Chapter 5

1 0 0
                                    


" Dapat ikaw ang pinaka maganda dun sa One night nyo Cha.."

" Ofcourse!! Dapat ako talaga.. tatalbogan ko ang beauty ni Dor-- este ng girls dun sa campus.. " Hoo! Buti na pigilan ko ang dapat na sasabihin ko.

" Hayss. Yan ka na naman.. Cha always remember kaibigan mo si Shenii okay?.. Kaibigan mo siya hindi kaaway.." Seryosong sabi ni Lau.. Kaaway? Ganyan naba ang tingin ko kay Dora? Hindi naman ahh.

" At tsaka.. Always remember na maganda ka.. Ikaw ang pinaka maganda na best buddy ko.." Dagdag pa niya..

" Tss ako lang naman kaibigan mo ehh.. maka pinaka maganda  ka dyan eh kala mo ang rami mong friends!" Maktol kong sabi.. Tumawa naman ito kitams.. baliw na siya.. Napailing nalang ako..

" Pero totoo naman sinasabi ko ehh.."

" Cheee..."

" Pero seryoso.. may date kana ba?" That hit me.. Napayuko nalang ako ..

" Uyy wag ka nga yumuko.." Pilit nitong inaangat ang ulo ko..

" Wala ako kadate.." Mahinang sabi ko na sapat para marinig niya..

" Bakit naman? Wala pang nag-aya?" Tanong niya.. This time inangat kona ang ulo ko para makita niya na..

" Why are you crying?" Gulat na tanong niya..

" Eh kasi inaya kanina ni Mr.Lollipop si Dora maging date.. tapos akala ko tatanggi siya pero akala ko lang pala...." Hikbing sabi ko.. Naalala ko na naman kanina sa school.. Kasama ko si Lia at Dora na kumakain ng kwek-kwek sa cafeteria.. Ang bilis ng pangyayari basta nakita ko nalang na pumasok yung 7Dogs may dalang flowers at teddy bear tapos may guitar tapos hinara si Dora tapos kinilig ang lahat sa loob tapos lumapit si Mr.Lollipop kay Dora tapos tinanong niya ito na pwede maging date tapos tumingin saglit si Dora sakin tapos nag 'yes' siya tapos tapos tapos nagyakapan sila sa harapan ko tapos nakita ko ang masayang ngiti ni Mr.lollilop na hindi man lang niya pinakita sakin....

" Wahhh ansakit!!! Bakit ganun Lauren? Bakit ang unfair ng Tadhana sakin? Bakit lagi nalang akong sinasaktan at pinapaasa?! Ano bang ginawa kong mali para maranasan ang ganito Lau? " Para akong lasing na galing sa walwal session ... Niyakap naman agad ako ni Lau.. Kahit may apparatus pang nakalabit sakanya..

" Shhh sige ilabas mo lang yan.. Nandito lang ako Cha.. Ganyan talaga eh masasaktan tayo pero wag kang mawalan ng pag-asa dadating din si Future Boylet mo soon hintay lang.." Pang-aalo nito sakin.. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at hindi na nagsalita pa...

---------------------

" Itooooooo! Prey! Inom paaaaa Cheers!!!.." Tinaas ko Yung chukie at tinapat sa chukie niya..

" Yessss! Prey! Walwal lang tayo now.. Cheers!!" Nagcheers kami tapos nilagok ang chukie..

" Para makalimot sa Pusong nag-iisa cheers!! Ulit preyyy!!!.."

" Tama .. Kalimotan ang sakit eh-walwal  nalang yan Preyyy Cheers..!!"

Nakaubos na kami ng 6 na Chukie.. grabe mga Dakilang  walwalers kami.. 24 ang natira.. 30 na Chukie ba naman binili nila Tita ehh... Sila na mayaman.. Face to face kami ni Lau ngayon habang may hawak na Chukie... Ganitong scenario nadatnan kami ni Kuya Aidan pogi..

" What are you doing girls?" Naguguluhan nitong tanong...  Nagkatinginan kami ni Lau .. may ngiti sa mga labi namin..

" Nagwawalwal Kuya Aidan.." Sabay naming sabi tapos nag apiran pa kami..

" Bakit naman kayo nagwawalwal?" Tanong nito.

" Broken hearted kasi ako kuyang pogiii.." Lasing kong sabi.. Napahagikgik naman ang katabi ko..

