PLEASE don't do anything stupid, son. She is not worth your time and affection.
That was his mom's text message. Ang paulit-ulit na pagba-vibrate ng kanyang mamahalin at latest na modelo ng iPhone na nasa ibabaw ng gawa sa narrang side-table ang gumising sa kanya nang umagang iyon.
Nakadapa pa siya sa kanyang king-sized bed na nababalutan ng puting cotton bed sheet. Natatakpan ang ibabang kalahati ng hubad niyang katawan ng kulay puti ring comforter. Nakalantad ang makinis niyang likuran.
Sa kanyang ulunan at ibabaw ng kulay tsokolateng headboard ay nakakuwadrado sa black painted wall ang limang piraso ng egg nog colored baseball bats. He used to be a varsity player way back in high school and college. Sentimental siya sa mga gamit. Pinapahalagahan niya ang anumang may naging malaking bahagi sa buhay niya. It was also the idea of his good friend who happens to be an interior designer to frame those bats and use them as design inside his bachelor's pad.
Hawak niya sa kaliwang kamay ang cellphone. He was still trying to decide whether he should go back to sleep or reply to her message.
Bahagya niyang iniangat ang mukha na nakasadsad sa malambot na puting unan, at pupungas-pungas na pinagmamasdan ang screen ng cellphone.
Muling nanginig ang device.
Mom's calling ang nakarehistro sa screen.
S-in-wipe niya ng hinlalaki ang screen upang sagutin ang tawag. Idinikit niya sa kaliwang tenga ang device.
"Yes, Mom?" Bahagyang paos at iritable pa ang kanyang boses.
"I've been calling you since this morning. Hindi ka sumasagot," sumbat sa kanya ng nasa kabilang linya. Nanginginig pa ang boses nito. "Kung hindi ka pa sumagot, talagang pupuntahan ka na namin ng daddy mo diyan."
"Mom, I told you last night I'm okay," napapagod na sagot niya sa ina.
"I'm your mom. You cannot just tell me not to worry anymore about you. Saka pinapunta ko si Yaya Luring diyan sa bahay mo at kanina ka pa raw niya kinakatok sa kuwarto."
"Mom, I told you to just give me a little space for now. Puwede bang wala munang iistorbo?"
Naiinis siyang bumalikwas ng bangon. Lumantad ang kanyang chiseled upper body part na nakamit niya sa regular na pagdyi-gym at mahusay na pagmo-monitor sa mga kinakain. He was on his black boxer shorts. Ganoon siya kung matulog. It was a wonder how he was able to undress himself the night before.
Masakit pa rin ang kanyang ulo. He was so drunk last night. Matapos ang maikling pag-uusap nilang mag-ina kagabi ay nilunod na niya sa sarili ang alak.
His elegant room was a mess. Nakakalat pa sa carpeted na sahig ang mga basyo ng alak na naging kaniig niya sa mahabang magdamag. May basag pang wineglass sa isang tabi. If he could remember it right, naihagis niya iyon dahil sa matinding himutok.
"Ano? Sisirain mo ang buhay mo dahil sa babaeng iyon?" There was hatred in her mom's voice.
Alam niyang hindi para sa kanya ang galit nito.
"I never said anything about ruining myself because of ..." Tumigil siya, ni hindi niya kayang banggitin ang pangalang iyon. Nagdilim ang kanyang anyo, bumigat ang kanyang paghinga. Something from within him wanted to explode. Rumehistro ang anyo ng isang mestisahing babae sa kanyang diwa.
Paano niya ito nagawa sa akin?
Saan ba siya nagkulang?
Maraming babae ang naghahabol sa kanya ngunit bakit ganito ang kinahantungan ng buhay niya?
BINABASA MO ANG
Dearest Future
RomanceMasaklap? 'Yong nagising ka na lang isang araw na may asawa at mga anak ka na. Mas masaklap? 'Yong hindi mo talaga kilala ang asawa mo at unang beses mo pa lamang siya nakita sa buong buhay mo? Pinakamasaklap? 'Yong kailangan ninyong panindigan ang...