Chapter 4

14 1 0
                                    

Third Person's Point of View

"Oh Francis! Nahanap mo ba?" Tanong ni Michelle kay Francis nang papasok na ito sa Gate ng mansion


"Oo nag inquire na ako baka sa isang araw pa nila ako mapakabitan. Salamat sa impormasyon" pasasalamat ni Francis at binuksan ang gate


"Oy! Hindi libre ang impormasyon na binigay ko" kumunot ang noo ni Francis "kailangan may pamiryenda" at napatawa silang dalawa


"Ano bang gusto mo?" Tanong ni Francis kay Michelle ng makapasok sila sa mansyon


Ikaw


"Kahit ano basta makakain" sagot niya at ilinibot ang tingin sa mansyon


"Ngayon ka lang ba nakapasok sa mansyon nato?" Tanong ni Francis ng mapansing linilibot nito ng tingin ang mansyon



"Hindi naman, namiss ko lang masyado narin kasing matagal simula ng makapasok ako rito, matagal narin kasing walang nakatira rito" matagal narin kasi mula ng patayin ko ang dating nagma may-ari nito


"Nga pala, bakit biglang nawala ka nung isang gabi?" Pagtataka ni Francis



"Hinahanap na pala kasi ako nina Mama" at tumungo sa kusina "Ano bang meron sa kusina mo? Ayoko ng mga instant ha, gusto ko ng kanin hahaha"


"Ipagluluto kita" saad ni Francis



"Nagluluto ka?" Tanong ni Michelle



"Hindi ba halata?" At nagsimula ng kumuha ng mga rekados si Francis


"Magkwento ka naman tungkol sa sarili mo Michelle" pakiusap ni Francis kay Michelle


"Ako? Wala namang importante sakin" Sagot niya



"I mean, kung ilang taon ka na, kung saan ka nag aaral or kung may natapos ka na b-" hindi na natapos ni Francis ang sasabihin ng magsalita si Michelle



"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong 96 years old na ako?" Napa nganga si Francis "Pero syempre joke lang" dugtong ni Michelle



"Ikaw naman kasi masyadong seryoso. Ang buo kong pangalan ay Michelle Quein Valdez na nakatira rito sa Sitio Filtez 20 Years old na natapos sa kursong nursing" deretsong pagpapakilala ni Michelle


"Kung ganon mas matanda ako sa'yo ng isang taon" tumikim si Francis at binuksan ang kalan "Ako naman si Francis Alejandro Esperañez ang apo sa tuhod ng dating may nag mamay ari ng mansyong ito, natapos ako sa kursong Culinary ngunit sa nakikita mo ngayon, sa mansyon ko lang nagagamit"



Napataas ang kilay ni Michelle ng mabanggit ang unang may ari ng mansyon "Bakit imbes na mag trabaho ay napili mong tumira rito?"


"Yoon ang kasunduan sa bawat panganay na lalaki ng pamilya sa amin, tagapag alaga ng mansyon, tagatira, inshort trabahador" at sinimulan ang pagluluto




"Kung ganon pwede bang magkwento ka tungkol sa  buhay mo kung saan ka dating nakatira?" Pakiusap ni Michelle


Humarap si Francis sa kanya "Nakatira ako sa Manila kakatapos ko lang noong isang taon, masaya naman, may record rin ako ng halos isang taon na pag ta-trabaho sa Manila bilang chef dahil narin sa koneksyon ng pamilya pero ayon nga, binigyan lang nila ako ng panahon para mag-aral makapag trabaho ng isang taon bilang palugit at eto ang mansion binabantayan ko" iiling iling nyang saad


"May, may girlfriend ka na ba?" Naiilanh na tanong ni Michelle



"Meron"



"Kayo pa ba hanggang ngayon?" Tanong ulit nya



"Hindi na" sagot ni Francis



"Ha? Bakit?" Patuloy na pag iintriga ni Michelle



"May iba na sya"



At doon siya natahimik




❤️


****

Walang edit edit hahahaha tinatamad na naman kasi ako XD. Hi sa mga nagbabasa, thanks for reading my story kahit tamad ako. I think one heart is enough so this is the heart for all of you guys muahh ❤️

Social media acc's

Twitter: @itspreciousdf
Ig: _preciousxii_
Facebook: Precious De Sagun Fajardo

My Lady GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon