" Kamusta ka..?" Bungad ni Lau nang nakaupo na ako sa favorite couch ko..
Inirapan ko naman ito.. Kay aga aga yan talaga ang tanong niya?" Im better .."
" Baka bitter Hahaha.."
" Nagtanong kapa talaga noh? Totoong kaibigan kaba talaga ha?.."
Inis kong sabi.. Nakakahurt ng feelings ang babaeng ito.. Tumawa lang ito.. baliw.." Gusto mo ba mamasyal?" Biglang tanong nito..
" Mamasyal really? Di ka nga pwede lumabas dito eh mamasyal pa kaya.. tsk" Mataray kong sabi.. Sinamaan naman niya ako ng tingin ginantihan ko naman ng rolling eyes ko...
" Pero seryoso nga, gusto mo ba?" Tanong ulit niya..
" Ou.. nabobored narin kaya ako dito .. puro puti nalang ang nakikita ko para tuloy nasa langit na ako.." Sagot ko na ikinangiti niya.. Baliw na tsk tsk..
Gaya nga ng sinabi niya.. Namasyal kami.. Ang bilis ng pangyayari.. Pumayag yung doctor niya na lumabas siya saglit... Napatulala nalang ako ng nag-uusap sila tita at tito sa doctor.. Pati si Kuya Aidan pumayag rin, nakapagtataka ehh. Diba bawal naman lumabas ang mga pasyente pag hindi pa nadidischarge.. Napaka wow magic!!
" Hoy!! Halika na.. " Napatingin ako sa baliw na pasyente.. Nakasuot ito ng dress ngayon at doll shoes.. Walang make-up pero maganda parin, actually parehas kami ng suot pinilit niya ako..
" San tayo pupunta?" Tanong ko.. Hindi ito sumagot sa halip ay hinila niya ako papunta sa sakayan ng Jeep.. tsk kala ko mag tataxi kami.. Mayaman naman sila ahh.. Kuripot.
Una naming pinuntahan ay ang pinaka malaking mall dito samin.. Halos naikot na namin ang buong mall thanks to my energetic companion... Buti nalang nilibre ako nito ng mga damit sa isang boutique.. siya na mayaman..
Next naming pinuntahan ay ang sports center .. Nagtataka talaga ako kung ano ang gagawin namin dito pero dahil trip ng kasama ko ay wala na akong magagawa.. Akala ko nga anong gagawin namin.. Manunuod lang pala kami ng isang basketball game.. tsk tsk.. Di ko nga Kilala yung naglalaro eh pero infairness ha.. ang gwagwapo nila... Kaya Kinapalan kuna ang mukha ko.. Nagcheer ako sakanila.. Wala akong bias.. Both team ang cheneer ko lahat kasi sila gwapo Hahaha.. Nang natapos ang laro ay umalis agad kami.. Naghinayang pa ako.. Di man lang ako nakapag papicture dun sa mga Gwapong players... Pero may next time pa naman Hahaha... Sports center lang pala makikita ang mga gwapo ehh.. Starting today yun na yung favorite place ko..
Ang last naming pinuntahan ay ang Eco Park.. Agad akong hinila nito papunta sa may fountain ng Park.. Para itong batang ngayon lang nakalabas ... Monggol lang?
" Anong nahithit mo ngayon?.. Ang energetic mo yata.." Tanong ko..
" Wala.. masaya lang.. " Agap na sagot nito, magsasalita pa sana ako ng hilahin na naman ako nito ...
" No more questions please? Mag enjoy nalang tayo!!.." Huminto kami sa mga stalls kung saan may mga pagkain nagtitinda...
" Foodtrip tayo.. Libre ko.. Kuha na.." Biglang sabi nito na kina liwanag ng mukha ko.. Goodness Foods!!
" Basta Libre ha.. sige tara lamon amega!!!" This time ako na ang humila sakanya..
----------------------
Para akong anim na buwang buntis ngayon.. Grabee ang dami ng nakain koooo... Nabaling ako sa katabi kong parang baliw ...Kanina pa kasi ito ngumingiti .. Nakaupo kami ngayon sa isang bench malapit lang sa fountain... Hihintayin daw namin lumabas yung tubig ng fountain.. And to think 7pm sharp ang open ng fountain kaya maghihintay pa kami ng 2 hours goodness gracious!!
" Next time nalang natin tignan yung fountain Lau..." Sabi ko.. Nag-alala kasi ako sakanya... Baka mapano pa kung magtatagal pa kami dito.. Air polluted pa naman dito tsk ..
" Nahh mas better kung ngayon na total nandito narin naman tayo, why not take risk right?" Ngiti nitong saad.. Nakaka-creepy na talaga yang ngiti niya goodness...
" Baka hanapin kana ng parents mo.." Sabi ko ulit... Umiling naman agad ito..
" Alam nila.. kaya wag kana mag negga negga dyan... Just enjoy this day Cha.. No lets enjoy this day.." Napailing nalang ako... Tsk may magagawa paba ako? ...
Sumapit ang alas syete ng gabi.. Ang kanina pa naming hinihintay.. Agad kaming tumayo at lumapit sa fountain...
" Countdown tayo hanggang 10.." Biglang sabi ni Lau.. Tumango naman ako.. naeexcite narin kasi ako ..
" 10..."
" 9..."
" 8.."
" 7.."
" 6.."
" 5.."
" 4.."
" 3.."
" 2.."
" Mamimis kita Cha.."
" 1.."
Nagsimulang lumabas ang tubig... Kasabay nun ang paglabas rin ng mga ilaw... Nakatutok ito sa fountain..
Ang Ganda..
Naramdaman kong hinawakan ni Lau ang kamay ko.. Napatingin ako sakanya.. Malapad itong nakangiti sakin..
" Dapat maging masaya ka... Kahit na anong mangyari... Be happy okay.. Pangako mo Cha.." Tulala akong napatingin dito.. A-no bang pinagsasabi niya?
" What's with you Lau?.." Takang tanong ko..
" Seryoso Cha.. Pangako mo please.. kahit na anong mangyari.. Maging masaya ka okay?" Pagsusumao nito.. Bakit ang lungkot ng pagkakasabi niya? May mangyayari bah?
" Please.. promise me Cha.." Dagdag nito... Tumango nalang ako.. No choice ehh.. Ngumiti naman ito. Niyakap ako nito kaya niyakap ko nalang pabalik.. ang drama ng babaeng ito ahh..
" Ang drama mo.." Biro ko.. Narinig ko ang tawa nito ...
" Nahawa sayo.. Walwal pa more Hahaha.." Ganti nito.. Babatukan ko na sana ito ng kumalas ito sa yakap at tumakbo.. kaya hinabol ko...
" Lagot ka sakin pag naabutan kita Lau!!" Sigaw ko. Mas binilisan ko ang takbo.. Ang baklita ang bilis tumakbo ahh.. Habulan ang peg namin sa dark night Hahaha...
BINABASA MO ANG
Station 5 ( Completed Short Story)
Short StoryThis story is comes from my own imagination and fantasy. Do not expect to much. This a short story about friendship, Young love and journey in life.. If you want to read something bbi bbi then read my very first published story .. Galing ito sa pus...