Chapter 2

14 1 0
                                    

Third Person's Point of View

"Paano ka nga nakapasok sa mansyon ko?" Muling tanong ni Francis sa babaeng nagpakilala bilang Michelle

"Syempre pumasok ako sa Gate, naglakad at nakita kitang may hinahabol papunta rito sa bangin, akala ko nga tatalon ka eh" Sagot nito sakanya na sumisilip pa sa bangin "Ano nga palang hinahabol mo?" Dagdag pa nito

"Wala" Hindi nalang sinabi ni Francis ang totoo dahil tiyak na magtataka ito at hindi maniniwala kung sasabihin nyang tinangay ng aso nya ang ulam nyang isda at tumakbo papuntang bangin tumalon at ngayon wala syang makitang katawan


"Malamig na rito sa labas, hindi mo manlang ba ako papapasukin sa loob?" Tanong ulit ni Michelle at hinimas himas pa ang sariling braso na animoy linalamig


"Tara sa loob" at naunang nag lakad si Francis walang pag aalangan kung sino at ano ang pinapasok nya


"Saan ka nakatira?" Ang tanong ni Francis pag kapasok nila sa mansyon


Umupo si Michelle sa sofa na ubod ng lambot "dyan lang" at ilinibot ang tingin sa kabuuan ng sala "may pag kain ka pa ba? Kahit noodles lang hindi pa kasi ako nakakain eh" at hinimas pa nito ang tiyan

"Meron sandali lang" pumunta si Francis sa kusina at kumuha ng cup noodles at binuhusan ito ng mainit na tubig


"So saan nga yung dyan lang?" Tanong ulit niya pag kabalik sa sala dala dala ang cup noodles na may mainit na tubig

"Malayo pa, ilang kilometro mula sa mansyon, sanay na kasi talaga akong pumunta sa bangin hanggang sa mamatay yung dating nakatira rito" napagtanto ni Francis na tito Renz nya ang tinutukoy nito


"Hindi mo ba alam na trespassing  ang ginagawa mo?"  Ngunit tumawa lamang si Michelle sa sinabi ni Francis


"Bata palamang ako ay talagang halos dito na ako natira, trespassing pa ba iyon?" Ang hindi alam ni Francis ay iyon talaga ang tahanan ni Michelle


"Ngayong ako na ang nakatira rito, trespassing na iyon" hindi paawat na sabi ni Franci, tumawa si Michelle "Sabi mo eh"


"Gusto mo ba ng maiinom?" Alok ni Francis kay Michelle


Napatulala siya sa binata "Sige.."


Pumunta si Francis ng kusina at nag handa ng maiinom at hindi maalis sa isipan niya ang itsura ng babae, pamilyar talaga


Pagbalik nya sa sala ay wala na ang dalaga naiwan roon ang cup noodles



"Michelle?"


"Michelle?"


Ilang beses nya pang tinawag ang pangalan ng dalaga ngunit walang sumagot

Marahil ay umuwi na

Ilinapag niya ang inumin sa sala at tumungo sakanyang silid, naghahandang matulog ng mapatingin sa isang napakalaking larawan sa kwartong iyon..  punit ang larawan at leeg pababa nalang ang natira wala ang mukha ngunit nasisiguro nyang babae ito, hindi ito ang naging kwarto ng nino man sa ninuno nya at sigurado sya rito kaya nagtataka siya kung bakit may muka ng babae sa kwartong iyon, hindi nya pinansin at kinuha ang kanyang cellphone may isang text message galing sa kaibigan


"Pre ex mo to diba? Kelan pa kayo nag break?" Kasama ng mensaheng iyon ang litrato ng dati nyang kasintahan ngunit may kasama itong lalaki


Inalala nya kung kailan sila nag hiwalay at naalala nyang wala pa itong isang linggo



Iniwan siya ng pinaka mamahal nyang sinisinta para sa iba..




❤️

Social media acc's

Twitter: @itspreciousdf
Ig: _preciousxii_
Facebook: Precious De Sagun Fajardo

My Lady GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon