Araw ng sabado. Nakatunganga ako sa kwarto. No activities for today dahil busy ang dalawa... Nabobored talaga ako dito sa kwarto .. Kailangan kong maglakwatcha para narin maka unwind ako... Buti nalang nakaligo na ako kaya bihis nalang ang kulang.. Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko ang wallet ko..Nakss 30 pesos ang natira.. Napailing nalang ako ... Tuloy parin ang lakwatcha noh.. Nang ready na ay bumaba agad ako. Nakita ko si ante na naglilinis, sipag talaga ni mother..
" Ante.." Pukaw ko sa atensyon niya .. agad naman itong tumingin sakin..
" May pupuntahan lang po ako.." Paalam ko..
" Okay, may pera kaba?" Tanong niya.. Umiling agad ako.. Yes! May pang Kain na ako Mamaya.. Tumango lang siya. Pumasok ito sa kwarto nila.. Paglabas niya ay may bitbit na itong pera...
" Oh, Mag ingat ka.. Uwi ng maaga maya ha.." Tinaggap ko agad ang 150 pesos. Ang laki ng ngiti ko... Ang bait ni ante..
"Sige po ante salamat.."
----------------
Natapos ko ng libutin ang ang Parke.. Ngayon ko lang narealized na kahit gaano pa ka laki ang isang lugar may kaliitan parin ito pag natapos mo ng suyurin.. Napailing nalang ako.. Madami ngayon ang tao .. puro couples, magpamilya, magbarkada at marami pang iba.. Nakakainggit sila dahil wala akong kasama... Dakilang loner na talaga ako... Kinain ko nalang yung kwek-kwek na binili ko..
wew wew wew wew wew wew wew
Napahinto ako sa pagkain dahil sa tunog.. Isang ambulansya ang lumagpas .. Para itong the flash dahil ang bilis... Nakalimutan kong may hospital pala dito malapit sa Park actually nasa likod lang siya ng Park... A semi private hospital.. pwede sa mahihirap at sa mayayaman.. Nakatingin parin ako sa dinaanan kanina ng ambulansya.. Noon bata pa ako curios na curios ako kung ano ang nasa loob ng ambulansya.. at kung bakit napaka-ingay nito... Hanggang sa may-utak na ako saka ko lang nalaman na ang nasa loob pala ng ambulansya ay mga critical na tao.. Kaya curious akong tignan ang loob ng ambulansya pero paano ako makakatingin kong wala naman inatake samin.. tss
Puntahan ko kaya ang hospital ngayon? Total wala naman akong ginagawa..
Inubos ko muna ang kwek-kwek ko bago umalis.. Tutuparin kona ang matagal ko ng gustong gawin noong bata pa ako... Sandaling lakad lang at nasa tapat na ako ng hospital.. Kita ko sa loob ang napakaraming tao.. at yung ambulansya kanina .... Nandun pa kaya yung gusto kong makita?. Huminga muna ako ng malalim bago naglakas loob na pumasok.. Tinignan pa ako nong dalawang guard na nagbabantay .. Gusto ko sana irapan ang mga loko pero wag nalang baka di ako papasukin eh.. Nakatoktok lang ako sa Ambulansya .. Sinadya kong bagalan ang lakad ko .. kinakabahan kasi ako na something... Sa may mga upuan ako nagtungo kung saan kalapit lang ng ambulansya na ang pakay ko talaga dito.. maingay ang mga paligid... May mga nurse na nagmamadali at may iba rin na Kalma lang. Ang mga doctor naman ay kalma rin habang nakikipag-usap sa mga tao.. o kasama niya.. Binalik ko ang tingin sa Ambulansya... Nakita kong binuksan na ang pinto ng isang lalaking nurse. Infairness cute si kuyang nurse ha.. Hinihila nito ang patients metal bed yung para sa emergency purpose na higaan. Dahan dahan nakikita ko ang katawan ng isang critical na tao... Hanggang sa na labas na siya .. Napasinghap ako kasi Isang bata? Bakit bata? Isang lalaking bata.. Maputi ito at napakapayat.