" Bakit ka naman broken hearted?" Tanong ulit ni Kuya pogi. Umupo ito sa favorite couch ko at Kumuha ng chukie.. don't tell me sasali siya samin?

" Kasi poo.. May date na yung crush niya sa one night nila taposss yung date kaibigan pa ni Cha Hahaha.." Parang batang sabi ni Lau.. Imbes na maiinis dahil nilaglag niya ako ay kabaligtaran.. Nakipag-apir pako sakanya tapos nagcheers ulit kami sa chukie namin.. Hindi tuloy mapinta ang gwapong mukha ngayon ni Kuya Aidan dahil sa pinag-gagawa namin.

" Ahh okay... " Tanging nasabi nito ...







------------------

Isa lang naman ang gusto ko ehh, makasama ang crush ko sa Pasko pero nakalimutan ko October pa pala ngayon .. tsk tsk.

Nandito KAMI.. ou kami hindi singular kundi Plural na.. Bakit nga ba ako pumayag na sumama sakanila at the first place? Hmmmmm

Ililibre nila ako..

Kaya ako itong si Tanga bagong nasaktan lang last week magpapatanga naman ngayon.. tsk tsk..


" Cha ayos ka lang..?" Bakit ganun? Nagtatanong lang naman siya kung ayos ako pero bakit naiiyak ako? Ganun ba talaga ako nasaktan?

" O-h ayos lang ako.." Lied. I give him a fake smile... Tumango lang siya... Gaya ng iba .. I know alam nila ang sagot. Bakit pa kasi nagtatanong at the first place? Ano naglolokohan kami dito?

" A-nong gusto mong kainin Cha? Pizza?.." May gana pa talaga siyang magtanong ehh noh? Kung sabihin ko kaya sakanya na ang gusto ko ay hindi pagkain kundi yung katabi niya.. tss

" S-ige Pizza.." Tanging sagot ko. Again I give my fake smile..


Noon pagkami magkasama Tatlo walang tahimik na oras dahil para kaming mga baliw na gustong Mag-ingay PERO ngayon iba na.. sobrang tahimik..

Dahil may dumagdag ehh...

" Here's your order ma'am and sir.. enjoy your me---"

" Noo! Hindi dapat ganun Kuyang waiter... Kita mo naman kanina noh? Pagpasok pa lang namin ang tahimik na namin hanggang sa umupo kami dito at dumating ang order namin.. Dapat ang sinabi mo.. ' Enjoy your awkward meal ma'am and sir.." Putol kong sabi kay Kuyang waiter.. Nagtataka ang mukha nitong nakatingin sakin...

" Hahaha.. Wag mo ng pansinin yung sinabi ko Kuya.. sige salamat.." Napakamot nalang ito sa ulo niya.. Nagbow saglit ito tapos umalis .. Tinignan ko naman ang mga kasama ko..

" What's with that look Fellas?.. Sayang ang pizza kainin na natin to.." Sabi ko. Kumaha agad ako ng slice ng pizza at kinain ito.. Ganun rin sila..




" C-ha.. pwede ba kitang maka-usap?" It was Shenii... Bakit parang kinakabahan ito?

" Uhm okay..", Tipid kong sagot..  Tinignan naman nito ang mga kasama namin.. Isang tango lang nito ay nagsilayasan na... wow magic!

" G-usto mo sa ibang lugar tayong mag-usap o dito nalang..?"

" It's fine here.. " Seryoso kong sabi.. Tumango lang ito..

" A-no n-ililigawan n-a a-ko n-i R-ods.." Utal niyang sabi.. Di na ako nagulat dahil in the first place alam kona na dadating din sa ganito.

" Okay.." Walang gana kong sagot.. Nagulat ito sa naging sagot ko.

" O-kay l-ang? H-indi k-a g-alit? D-iba g-usto m-o s------"

" I moved on.." Putol kong sabi sakanya.. Mas lalo itong nagulat.. Tsk tsk..

" Dora .. dont worry ayos lang ako.. tsaka tanggap kuna Hahaha.. Poreber alone is life nga naman.." Niyakap ko siya to assure her that I'm fine..

" S-alamat Cha.." Naramdaman ko naman niyakap niya ako pabalik..







Walwal na this...

Station 5 ( Completed Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon