IKAW AT AKO, TAYO, WALA NANG TAYO

41 0 0
                                    


San ba ko magsisimula kung saan tayo nagkakilanlan,
O kung saan ako ay iyong nilisan?
Sige, umpisahan natin sa simula,
kung san ikaw at ako ang paksa.

Ikaw at ako,
Tayong dalwa ay kapwa pinagtagpo,
Pinagtagpo ng tadhanang mapaglaro,
Mapaglaro dahil hinayaan nyang makita ko ang mga ngiti mo,
Mga ngiti mong nabihag ang puso ko,
Ikaw at ako kung san naging magkaibigan,
Magkaibigan na nagtutulungan,
Tuwing ika'y nasasaktan,
Kaagad akong tumatakbo papunta sayo upang ika'y may masandalan,
Hanggang sa ikaw at ako ay naging matalik na magkaibigan,
Hanggang sa nauwi na nga tayo sa pagiging magkasintahan,

Lumipat tayo sa ikalawang paksa kung saan ang TAYO,
Ay gumagawa na ng sariling mundo.

Tayo, ang tayo kung saan bumubuo ng alaala,
Alaala na sobrang saya,
Dahil ikaw ang aking kasama,
Mga ngiti sa labi mo na ako ang dahilan,
Mga araw na palagi tayong nagkukulitan at nag aasaran,
Mga pangarap na sabay nating binubuo ng mag kasama,
Mga pangarap natin na unti unting naglalaho,
Mga ngiti mong unti unti nang nagbabago,
Mga asaran at kulitan natin na unti unting naging pagtatalo,
Hanggang sa nagpasya ka at binitawan sa akin ang mga salitang "wala nang tayo"

Ikatlo at huling paksa ang Wala nang tayo,
Kung saan ako ay nasasaktan nang patago,

Wala nang tayo,
Wala nang tayo,
Dahil iniwan mo ko,
Ang dating ako na dahilan ng mga ngiti mo ay nagbago,
Dahil may bago nang nagpapasaya sayo,
Ang dating pangarap na ako ang kasama mong bumuo ay nagbago,
Nagbago dahil iba na ang kasa-kasama mo,
Nasasaktan na ako,
Pero ano nga ba ang karapatan ko?
Kung ang tayo ay nauwi na sa wala nang tayo.

Unspoken Poetry For Brokens(On Going)Where stories live. Discover now