" UMAASA PADIN AKO KAHIT DI NA DAPAT "
Pano ko ba 'to sisimulan?
Sa umpisa kung san tayo nagkakilanlan?
O sa dulo kung san moko iniwan?
Di ko maitago ang sakit na aking nararamdaman
Ang sakit na andito padin dulot ng ating nakaraanMahal kita kaya okay lang masaktan ako,
Mahal kita kaya nagtitiis ako,
Mahal kita kaya kahit masakit andito padin ako.Oo mahal, tama ka wala nakong karapatan,
Wala nakong karapatan na magselos pero bat paulit ulit ko parin itong nararamdaman?
Wala nakong karapatan na mag alala sayo gaya ng nakaraan,
Wala nakong karapatan,
Masakit pero yun ang katotohanan.Mahal parin kita kaya umaasa padin ako.
Umaasa padin ako na pede pang may magbago.
Umaasa padin ako na baka sakaling may magawa pa ako.
Umaasa padin ako kasi, diba matatag tayo?
Umaasa padin ako kasi, maaayos padin diba natin ito?
Umaasa padin ako kasi may pangako tayo,
Umaasa padin ako kasi, hanggang ngayon ikaw padin yung mahal ko.Alam kong mali ang umasa.
Pero masisisi mo bako kung mahal lang talaga kita?
Masisisi mo bako kung gusto ko lang naman ay magkaayos tayong dalawa?
Mahal lang naman kita.
Wala namang masama don diba?
MAHAL LANG KITA KAHIT SOBRANG SAKIT NA!Oo sobrang mahal kita kaya umaasa padin ako kahit di na dapat.
Umaasa padin ako kahit alam kong di ako sapat.
At kahit kelan di ako magiging sapat.
Pero mahal umaasa padin ako, kahit di na dapat.
YOU ARE READING
Unspoken Poetry For Brokens(On Going)
PoetryYou want to cry? Read this. Are you lonely? Sad? Depressed? Shattered? All you need to do is read this. Para mas masaktan ka haha. This is just my diary you know. I just want to share my poetries. Btw. All of this contents is based on true life. My...