|Chapter 2|
"You are in the right age my son! Balak mo bang tumandang binata? Kailan mo ba balak mag-asawa? Matanda na ako anak balak mo bang magka apo kapag patay na ako? Aba! Gusto ko pang makita ang magiging apo ko sa'yo. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo? Pinapasakit mo ang batok ko! Hina high blood ako!" inis na wika ng ama niya habang paikot ikot na naglalakad sa loob ng opisina ni Rydell.
Napairap nalang siya sa hangin. Bakit ba napaka excited ng ama niyang mag asawa siya? Bakit hindi nalang ang ama niya ang mag asawa?
"Hindi naman po ako katulad niya Dad. At hindi naman po ako katulad ng mga kabataan ngayon na basta basta nalang mambubuntis kahit walang pambili ng kakainin nila. Kailangan ko pa po mag-ipon. Tsaka Daddy hindi ko pa po siguro nakakabangga yung the one na para saakin." mahinahon at magalang na wika niya sa ama. Kailangan niyang maging mahinahon at maging mabait dito kahit sa loob loob niya ay gusto niya ng bulyawan ito dahil sa inis.. Kailangan niyang magpigil dahil natatakot siyang baka mabawasan pa ang mamanahin niya. Sayang naman 'yon.
"Kahit makabangga ka pa jan ng nagtitinda ng mani sa daan ayos na saakin 'yon basta mag-asawa ka na! At mag-iipon ba ka'mo? Ilang billion na ba ang nasa account mo at kulang pa para sa magiging pamilya mo? May plano ka bang magka anak ng ilang dosena para maging kulang pa ang ilang billion na nasa account mo? May mana ka pa galing saakin kaya bakit mo pa kailangan mag-ipon?!" dagdag ng ama niya kaya napailing nalang siya. Kahit kailan talaga nalulusutan ng ama niya ang mga ibinabatong sagot niya.
At anong nagtitinda ng mani? Is he serious? Prosti ba ang tinutukoy nito o ano?
Ibinaling nalang niya ang paningin niya sa lamesang inuokupa niya at binuklat ang latest magazine na nasa harap niya dahil wala talaga siyag balak pakinggan ang sermon ng kanyang ama. Naiinis siya.
Nakailang buklat siya ng magazine ng maagaw ang atensyon niya sa isang article na may nakasulat na 'One of the young billionaire orphan in this country'. Binasa niya ang nakasulat sa article na 'yon at matapos mabasa lahat ay napatitig siya sa larawan ng babaeng nasa mismong article.
Naka make up ito ngunit napaka simple lang tignan hindi sobrang kapal katulad nang palagi niyang nakikita sa ibang mga magazine. May mahahaba itong pilik mata at maninipis na labi na parang masarap halikan. Nakangiti ito sa kamera ngunit tila may bumulong sakanya na isa lamang 'yong malungkot na ngiti.
May problema kaya siya? Malamang malungkot ito dahil naulila siya.
Illumi Grace Sy. What a beautiful name he think.
"At tandaan mo Rydell, kapag hindi ka pa nakapag asawa ako na mismo ang maghahanap ng mapapangasawa mo sa ayaw mo o sa gusto mo naiintidihan mo ba ako anak?!" hindi niya pinansin ang ama niya sa patuloy na paglilitanya nito sakanya sa halip ay binuklat niya uli ang magazine at inaliw niya na lamang ang sarili sa binabasa. Mas gugustuhin niya pang magbasa ng magazine kesa makinig sa kanyang ama. Paulit ulit nalang kasi niya itong sinasabi kaya nasanay na siya. Immune na nga siya sa sermon wika nga nila.
BINABASA MO ANG
Husband for Lease
RomanceLEASE- A legal agreement that lets someone use a car, house, etc., for a period of time in return for payment. Illumi Grace Sy is a young multi-billionaire orphan in this country. Her parents died because of a tragic incident a month ago before her...