A-nong sakit niya?Ang bata bata pa niya para maranasan ang ganyan.. Napatingin ako sa isang Maputing babae na nakahawak sa kamay ng bata.. Umiiyak ito.. Bakit? Ano bang nangyayari?.. Naguguluhan ako.. Nagsimula ng ipasok ang bata sa Emergency room..Sana maging maayos ka pag labas mo dyan bata.. Si Lord na bahala sayo....
Dapat ay kanina pa ako umuwi pero ang taksil kong mga paa dinala ako sa loob ng hospital..
Goodness may dugoo everywhere.
Patay naba yan?
Bakit natutulog siya?
Ang bata pa niya...
Para ng sasabog ang utak ko. Nanlalamig ako sa nakikita ko ngayon.. Ibat-ibang uri ng critical people ang nandito.. Naka wheelchair, nasa patient bed.. Ang dami nila..
" Nurse!! " Napahinto ako at siniksik ang sarili ko sa pader. Kita ko na nagkakagulo ang isang kwarto transparent kasi ito kita ang nasa loob.. Labas masok ang crew at doctor . Nagmamadali sila.. Anong nangyayari sa loob? Gusto ko man lumapit pero baka makasagabal pa ako o makabangga ..
" Call Doctor Renzo!! " Sigaw nong babaeng doctor na nasa loob.. Nagmamadaling lumabas ang isang nurse.. Nagkagulo na ang nasa loob .. Parang may mali...
" Iha ..." Gulat akong napatingin sa nagsalita, isang matanda. Hindi siya patient.. Ngumiti sakin .
" Pansin kong kanina kapa nakatingin dyan sa isang kwarto, kaano-ano mo ba ang nasa loob?" Tanong niya..
" A-no hindi ko po kaano-ano ang nasa loob nay.." magalang kong sabi..
" Ah ganun bah.. kala ko.. "
" A-no po bang nangyayari sa loob nay?.." Mahinang tanong ko..
" Masyado ng critical ang lagay niya.. baka di na niya makayanan pa iha.." Sagot nito habang malungkot na nakatingin sa kwarto.. Di na makita ang nasa loob dahil may kurtina na Nakatakip.
" S-ino po ba ang pasyente nay..?" Kinakabahan kong tanong.. Good wag naman sana isang bata..
" Kaedad mo lang iha.. babae pangalan niya ay Lisa .."
Napatulala ako.. Kaedad ko? At babae pa?... Paanong nangyayari yun?
Nagpaalam na ako kay lola.. lutang akong naglalakad.. nasa isip ko parin yung Lisa.. Ang bata pa niya.. marami pa siyang magagawa.. Diko namalayan na nasa harapan na ako ng isang mataas na hagdan..
San naman kaya to papunta?
Lakas loob kong simulang ipatong ang mga paa ko sa isang baitang ng hagdan.. Nandito narin naman ako why not sulitin na.. Nakarating ako sa unang palapag. Nurse station ang kaharap ko ngayon.. Walang nurse ang nasa loob baka nasa mga pasyente ngayon. Nakita ko na may limang pinto ang nasa palapag na ito. Nakakatakot tuloy dahil ang tahimik ng paligid.. Diko feel ang lugar na ito kaya umakyat na naman ako sa ikalawang hagdan.. Sa puntong ito may nakakasabay na akong umakyat sa hagdan at may bababa rin.. Tingin tingin lang ang nagawa namin dahil hindi nababagay sa lugar na ito ang ingay. Saktong pag apak ko sa huling baitang ng may dumaan na isang patient bed sa harapan ko.. Halos mawala ang kaluluwa ko sa nakita..
Isang Patay.....
Dali dali akong umakyat sa pangatlong hagdan.. Nakakatakot na dito.. Hingal na hingal akong Nakarating sa ikatlong palapag... Habol ang hiningang napasandal ako sa pader...
Gusto ko ng umuwi......
BINABASA MO ANG
Station 5 ( Completed Short Story)
Short StoryThis story is comes from my own imagination and fantasy. Do not expect to much. This a short story about friendship, Young love and journey in life.. If you want to read something bbi bbi then read my very first published story .. Galing ito sa pus...