Chapter Eleven

236 7 0
                                    

Danzelle's POV

Masakit pa din yung sugat sa labi ko kaya kahit anong pilit kong kumain, hindi ko kaya. Sa dinami-dami ng ibabato sa akin ni Jeavy kahapon, bakit kasi yung flower vase pa.

Nangingiti ako. Dapat hindi na ako nasasaktan sa mga ganito eh. Dahil maraming beses na kong nagkasugat. Hindi ko nga alam kung bakit buhay pa ako.

"Hindi ka talaga gutom?" Tanong sakin ni Zedri. Umiling ako. Hinawakan niya yung sugat ko sa labi. "I am really sorry, Danzelle. Hindi na talaga mauulit 'yon." Hawak-hawak niya sa isang kamay niya yung medicine kit na iniwan ni Irene bago siya umalis. Anger is evident in his eyes.

Kaming dalawa na lang ni Zedri ang natira dito sabahay dahil may sarili naman kasing buhay si Irene.

"H-hindi ka papasok?" Tanong ko. Wala akong narinig na sagot. Umupo lang siya sa kama sa tabi ko tapos inumpisahang gamutin ulit yung sugat ko.

Siguro hindi niya masyadong narinig yung tanong ko dahil para lang kasing bulong iyon. So I tried again. "Hindi ka papasok?"

His eyes are staring at me, as if this would be the last time he'll see me again. He shook his head. "Hindi pa. I'll be back to work after a week."

Dahan-dahan niyang dinampi yung bulak na may betadine sa labi ko. Medyo masakit pa rin yung sugat ko kaya napapaiwas ako sa bawat dampi niya. "Sorry." Sabi niya habang nakangiti.

Matagal din kaming nanahimik.

"Jeavy is a friend of... of mine. I am responsible for what she did and I am very sorry." Sabi niya ng marahan. I looked up at him and noticed that his anger turned into weariness. I can see it in his eyes that he's so tired.

"H-hindi mo kasalanan." I whispered.

"But still, I am the--"

"Hindi mo kasalanan." Sinabi ko ulit. Sa totoo lang naririndi na ako sa kanilang dalawa ni Irene simula pa kahapon. Paulit-ulit nilang inaako yung kasalanan kung bakit ako sinugod ni Jeavy.

I heard him gave out a heavy sigh. "Danzelle, you should really eat something. Sayang naman yung niluto ko. At hindi ka pa kumakain simula kagabi."

Tumango na lang ako. Sumunod ako sa kanya pababa sa kusina. Naka-prepare na pala yung tanghalian sa mesa. Nahiya ako sa sarili ko dahil pinaghintay ko yung pagkain.

Hindi ko mapigilang lumingon-lingon sa paligid habang kumakain. "So... how's your room? Nakatulog ka ba ng mahimbing?"

"It's beautiful and peaceful." Parang kailan lang, tango at iling lang yung sinasagot ko sa mga tanong ni Zedri. "Salamat."

"Dating kwarto yun ng kapatid ko. Yung ibang design siya mismo yung gumawa. Irene redecorared them for you. I'm glad you liked it." Sabi niya. Pero hindi ako naniwala sa huling sinabi niya na masaya siya. Kasi parang biglang lumungkot yung mukha niya.

So Zedri has a sister?

"B-bakit hindi na ginagamit ng kapatid mo yung--"

"She's dead." He whispered then closed his eyes. Nung dinilat niya ulit yung mata niya wala na kong ma-trace na emosyon. He smiled. "Gusto mo pa ba ng kanin?"

Umiling ako. Tinulungan ko siyang magligpit ng pinagkainan namin.

Biglang nakaramdam ako ng pagkailang. Dapat pala nag-sorry ako sa kanya tungkol sa kapatid niya. Alam ko yung pakiramdam ng ganun. Lalo na kapag binabalikan. Umuulit din yung sakit.

Tinapos ko yung pagpunas ng table bago ko nilingon siya. "Zedri."

Nilingon ako ni Zedri habang naghuhugas siya. "Why?"

Haunted PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon