Ella
Pakiramdam nya may nakatingin sa kanya. Kaya naman unti-unti nyang minulat ang mga mata. Nangapa muna sa dilim, bago may nakitang nakatayo sa may paanan ng kama. Pero malabo kaya naman pinilit nyang minulat ang mga mata. At laking gulat ng makita si Vincent na nakatayo sa may paanan ng kama. Bumalikwas sya ng upo mula sa pagkakahiga. At nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Vincent, na titig na titig din sa kanya. He's wearing a white long sleeve na nakataas sa may siko nito. At magulo ang tie na tila ba inaalis na nito yon. At aaminin nyang kahit sa mumunting liwanag lang ay lutang na lutang parin ang kagwapuhan nito. Kahit pa sabihin na mukha itong pagod andoon parin ang kagwapuhan ni Vincent.
"What are you doing here?" Gulat na tanong nya. Para maiwasan ang pag suri sa kaharap na di-distract kasi sya sa gwaponh asawa.
"Dinner's ready. I was about to call you." Sagot nito. Na tila naghatid ng kilabot sa katawan nya ang seksing boses nito.
"Why the hell you?" Galit na tanong nya. Para maiwasan muli ang atraksyon nya rito. At napansin na panay sulyap nito sa katawan nya. Mabilis nyang niyuko nya sarili.
"Aaaahhhhhhhh!!!!" Nagsisigaw sya. At mabilis na hinila ang kumot at binalot ang sarili hanggang sa may baba. Nawala sa isip nyang undies lang ang suot nya. Shit mura nya sa sarili.
"Ge out!!! You pervert!" Sigaw nya ng paulit-ulit. Pero nanatili parin ito sa kinatatayuan. Habang nakamata sa katawan nyang nakabalot na ng kumot. Pero tila wala itong pakialam sa mga sigaw nya. Nakaramdam sya ng pamumula sa pisngi.
"Are you deaf? I said get out! Get the hell out of my room!" Galit na sigaw nya ulit. At lalong hinigpitan ang hawak sa kumot.
"Bakit ko naman gagawin yon kung gusto ko ang nakikita ko rito?" Seryosong sagot nito at ngumisi.
"Kanina mo pa ba ko tinitignan?"
"Enough to realised, na ang asawa ko pala ay may magandang katawan" nakangising sagot nito.
Kinilabutan sya sa sagot nito. Lalo na ng idihin pa nito ang salitang asawa. Hinila nya ang isang unan at mabilis na hinagis yon rito. Pero nasalo naman nito ang unan bago pa tumama sa mukha nito.
"You're nothing but a pervert! You maniac!" Galit na galit na sigaw nya. Habang namumula na sa galit at kahihiyan.
"Well, sorry this pervert, maniac is your husband! Tumayo ka na dyan. Pagkatapos ng dinner uuwi na tayo"
"Uuwi tayo?" Ulit nya sa huling sinabi nito. At biglang naalala ang sinabi ng Daddy nya. Kaya sya pinauwi ay dahil gusto nitong magsama na sila ni Vincent bilang mag-asawa.
"THE HELL NO!!" Galit na sigaw nya. At wala sa isip na tumayo at bumaba sa kama.
"No way! in your dreams na sasama ako sa iyo sa bahay mo! Hindi ako bumalik ng San Miguel para lang makasama ka! At wala akong balak tumira sa bahay mo! lalo nang wala akong balak makasama ka! Get out of here! Go to your damn home! Leave me alone!" Galit na galit na sigaw nya rito. Habang halos magwala sya sa harapan nito para lang ilabas ang sama ng loob. Pero nanatili lang nakamata ito sa kanya. Wala itong makitang ano mang emosyon. Samantalang sya halos sasabog na sa galit.
"You heard me right? Get out! I know what you and my Dad planned! Well, I'm sorry, Mr. dela Merced! Hindi mo ko mapipilit na sumama sa iyo! Hindi mo ko mapapatira sa bahay mo!" Ang galit na galit na hiyaw parin nya rito. Habang taas baba ang mga dibdib sa galit.
"Bakit ba hindi ko napansin dati kung gaano kaganda ang katawan mo!" Sagot nito. Na tila ba hindi narinig ang mga sinabi nya kanina.
Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa. Alam nyang kitang-kita na nito ang katawan nya. At aaminin nyang may kakaibang kilabot syang nararamdaman sa bawat tingin ni Vincent sa katawan nya. Kakaiba na hindi pa nya naramdaman sa buong buhay nya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Mrs. dela Merced (Available on Dreame)
Romance"Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. dela Merced?" "Yes!" Mabilis na sagot nya, at hindi nagbabawi ng tingin rito. Kahit halos sasabog na ang puso nya sa kaba at takot na nararamdaman nya, nanghihina sya pag ganito ito k...