Lease# 5

55 5 0
                                    


                                                             |Chapter 5|




RYDELL took off his sunglasses. Huminga muna siya ng malalim bago lapitan ang kaibigan niyang busy sa pagkain sa tapat ng bakeshop kung saan niya ipinarada ang latest BMW model na sasakyan niya.



Bagot na bagot kasi si Rydell sa loob ng mansyon nila. Hindi nanaman kasi siya pumasok sa trabaho dahil tinatamad nanaman siya. As usual. Wala namang pinagbago kaya mas gusto niyang tinatapos agad ang tambak na trabaho niya kapag pumapasok siya.



"Any news dude?" wika ni Lee noong nakalapit siya rito. Isa rin ito sa mga naging malapit na kaibigan niya dahil isa rin si Lee na naging highschool/college classmate niya bukod pa doon ay ama rin ni Lee ang isa sa mga investors sa kanilang kompanya.



Walang ganang umupo si Rydell sa katapat na upuan ni Lee bago siya bumuntong hininga dahil sa frustration.



"Mukhang magiging gwapong pulubi na yata ako." tila nanghihinang saad ni Rydell kay Lee. Saglit namang napasulyap si Lee kay Rydelll bago muling lantakan ang tinapay na kanina niya pa kinakain. At bago pa siya magsalita ay humigop muna ito sa softdrinks na iniinom nito bago muling ituon ang atensyon kay Rydell.



"Bakit naman? Nalugi na ba kayo?" nagtatakang tanong ni Lee.



"Hindi." walang ganang tugon ni Rydell bago kumuha ng isang pirasong cracked cookies sa plato ni Lee at mabilis niya itong sinubo.



"Eh ano?"



"Wala akong mamanahin kapag hindi ako nakapag pakasal this year." tila nanghihinang sagot ni Rydell bago muling kumuha ng isa pang cracked cookies.



"So, babae ang problema mo?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Lee kay Rydell habang nanlalaki pa ang mga mata. Mukha siyang tarsier sa bohol.



"Ay hindi, ikaw ang problema ko." pambabara ni Rydell sa kaibigan.



Tinawagan niya si Lee para may mapagsabihan ng problema niya ngunit nakalimutan niya yata na wala palang kwenta ang isang 'to pagdating sa seryosong usapan. Mukhang mas na dagdagan pa yata ang problema niya. Seryoso lang yata 'to sa isang bagay at 'yon ay ang kumain.


"De javu." rinig niyang bulong ni Lee. Hindi niya na lang 'to pinansin at noong kukuha ulit sana si Rydell ng isang cracked cookie sa plato ni Lee ay bigla na lang siyang hinampas nito sa kamay."Uso umorder Ryd! H'wag kuripot. Libre mo na rin ako ng kahit anong softdrink basta coke." wika ni Lee habang may nginunguya pang tinapay sa bibig niya.

Husband for LeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon