Danzelle's POV
"Dear, masarap ba ang mga niluto ko?" Tanong ng mommy ni Zedri. "Please say something, baka kasi hindi masarap - pwede ko pa namang retokohin lahat ito." Nakangiti niyang sabi.
Sa mga ganitong awkward situations, lagi akong tumitingin kay Zedri at hinahayaan siyang sumagot para sakin. Pero wala ngayon si Zedri. Sabi kasi ng mommy niya, may emergency raw sa trabaho niya at kailangan na niyang pumasok.
I felt a pang of longing. Na may halong galit. Bakit kasi hindi niya sinabi sa akin na ngayon siya aalis? Now I'm stuck here again with someone I don't even know.
I've always been a socially awkward person at tanging sina Irene at Zedri lang ang nakakausap ko ng matino at deretso.
"O-okay po yung luto niyo." Bulong ko sabay ngiti. Ibinaba ko yung tingin ko sa plato ko dahil masyadong maliwanag ang aura niya at nasisilaw ako.
"Awww, buti naman." Then I felt her hand squeezing mine. "These foods are my daughter's favorite..." napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita ko na naman ang malapit nang tumulong mga luha niya. Sadness is evident in her weary eyes. But I was surprised when she blinked them back and smiled at me. "At ni Zedri. Favorite niya rin ito. Oh, those two were inseparable..."
My curiosity about Zedri's dead sister killed me again. "A-ano pong nangyari sa kanya?" Mahina kong tinanong at bago ko pa man bawiin ang sinabi ko, tinanggal na niya ang kamay na nakahawak sa akin.
"It was a long and sad story, dear. Sorry pero... hindi ko pa kayang i-share at balikan ang lahat..." Then there goes her tears again.
"So-sorry po." Bigla ko na lang hinawakan yung kamay niya at dahil sa ginawa kong yun, napatigil siya sa pag-iyak. Sa totoo lang, parehas kami ng sitwasyon. Parehas kaming hindi pa handa na ikwento yung mga nangyari sa aming napakasakit.
"Oh, dear, come here!" Tumayo siya sa kinauupuan niya at niyakap niya ako ng napakahigpit. "Call me mommy from now on, okay?" She said while sniffing.
Hindi ako makapagsalita. I've been warned by Zedri about her moods, at hanggang ngayon hindi ko pa rin kinakaya ang mga ito. Tumango na lang ako at niyakap ko rin siya pabalik.
Doon ko na-realize na nagmana si Zedri sa mommy niya. She has warm and comfortable arms that mothers should have.
Mom. I missed you so much. I wish you are the one I'm hugging right now. If only you and Dad were alive.... If only... we could have been...
I was surprised to myself when I didn't break down. Siguro tama nga si Zedri sa sinasabi niya na I'm making progress. Halfway to go and I'll be fine again.
She kissed my forehead and I felt my cheeks burn. At dahil doon, natawa siya. "How I wish Princess was still alive, you two will get along just fine for sure." Hinaplos niya yung buhok ko habang nakangiti. I made no effort to turn away and stop her because the gesture is calming me. It felt like Zedri touching me.
BINABASA MO ANG
Haunted Past
RomantiekAfter escaping from the hands of brutal syndicates, Danzelle has to fight all the demons and traumas taunting her in order to survive. Can she do that by the help of her dashing rescuers? (FILIPINO-ENGLISH)