Chapter 3

145K 2.1K 14
                                    

Pag mulat ng mga mata n'ya nasa sa isang puting silid s'ya.

"Ellla,"

Tinig ng Mommy n'ya.

"Mommy,"

Agad na lumapit ang Mommy't Daddy n'ya sa kinahihigaan n'yang kama.

Humagulgol s'ya ng iyak nang makita ang Mommy't Daddy nya, at naroon rin ang Mommy ni Vincent.

"Don't cry hija, Mommy's here Don't worry" Bulong ng Mommy n'ya. At mahigpit na niyakap ito.

"You'll be fine hija" alo naman ng Mommy ni Vincent. Habang hinahagod s'ya nito sa likod.

Sinabi ng mga magulang na nawalan s'ya ng malay sa VincElla Hotel. Kaya tinakbo daw s'ya ni Vincent sa Donya Feliza Hospital. Sinabi rin ng mga magulang na maayos na ang pakiramdam n'ya Kailangan lang n'ya ng sapat na paghinga.

"I miss you po Mom, Dad," umiiyak na sabi n'ya sa mga magulang.

Apat na taon s'yang nahiwalay sa mga magulang. Mabibilang n'ya sa mga kamay kung ilang beses lang s'yang nadalaw ng mga ito sa England. Kaya lalo s'yang naging emosyonal ng makita ang mga ito.

"Stop crying princess makakasama sa iyo 'yan," tinig ng Daddy n'ya. Na nasa likod ng Mommy n'ya.

Mabilis n'yang pinunasan ang mga luha at suminok-sinok. At niyakap ang mga ito.

"I miss you Dad,"

"Miss you too princess."

Matapos ang isang oras pinayagan na s'yang lumabas ng ospital. Wala naman daw s'yang sakit, tanging pagod lang ang dahilan ng pagkawalan n'ya ng malay kanina. Kailangan lang daw n'ya ng pahinga. At huwag masyadong mag-isip muna. At kumain ng tama. 'Yan ang bilin ng Doctor sa kanya bago s'ya tuluyang lumabas ng ospital.

"Si Vin-- Vincent po?" Ang halos bulong na tanong n'ya. Mula nang magising s'ya hindi pa n'ya ito nakikita. Alam n'yang si Vincent ang nagsugod sa kanya sa ospital. Dahil bago s'ya nawalan ng malay nakita pa n'yang nasalo s'ya nito bago pa s'ya tuluyang bumagsak sa sahig.

"Bumalik na s'ya ng Hotel" Sagot ng Daddy n'ya.

Hindi n'ya maiwasan ang malungkot, dahil tila hindi man nag-alala sa kanya si Vincent. Basta nalang itong umalis ng ospital at iniwan s'ya, na hindi man inaalam ang kalagayan n'ya. Ano pa nga ba ang aasahan n'ya.

"Umuwi kana muna sa bahay habang wala pa ang asawa mo. Doon kana muna magpahinga," ang malambing na sabi ng Mommy n'ya.

Muntik pa s'yang mapangiwi, dahil sa tinuring ng Ina kay Vincent. Asawa? Oo Asawa nga naman n'ya si Vincent. Pero hindi asawa ang turing sa kanya ni Vincent. Kinasusuklaman s'ya nito. Kinasusuklaman s'ya ng kanyang asawa, o tamang sabihin na isinusumpa s'ya ng lalaking sinasabi ng mga itong asawa n'ya.

"Oo nga naman Hija doon kana lang sa bahay n'yo sunduin ni Vincent mamaya," dagdag pa ng Mama ni Vincent.

"Ho?" tanging nasabi n'ya. At pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito

"Bakit po ako dinala ni Vincent sa bahay n'ya kanina? Anong po'ng ibig sabihin non?" Alanganin n'yang tanong sa mga ito. At napansin n'yang nagkakatinginan ang mga ito.

"Hija asawa mo si Vincent. Normal lang na dalhin ka n'ya sa bahay n'ya. Bahay ninyo," Sagot ng Mama ni Vincent.

"Pero, hindi po kame pwedeng magsama," Mabilis na sagot n'ya.

"We can talk about this sa bahay na lang," sabat ng Mommy n'ya.

"But Mom I-"

"Ella, kailangang mong magpahinga. Don't think about it. Vincent will take good care of you. He is your husband," abat ng Mama ni Vincent at hinalikan pa s'ya sa noo.

The Runaway Mrs. dela Merced  (Available on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon