|Chapter 3|
Abala si Rydell sa pagmamaneho papunta sa sadya niyang kompanya para pirmahan ang ilang dokumento nang maagaw ng pansin niya ang isang kuting sa daan. May kaliitan 'yon ngunit nakita pa niya dahil kulay itim 'yon.
Dahan dahan niyang inimaniobra ang kanyang armani para iparada sa gilid ng daan ng biglang may kung anong kumalabog galing sa likuran ng kotse niya na nagpagulat sa kanya.
Could it be?
Mabilis siyang lumingon sa likod niya at tama nga ang hinala niya. May nakabangga sa mamahalin at paborito niyang kotse.
Nanggagalaiti siyang bumaba at tinignan kung sino nga ba ang nakabangga sa armani niya at halos manlumo siya ng makitang panget na kotse pa ang nakabangga sa kanya.
Ang ganda ng kotse ko pero pangit ang nakatira?! Oh cum'on!
Inis niyang kinalampag ang harapan ng sasakyang hindi niya alam kung ilang taon na 'yong naimbento dahil sa pelikula niya nalang 'yon dati nakikita. Yung kotseng nakabangga kasi sa sasakyan niya ay yung mga sasakyang pinapasabog sa mga pelikula.
Ang panget di'ba?
"Hoy lumabas ka jan?! Bayaran mo ang damage na ginawa mo sa mamahalin at sa pinakamamahal kong kotse!" sigaw ni Rydell saka kinalampag muli ng dalawang beses ang hood ng sasakyan.
Pasalamat siya dahil hindi sasakyan ang pinapasabog ko kundi 'baril' ko. Pero sa pagkakataong 'to gusto ko pasabugin ang sasakyang panget na 'to.
Imagine, yung ang ganda mo pero panget ang nakatira sayo?!
"Hoy lumabas ka sabi jan eh! Damn it!" inis na sigaw niya ulit ng hindi pa rin bumababa ang driver ng sasakyan.
Napaatras siya ng biglang bumukas ang driver seat at lumabas doon ang driver nito na siyang ikinatanga niya. What the fuck?!
Namilog ang mga mata ni Rydell ng makita ang babaeng bumaba sa sasakyan. Kitang-kita niya ang makinis na balat nito dahil nakasuot ito ng mini-skirt na hindi lumalagpas sa tuhod ang haba at nakasuot ng fitted crop top na nagiging dahilan para makita niya ang medyo may kalakihang dibdib nito na pinatungan ng coat.
Yung mukha niya. Bakit parang pamilyar siya saakin? Saan ko na nga ba siya nakita?
"Problema mo?" walang ganang tugon ng babaeng nasa harapan niya. Napalunok naman si Rydell dahil hindi niya maiwasang ma-intimidate sa presensya ng babaeng nasa harapan niya. Tila ba naputulan siya ng dila kaya hindi siya makapagsalita kaagad.
"Cat got your tongue?" wika ulit ng babae habang nakataas ang kilay.
Shit! Speak Ryd! Damn it!
He cleared his throat before he speak again.
"Pay me for your damage! Hindi mo ba tinitignan ang daan mo?! Bayaran mo ang kotse ko!" inis na wika ni Rydell. Paborito niya ang sasakyang nabangga kaya hindi niya palalampasin 'to. Oo nga't marami siyang pera at kaya niyang bumili ulit ng bago pero tinatamad siya. Pababayaran niya nalang 'to. Pera din 'yon.
Tinignan niya lang ang babaeng nasa harapan niya na tila ba walang pakialam na nakatingin sa kanya. Wala pa ring emosyon ang mukha nito. Baliw ba 'to?
BINABASA MO ANG
Husband for Lease
RomanceLEASE- A legal agreement that lets someone use a car, house, etc., for a period of time in return for payment. Illumi Grace Sy is a young multi-billionaire orphan in this country. Her parents died because of a tragic incident a month ago before her...