Sais

1 1 0
                                    

💻
June 30, 2015

Natapos ang buong linggong ni isang sulyap ay hindi niya ako binigyan. Napakadamot niya akala niya ay kung sinong gwapo! Pareparehas sila ng mga pinsang niyang malalakas ang hangin.

Para lingon lang di maibigay. Napakadamot. Parang yung Teacher namin sa Math! pati score sa exam dinadamot akala mo naman napakagaling magturo.

Patapos na nga pala ang June, isang buwan mula ng makilala ko ang nagiisang Copper Ken Lee-Gaya na madamot sa Tingin.

Yada
#saynotomadamot

****
🔩

"May natatandaan ba kayong nagpapansin sakin ung Grade 9 mga boy?" nakatulala kong tanong sa kanila at umaasang matinong sagot ang makukuha sa kanila.

"Wala boy e, sa dami kasi ng nagpapansin sa akin hindi ko na napapansin ang iyo."

Lintek.

"Ang kapal mo Ginto, kala mo naman hindi sobrang dami ng nagkakagusto sayo noon. Aba boy! gumising ka sakin sila nagpapansin noon!" angal ni Pilak.

Napailing iling naman kaming dalawa ni Iron. Kailan kaya titino ang dalawang to?

"Bakit mo naitanong? Tsaka matagal na yon. May babalikan ka ba?" tanong sakin ni Iron.

Napailing lang ako. "Ha? Hindi. Wala naman may naalala lang ako."

Tumango tango naman itong sumagot sa akin. At Nagpatuloy na sa pagiging tulala gaya ko.

"Oh? anong problema ng dalawang to?"

"Ewan ko ba sa dalawang yan magmula kanina ganyan na. Malamang boy ubos na pera ng mga to." at nagtawanan silang dalawa sa harap namin.

Napadampot naman ako ng Isang unan at agad na binato sa kanila bago nagpaalam ng tingin kay Iron at naglakad palabas.

Dala dala ang cellphone na may usb ay Kunot noo akong patuloy na nakatingin sa Cellphone ko habang papasok sa Elevator At Pinindot ang ground floor dahil papahangin na muna siguro ako.

Masyadong nakakapagod ang buhay kolehiyo.

*****
💻
July 12, 2015

Nakakapagod, ganito ang masasabi ko sa araw na to. Hindi ko inaasahan pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit pa buong araw akong pinasaya ni Gerald at ilang beses ko siyang nakasalubong. Hindi ko na siya nililingon lagi nalan akong nakayuko para hindi niya rin ako makita.

Nagpapasalamat ako kay Gerald dahil kahit papaano ay may nakasama ako buong araw. Nakakalungkot pala kapag wala kang permanenteng kaibigan kaya ngayon nagiisa lang ako sa field. Pinapanood ang mga kapwa studyanteng naglalaro sa field.

May mga taong nasasabing okay lang na magisa sila pero ang totoo niyan walang taong kayang magisa. Lahat tao kailangan nang makakasama. Kaya nga No man is an island!

Hayst.

Madramang Yada ♡

**
🔩

I dont know why i'm feeling this. Bakit parang naguguilty ako.

Bakit parang pakiramdam ko sana ay nandoon ako ng panahong pakiramdam niya nagiisa siya.

Bakit kahit sulyap lang ay naipagdamot ko pa?

I dont even know her! Bakit di siya nagpakilala sa akin? o Nilapitan man lang?

Ganon ba kahirap yon? fck!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Words Letters Of Love (Lee-Gaya Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon