THE FAIREST OF THEM ALL by B. Dhosme

1.3K 15 7
                                    

The Fairest of Them All

Every girl wants to be Miss SJBU except for Rya na ang gusto lang ay makakuha ng scholarship para sa ikahuling semester niya sa college. Paano kung ang I-offer sa kanya ay ang pagiging kandidata ng Miss SJBU para maging scholar. Will she grab the chance?

Kahit pa ang mag-iisponsor sa kanya ay ang napaka-bossy na organization officer at ang magiging escort niya ay napakahangin na campus heartthrob.

What takes it to be Miss SJBU? Malalaman na ang basehan.... Huhusgahan na ang tunay na kagandahan.

1

Calling.... Mr. and Ms. SJBU

What makes it to be Mr. and SJBU? He or she should have the looks, the charisma and the brains. Pero it is not all of that... he and she should be a perfect role model for the students of SJBU. Siyempre dapat he and she should have a good heart, may discipline sa sarili, responsible at talagang dapat tularan ng mga estudyante. Application for the candidates for Mr. and Ms. SJBU is now open...

Each college department should have representative for Mr and Ms. SJBU. The candidates where appointed or chosen by the student officers of each college department.

Major prizes and rewards are waiting for the Mr. and Ms. SJBU,3rd runner up will received plaque and one semester scholarship in SJBU, the 2nd runner up will receive one semester scholarship in SJBU plus P5,000.00 will be given in the college organization he and she represents and finally the Mr. and Ms. SJBU will be given one school year scholarship in SJBU plus P10,000 for the college organization.

So what are you waiting for register now...

Napatulala si Teddy pagkakita sa ads na pinapalabas sa TV sa may lobby ng eskwelahan. Isa na namang pagkakaabalahan uli nila ito.

Lumapit ang secretary ng Mechanical Engineering Society sa kanya na si John. "Sabi ni president ikaw daw ang mag-asikaso niyan."

"Ano ba't ako?"

"Kasi raw ikaw daw ang ating Vice President of external affairs, trabaho mo raw yun."

"Hala, anak ng tipaklong namang yang presidente nating yan. Ang sabihin mo mahilig lang siyang magpasa ng trabaho."

"Tanggapin mo na lang siya ang presidente eh."

"Ang sama talaga, okey sana kung Mr. MES ang ipapakuha niya sa akin, irerepresenta ko na Rigs tutal naman kahit hindi naman natin alukin yun, magvovolunteer dahil mahilig siya sa mga ganyang kapormahan. Pero sa paghanap ng Ms. MES mahirap yata yun."

Sa buong major of Mechanical Engineering wala pa sa ¼ ng mga lalaki ang mga babaeng naka-enrol sa course na yun, palibhasa kasi kursong panlalaki talaga. Usually ang mga babaeng nakaenroll don ay kung hindi tibo ay wala namang kainteinteres sa pagsali sa mga beauty contest.

"Mag-aapoint ka na lang."

"Sinong I-aappoint alam mo naman yang mga babae ditto sa atin, baka maupakan pa ko non ng wala sa oras." Sabi ni Teddy."Sino ba naman kasi ang nagpauso ng mga contest na yan. Tayo tuloy ang nahihirapan."

"Grabe noh sa ibang college ang haba ng pila ng registration for Mr. and Ms. SJBU." Sabi ni Lina sa kaibigan niyang si Rya. "Inoofferan nga ako nila John eh."

"Oh eh di sumali scholarship din yun." Sabi ni Rya.

"Eh itong boyfriend ko, ayaw akong payagan. Alam mo naman yun medyo possessive."

"Alam mo yang boyfriend sa sobrang seloso bakit di ka na lang niya igapos sa punong mangga sa likod na bahay nila para di ka na makawala sa paningin niya."

THE FAIREST OF THEM ALL by B. DhosmeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon