Ang secret relationship kuno daw ay naging reveal relationship na.. Nakabasungot kong tinignan ngayon si Mr.Lollipop na natutulog habang may earphones sa tenga.. Bagong dating tulog agad di man lang nag Good morning o nag Hi sakin. Ang selfish niya..
" Baka matunaw Po..." Sinaman ko agad ng tingin si Dora.
" Your so pakialmera ya know?" Inis kong sabi sakanya.. Tumawa naman ito .
" Wala ng pag-asa uyy.. iwalwal mo nalang yan busog kapa Hahaha" Inirapan ko siya at padabog na nag walkout ... I hate traveler girl!!!
Tahimik akong kumakain ngayon ng ice cream.. Wala si Dora nor si Lia.. Gusto kong mag-isa ngayon dahil gusto ko lang.. Baka magpalibre yung dalawa ng ice cream, mahal pa naman to 35 pesos.. dahil 15 pesos nalang ang natira sakin which is pamasahe kopa kaya 'No Libre allowed Today' or 'Not today' Bts lang ang peg eh.. Pasubo na sana ako ng biglang may umakbay sakin.
" Loner ka yata... " Panimula nito. Kinuha yung hawak kong kutsara na may ice cream, nilantakan niya ito pagkatapos ngumisi sakin..
Dug Dug Dug Dug Dug Dug
" Uyy ayos ka lang?.." Tumango agad ako at kinurot ang pisngi niya... Landi ko Hahaha sabi naman ni Lia na Grab the opportunity daw kaya egragrab kona to...
" Pakain mg ice cream mo ha masarap eh.." Tango lang ang sagot. Nilapit ko sakanya yung maliit na baso na may lamang ice cream.. Takam na takam naman itong kumain.. wow gutom na gutom?
" Bakit pala nandito ka?" Biglang tanong niya at tinignan ako..
" Anoo kasi.. nagutom ako kaya ito bumili ako ng ice cream.." Agap na sagot ko .. Tumango naman siya.. Nawala yung ngiti ko ng tinanggal na niya ang braso niyang naka-akbay sakin...
" May sasabihin pala ako sayo pero sa atin atin lang to Cha ha?.. I trust you enough.." Ewan ko kung ano ang isasagot ko o gagawin dahil parang may Mali sa sasabihan niya.. kaya Tipid akong ngumiti at tumango. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita...
I'm nervous..
" May gusto ako kay Shenii..."
Napatulala ako sa sinabi niya.. si.... S-henii? Si... D-ora?.... Paanong nangyari? B-akit s-iya pa...?
" K-ailan p-a..?" Lakas loob kong tanong..
" Matagal na.. " Ngiting sabi niya
Matagal na..
Matagal na...
Matagal na...
Matagal na...
Matagal na...
" A-h bakit di mo siya niligawan kong m-atagal mo na pala s-iyang g-usto..?"
" Because I think I don't deserve her look she's pretty, smart, kind all that I wanted to a girl ..."
Peke akong ngumiti sakanya.. Tumayo na ako at ibingay sakanya yung ice cream ko..
" H-indi mo talaga siya deserve kong ganyan ang tingin mo sa sarili mo. Be a man if you like her then do something wag kang tatanga baka maagawan kapa sa huli niyan.. Oh heto sayo na yan.. Baka matauhan ka Pag naubos mo yan, sige una naku..bye..." Tumalikod na agad ako... Agad na nagsilabasan ang mga luha ko...
Tama nga si Dora dapat talaga mag move-on na ako dahil hindi ako ang gusto niya kundi siya.. Saklap this feelings..
-------------------
Isa..
Dalawa...
Tatlo....
Apat...
Apat na Chukie ang naubos ko... May Anim pa akong natitira... Buti nalang pinautang ako ng isang kaklase ko ng 100 pesos.. Hayss Ang dami ko ng utang... Tsk tsk.
" Dat kakain na..." Sigaw ni ante. Nakakasawa yang signature niyang 'Dat kakain na' tapos ang ulam ibat-ibang klaseng ng sardinas naku no comment nalang .. Tinago ko ang natirang Chukie ko sa secret box ko .. mas mabuti ng handa.. Mga baliw pa naman ang mga pinsan ko .. Tsk tsk..
Matapos kaming kumain ay lumabas muna ako ng bahay... I need fresh air.. Pumunta ako sa may likod, umupo sa maliit na upuan.. Tumingala ako at tinignan ang malawak at magandang gabi.. Madami ang stars.. Mapakla akong ngumiti .. Sa lahat lahat ng babae sa buong school bakit si Dora pa?.. Alam kong malapit na sa pagiging perfect si Dora pero bakit siya pa ang nagustuhan?.. Ang swerte ni Dora...
One lucky traveler short hair.
--------------------
Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta ng Cafeteria. Pagpasok ko sa loob agad napadako ang tingin ko sa isang mahabang lamesa kong saan masayang nagkwekwentuhan at nag-aasaran ang isang grupo at dalawang babae. Sa iba normal lang pero sa akin para silang center of attraction sa mga mata ko. Tumalikod agad ako. Sa ibang cafeteria nalang ako kakain.
" Chaaaaa..!" Napalingon agad ako sa sumigaw.. It was Dora.. Tumatakbo ito papunta sakin... Hingal na hingal itong huminto sa harap ko.
" Oh sino ang nanalo?" Nakangising tanong ko sakanya na kinairap niya..
" Ang sungit ahh... bakit ba kasi tumakbo pwede namang maglakd noh?.." Sarcastic kong sabi..
" Lakangpaki trip ko ehh.." This time ako naman ang umirap sakanya.
" Nasan si Lia at Mama brown..?" Change topic ko ... Humawak ako sa braso niya at nagsimulang maglakad .
" Si Brown nasa room .. pinatulog ko muna nag-iinarte nanaman eh habang si Lia ayon no where to be found..."
" Baka nagtanan na sila ni Steph .." Biro ko .. Ngumisi naman ito..
" Baka nga Hahaha. .." Nakitawa narin ako para di maging loner siya. Bait kong friend ha..
BINABASA MO ANG
Station 5 ( Completed Short Story)
Short StoryThis story is comes from my own imagination and fantasy. Do not expect to much. This a short story about friendship, Young love and journey in life.. If you want to read something bbi bbi then read my very first published story .. Galing ito sa pus...