Ikaw, Ikaw na siyang nagbigay kulay sa mundo ko,
Mundo kong dating tanging kulay itim at puti ang bumubuo,
Ikaw na syang nagpatibok ng puso ko ng husto,
Puso kong akala ko'y tuluyan nang naging bato,
Oo bato, dahil sa dami nang nangyari sa buhay ko,
Di ko akalain na may pag asa pang tumibok sa katulad mo.Ikaw, ikaw na syang nagpaparamdam samin na karapat dapat akong mahalin,
Na kahit anong mangyari may tatanggap parin sakin,
Ikaw na sobrang nagbibigay sa sakin ng saya,
Sa mga ngiti mo palang akong sobrang nahuhumaling na,
Sa bawat pag aalaga mo sakin ay lalo kong napapatunayan na may lugar pako dito,
Ikaw na syang nagpapatunay na may lalaking pang kayang magseryoso kagaya mo.Kaya salamat mahal,
Salamat dahil kahit andami nating pinagdaanan,
Andyan ka parin at hindi ako iniiwan.
YOU ARE READING
Unspoken Poetry For Brokens(On Going)
PuisiYou want to cry? Read this. Are you lonely? Sad? Depressed? Shattered? All you need to do is read this. Para mas masaktan ka haha. This is just my diary you know. I just want to share my poetries. Btw. All of this contents is based on true life. My...