Sana may paraan, Sana lahat may paraan
Paraan para tumigil itong damdaming walang kahulugan
Paraan para tumigil sa pag ka hulog sa balon
Paraan para lumayo sa imposibleng mapa sa akin
At itago muli itong damdamin sa loob ng kahonDahil sobrang dami ng Para
Para hindi ma isyu dahil nag ka gusto lang ako
Para hindi rin masaktan dahil sa iba ang tuon ng atensyon mo
Para bumalik na muli ako sa dating akoDahil marami ding kasi
Kasi na dahil dito hindi lagi mapalagay
Kasi na lagi ka na lang hanap ng mata
Kasi na umiiyak na pala ako kasi nahihirapan na
Dito sa damdaming napaka bigat naNa sana matupad lahat ng sana ko
Sana hindi na lang nakilala para hindi na bubog
Sana hindi na lang naramdaman para hindi na hiwa
Sana hindi na lang nahulog kasi alam na mang walang sasaloLagi kong sigaw sa sarili
Mag babago na ako hindi na mag kukubli, mag tatago, mag titimpi
Sana, kasi at Paraan ko ay idadaan na lamang sa limot tulad ng paglipas ng oras, nasa kada segundo, minuto, makikitawa na lang sa inyong usapan
Na iisipin na lang'Bagay talaga kayo'

YOU ARE READING
My Creation
RandomMy Creation That helps me to let out all shit words inside my head, and make it to aesthetic piece of poem or spoken FOR ME. I made I create my own world So that i can breath and feel safe Warm and not suffocate I share my adventure to you Hope tha...