Ako yung nandyan lagi para sayo,
Pero bakit parang ako padin yung echepwera dito?
Ako yung laging nakikinig sa mga problema mo,
Pero bakit parang ako pa yung laging kinagagalitan mo?
Ako yung handang nakinig sa lahat ng bagay na nais mong ikwento,
Pero bakit ako padin yung iniwan mo?Ako na dating dahilan ng mga ngiti mo ay di na mauulit muli,
Hindi na mauulit muli dallhil may iba nang dahilan ng iyong mga ngiti.
Ako na dating kasama mo sa mga gala mo mapainuman man o pasyalan,
Mga gala nating di na din mauulit sapagkat iba na ang iyong dinanadala sa ating paboritong pasyalan.
Ako na dating iyong pinapangiti tuwing ako'y nalulungkot,
Ako ay nalulungkot ngayon pero asan ka? Iba na ang iyong pinapangiti.Masakit para sakin na ang dati nating mga kulitan at asaran ay malabo nang mangyari,
Malabo nang mangyari dahil may iba nang nag mamay ari ng iyong mga ngiti.
Nakakamiss alalahanin ang lahat ng ating pinagsamahan,
Mga pinagsamahang di na mangyayari dahil iba na ang iyong sinasamahan.Ano nga ba naman ang laban ko,
ano nga ba naman ang laban ko sa taong siyang nagpapatibok ng iyong puso.
Ano nga ba naman ang laban ko,
Sa babaeng dahilan ng nakakapanibagong mga ngiti mo.
Ano nga ba naman ang laban ko?
Hindi hamak na besfriend mo lang nga pala ako.
At sya ang kasintahan mo.
YOU ARE READING
Unspoken Poetry For Brokens(On Going)
PoetryYou want to cry? Read this. Are you lonely? Sad? Depressed? Shattered? All you need to do is read this. Para mas masaktan ka haha. This is just my diary you know. I just want to share my poetries. Btw. All of this contents is based on true life. My...