Chapter 6

11 0 0
                                    

Third Person's Point Of View

"Babae patay, matapos makatamo ng labing dalawang saksak sa leeg, dibdib.." tanging ingay lamang ng telebisyon ang maririnig sa mansyon, patuloy ang pagluha ni Francis habang nakatingin sa kawalan

Patay na ang kanyang dating kasintahan, sa hindi malamang dahilan. Walang kaaway si Venise, oo mataray ito ngunit ni minsan ay hindi ito nakikipag away. Hindi rin niya maintindihan ang mga sinasabi ni Michelle noong nakaraang araw. Imposible, hindi  kilala ni Michelle si Venise, at sa ilang buwang pagkakakilala nya sa dalaga ay masasabi nyang mabait ito. Imposible

May pag-asa pa sana silang dalawa ni Venise ngunit wala na, pinutol na ito ng taong pumatay kay Venise


Gabi pag katapos mag usap ni Venise at Francis at ng pagsisigaw ni Michelle ay agad nyang tinext kung saan sila magkikita ni Venise, pagkarating sa tagpuan ay isang tawag ang kanyang natanggap dali daling sinagot sa pag aakalang si Venise na ngunit hindi pala.

Pinatay si Venise. Walang markang makita ang mga pulis na makakapagturo kung sino ang salarin.

Tumayo si Francis at naglakad patungo sa bangin, bangin kung saan dagat na mabato ang babagsakan kung saan kitang kita ang buwan, paglubog at pagsikat ng araw "I love you Venise"

"Magpakamatay ka Francis, sundan mo si Venise!" rinig ni Francis ang boses na sumisigaw tinutulak syang magpakamatay ngunit hindi! Hindi sya mababaw upang magpakamatay sa isang babae kahit pa gaano nya ito kamahal, ngunit kait ayaw ay tila may tumutulak kay Francis patalon sa bangin


Isang hakbang, isang hakbang nalang ay mahuhulog na sya. Tila maglalakad na si Francis sa hangin at doon nga ay humakbang sya, akala nya ay katapusan na ng buhay nya ngunit isang kamay ang humawak sakanya upang tuluyang hindi mahulog


"Francis!" si Michelle "Kumapit ka! Wag kang bibitaw!" tila tumigil ang mundo kasabay ng pag higpit ng hawak niya sa kamay ni Michelle

You and me, we got along just fine
But deep inside I know there is more

Right next to you
I know you're the right one
Can't fight this feeling, I'm taking chances now

In my heart I feel that this is something real
I don't wanna let this moment go

Why oh Why, Do I feel this way?
When I'm with you I feel so alive

"Francis ano ba?! Ang bigat mo! Iangat mo ang sarili mo!" at natauhan si Francis

———————

"Ano bang nangyari? Bakit ka ha magpapakamatay?" Tanong ni Michelle ng maiangat niya si Francis

"Hindi ko alam" at napayuko ang binata

"Anong hindi mo alam? Ano yun? Trip mo lang?" ngunit tumayo si Francis at naglakad patungo ng mansyon "Oy! Francis! Wag ka ngang umalis! Tinatanong kita!" dagdag pa ng dalaga ngunit hindi nakinig si Francis kaya dali dali siyang tumakbo upang mahabol si Francis


Nang makatabi na niya ang binata ay agad nyang hinawakan ito sa kamay at hinarap sa kanya ngunit laking gulat niya ng sigawan siya ng binata "Ano ba? Bakit ba ang pakialamera mo?! Sino ka ba?!" isang hakbang paatras ang ginawa ng dalaga


"Sorry"



❤️

Song: Falling in love by Six Part Invention ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lady GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon