"Sorry I'm late."
Tinig na nagmula sa may likuran n'ya. Nilingon n'ya ang may-ari ng tinig. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata n'ya ng makilala ang nagmamay- ari no'n. The tall, tan, and handsome man standing in front of her, is none other than Michael Vincent Dela Merced. Her husband.
Napalunok s'ya. Hindi sinasadyang nabitawan ang hawak na kape. Nagtalsikan ang laman no'n sa sahig pati na sa suot n'yang heels at brown skinny jeans. Hindi n'ya pinansin ang nagkalat na kape sa sahig. Nanatili s'yang nakamata sa kaharap. Pakiramdam n'ya tumigil ang oras habang nakatitig sa mga mata ni Vincent. Ang asawa n'ya.
"Are you ok?" Tanong ni Vincent at sinulyapan ang tumapon na kape sa sahig. At muling bumalik sa mukha n'ya ang tingin nito.
Kumurap-kurap s'ya. Para siguraduhin sa sarili na hindi s"ya nananaginip lang. Na totoong nasa harapan n'ya ngayon si Michael Vincent Dela Merced. Ang asawa n'ya.
Huminga s'ya ng malalim at nakaramdam ng panlalabo sa mga mata. Luha na pilit n'yang pinipigilan. Tumigas ang kanyang mukha. At mabilis na pinahid ang mga mata bago pa bumagsak ang mga luha sa harapan ng asawa n'ya. Hindi s'ya dapat umiyak sa unang pagkikita pa lang ng asawa, hindi s'ya dapat magpakita ng kahinaan sa asawa.
"What are- you- doing here?" Tanong n'ya, na hindi maitago ang garagal sa tinig. At nag iwas ng mga mata.
Alam n'ya na pag bumalik s'ya ng bansa magkikita't magkikita sila ni Vincent. Pero, hindi n'ya inaasahan na ito ang unang makikita sa unang araw ng pagbabalik n'ya ng bansa.
"Sinusundo kita!" Maotoridad na sagot nito. At hinawakan ang handle ng maleta n'ya.
Mabilis n'yang inagaw 'yon at tumayo mula sa kinauupuan. Sinulyapan ang nagkalat na kape sa sahig. Napakagat labi s'ya at muling ibinalik kay Vincent ang mga mata. Nakita n'yang sa mga labi naman n'ya ito nakatingin. Nakaramdam s'ya ng pagkailang at nagyuko ng ulo. Pakiramdam kasi n'ya sasabog na ang dibdib n'ya sa kaba, takot o ano mang nararamdaman ngayong nasa harapan n'ya ang asawa.
"Let's go," anyaya nito.
Biglang s'yang nag-angat ng mukha. At deretso sa gwapong mukha nito tumama ang mga mata. Humugot s'ya ng malalim na paghinga. Dahil tila pangangapusan na s'ya ng paghinga sa pagtingin sa gwapong kaharap.
"Where's my Dad? Hindi ba't s-ya dapat ang susundo sa akin?" Tnong n'ya na pilit pinatitigas ang boses. Para maitago ang kaba.
"I'm your Husband kung may dapat man na sumundo sa iyo, ako 'yon!" Sagot nito. Na sadyang pinakadiinan pa ang salitang Husband, na Naghatid ng kilabot sa buong katawan n'ya.
"Husband?" Bulong n'ya na tila ba s'ya lang ang nakarinig.
"Let's go!" Muling anyaya nito na hindi pinansin ang bulong nya.
Hinila nito ang maleta at kinuha ang isa pang bag na nakalagay sa upuan. Bago pa s'ya makapag protesta lumakad na ito dala ang mga gamit n'ya.
"Wait! Wait!" Hiyaw n'ya, at hinabol ito.
"Vincent ano ba?" Sigaw n'ya.
Bigla s'yang napahinto. Tila kase nagkaroon s'ya ng ibang pakiramdam sa pag banggit n'ya sa pangalan nito. Mula ng umalis s'ya ng bansa ay pinilit n'yang huwag banggitin ang pangalan ng asawa.
Hiindi man s'ya sinulyapan nito. Para bang wala itong narinig. Tinawag n'ya ito uli. Pero ganoon pa rin hindi s'ya pinansin nito. Kaya wala syang choice kung hindi sumunod rito palabas ng Airport.
"Give me that! I'm going to call my Dad! sa kanya ako magpapasundo!" Matapang na sabi n'ya. Nang mahabol ito sa labas. At marahas na hinila ang mga gamit na hawak parin nito. Pero balewala ang lakas n'ya sa lakas nito. Kaya kahit anong pilit n'yang paghila sa mga gamit hindi n'ya maagaw ang mga 'yon.
BINABASA MO ANG
The Runaway Mrs. dela Merced (Available on Dreame)
Romance"Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. dela Merced?" "Yes!" Mabilis na sagot nya, at hindi nagbabawi ng tingin rito. Kahit halos sasabog na ang puso nya sa kaba at takot na nararamdaman nya, nanghihina sya pag ganito ito k...