Marupok

3 0 0
                                    


Nakakagulat ang iyong pag dating
Di maintindihang ekspresyon ang maihambing
Pero ang isinisigaw ng buo kong katauhan
Sana totoo na yang pag paparamdam

Sa halo-halong emosyon
Ni pag gawa ko nito'y na aapektuhan na ngayon
Sa lahat ng mga ginawa kong tula
Dito ako walang maibuga

Ni isang salita wala akong maitala
Tanging pag titig sa kawalan
Nag sisilbi kong libangan
Dahil tila sa isang kamusta ako'y nawala

Puno ng pag tataka
Puno ng kaba
Puno ng pag aalinlangan
Puno ng saya

Na isulat ko ito, dahil ito ang gusto kong sabihin sayo

Para sayo to Je

My CreationWhere stories live. Discover now