalang ang phone ko at nagbasa hayss buti patong binabasa ko hindi ako naiistress, itong katabi ko naku depressed na depressed na ako.



Nandito kami sa cafeteria ni Dora ngayon, Wala si mama Brown. Sarap na Sara sa kinakain na French fries ang Gala girl ngayon. Tinuon ko nalang ng pansin ang Banana cream ko.. Makalipas ng ilang sandali ay nagsalita na si Dora sa wakas.

" You know what?"

" I dont know what"

" Tss ganyan..."

" Tss too ganyan too"

" Seryoso na Cha.." Ngumisi ako sakanya. Yes I win!. " Okay, ano ba yun Dor? " Seryoso kong sabi..

" Si Lia... May Poreber na.." Gulat akong napatingin sakanya like seriously si LIA?!!! May Poreber na?!! Goodness inunahan ako ng baklitang yun!!

" Sino naman?" Humanda sakin ang babaeng iyonnnn! Dapat ako ang maunang magkalovelife ehh.

" Si Stephen...."

" WHAT?!!!..." Is this true? Kala koba walang mag aano sa room dahil family kami lahat? Na magkapatid kaming lahat?!! Panong may nagkasala sa pamilya!!! This is so unfair!!

" Puntahan natin si Lia now na!!" Hinila ko agad si Dora, nagreklamo pa ito pero Lakopaki .. Nahuhurt yung feelings ko.. Ang tataksil nilaaa. Pagdating namin sa room wala ang baklita kaya nagtanong kami at sabing nasa ibang cafeteria si baklita at kasama pa niya ang Poreber niya daw... Grrrr. Nadatnan namin si Baklita na nagpapabe kay Steph, Sisigaw na sana ako para makuha ang attensyon nila na nakita ko si Mr. lollipop. Kasama pala ni Steph ang 7Dogs ngayon.

" Ohh halika na puntahan nanatin sila .." This time si Dora naman ang naghila sakin papunta sakanila.

" Oh nandito pala kayo Cha.." Bungad ni Kirk sakin one of the 7Dogs.

" May kailangan lang sana kami kay Lia.." Sabi ni Dora, tahimik lang ako at panakaw nakaw ng tingin kay Mr.Lolipop.

" Bakit ano ba yun Shin..?" Takang tanong ni Baklita sa halip na sumagot si Dora ay tumingin siya sakin. Agad naman napatango si Lia buti fast learner ang babaeng ito. Nagpaalam ito sakanila at hinila kami palayo. Huminto kami sa gilid na malapit sa building ng Engineers.. Gosh ang rami pa namang gwapings dito.

" Wag ka munang mag beast mode Dyan let me explain first.." Simula ni Baklita.. Face to face kami habang tahimik sa gilid si Dora...

" Last week pa naging kami Okay, Secret relationship muna kami ngayon dahil alam namin yung rule nila na 'Family tayo' ..tsaka alam mo namang crush ko si Stephen ehh kaya ng nalaman kona the feelings is mutual edi grab the opportunity na ako.. Niligawan niya ako for 1 week after that sinagot kona siya.." Mahabang lintaya niya... Seryoso ko lang siyang tinignan.. still processing pa ako.. Ligaw, sinagot, Poreber na sila...

" Ehhhhh bakit ang unfair!!!!!!! .." Maktol ko... Inis na Inis ako sa nangyayari ..

" Baka Kapatid lang talaga ang tingin niya sayo Cha.." Singit ni Dora.. I give her my Millon dollar death glare.. Dapat tumahimik muna tong Dora..

" Death glare pa..." sarcastic nitong sabi at inirapan ako galing!.. Mga kaibigan kuba talaga sila?

" Bakit ikaw Niligawan ni Steph bakit ako di Niligawan niya?" Mahinang tanong ko.. Tumahimik naman sila saglit tila nag-iisip.

" Alam mo namang kakabreak lang niya sa Gf niya noh" That hit me.. ou nga fresh broken hearted pa si Mr.lollipop pala..

" Kung may gusto siya sayo matagal kana niyang niligawan Cha kahit na bawal satin ang mag ano ano sa room dahil pamilya tayo' sabi nila.."

" Ou nga Cha, madami pang boys dyan kalimutan mo nalang si Rods.." Agad akong napatingin kay Dora.

" Ang daling sabihin eh pero ang hirap gawin hmmp!" As a matter fact kong sabi. Lumapit silang dalawa sakin at niyakap ako...

" Makakahanap ka rin Cha.." Sabi ni Dora pagkatapos pinat ang ulo ko ginawa akong aso nito..

" Magwawalwal akooo.." Sabi ko habang yakap pain sila..

" Huwat? Diba bawal ka mag uminon ng alak?" Takang tanong ni Lia..

" DM mo eh, Magwalwal maglalasing na agad? Diba pwede Yakult at Chukie ang iinumin ko?" Sarcastic kong sabi na kinatawa nila. Mga baliw.

" May pera kaba?.." Napabitaw ako sa yakap sa mga panget. Seryoso ko muna silang tinignan bago sabing

" Pautang ako ng 50 pesos dali.."





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Station 5 ( Completed Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon