JaK: Part 7

2 0 0
                                    

Shit ! Late na naman.

Dinukot ko sa bag ko yung cellphone ko at nag-dial ng number.

"Migs, help naman. Andito ako sa Great Wall."

"I'm on my way Jade." Naputol na ang tawag. Buti nalang talaga at kilala ako nun. Alam na niya kung anong gagawin niya.

Late na naman kasi akong nagising. Kung di lang siguro kumalam yung tiyan ko wala pa akong balak bumangon. Umupo muna ako at tinitigan yung nail polish kong nababakbak na . Mukhang kailangan ko na namang magpamanicure ..

"JADE !!" Napatayo ako agad sa pagsigaw ni Migs. Nasa taas na siya ng pader habang nakalahad ang isang kamay. Ngumiti muna ako bago inabot sakanya yung bag ko.

"Kahit kailan ka talaga Jade. Pwede ka namang dumaan sa gate, bakit kailangang dito pa?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me lang Mr. Miguel Anthony Reyes, sa tingin mo ba papayagan akong payagan ni Manong guard na walang  suot na ID ?" Tumawa siya. Umiling iling pa siya. Humalukipkip nalang ako. Di na ako papasok sa first subject ko tutal late naman na ako dahil sa Migs na to .

"Dapat kasi lagi yang----"

"Dapat lasi lagi yang nakalagay sa bag mo. Bago ka matulog sa gabi check mo na kung nasaan yan para di mo makalimutan." Napanganga siya sa sinabi ko.

Sa ilang beses na nagkaroon ng ganitong sitwasyon na tinawagan ko siya para pumunta dito ay paulit ulit na yun ang sinasabi niya. Naimemorize ko na nga e.

"Paano m---"

"Paano ko nalaman?" Tumango siya. Napatawa namaan ako sa itsura niya. Nakaawang parin kasi yung labi niya tapos parang natulala pa. Ang epic ! "Ilang beses ko na kayang narinig yun sayo Mr. President. Hindi lang once, twice or thrice. Uhmm, mga more than 20 times na Migs." Di siya umimik pagkatapos kong magsalita. Nagsmirk siya. Inikot ikot ko naman yung ulo ko. Nangangalay na kasi yung ko nakatingala sakanya.

"What?" Singhal ko.Tumawa naman siya. Nakapamewang  ko siyang tiningnan.

"Chill Jade. Para kang kakain ng tao. Ibig sabibin lang nun more than 20 times ka na ring umakyat dito dahil wala kang ID ." Ako naman ang napanganga .

"Nevermind Jade. Akyat na." Tumalon na siya paloob. Inayos ko muna yung damit ko bago umukyat. Pagkatalon ko agad ko ng hinablot yung bag ko sakanya saka siya nginisian.

"Dadaan pa ako sa SC office Jade." Tumango ako at humalik sa pisngi niya.

"Thanks Miggy. I'll go ahead. Byeee!" Tumakbo na ako papuntang cafeteria. Kumakalam na talaga yung sikmura ko. Hahanapin ko pa yung tatlong bruha kung nasaang lupalop sila ng campus.

"Jade Amethyst ! There you are!" Napa roll eyes ako sa damuhong ngingiti ngiti na naglalakad papunta sa table ko.

"How are you Amethyst?" Nakangising tanong niya. Umupo pa siya sa harap ko.

Feeling Close!

Pinagpatuloy ko na lang yung pagubos sa pagkain ko para makaaalis na ako dito. Ayoko namang mabadtrip na ganito kaaga. Kailangan ko pang hanapin yung mga kabigan ko.

"Deadma Pre!" Sabi ng isang kasama niya at tinawanan siya. Tumayo na ako saka hinablot yung bag ko. Umalis na ako sa table na ngayon ay occupied na ng grupo ni Joseff.

"Dare to step outside this fucking cafeteria or i will make you sore down right here right now !" Umalingawngaw ang boses ni Joseff sa loob ng cafeteria. Napatigil rin ako sa paghawak sa handle ng glass door.

Walang nagsalita. Wala ring tumayo. Lumingon ako para tingnan kung sino yung pinagsabihan niya nun.

AKO pala. Sumandal ako sa glass door at humalukipkip.

"Im not joking here Amethyst." Tinaasan ko siya ng kilay.. Hinawakan ko na yung handle at hinila to.

"Don't try me Jade Amethyst." Pananakot niya.

"As if I'm scared Joseff Matthew." Humalakhak pa ako bago tuluyang lumabas sa cafeteria.

Mabilis kong tinahak yung hallway papuntang garden. Baka saakaling angdun yung mga kaibigan ko.

"JADE !" Sabay sabay nilang sigaw. Kumaway ako sakanila.

Nakatayo ako sa harap nila habang siang tatlo ay nakaupo.

"Baka gusto niyong tumayo?" Taas kilay kong tanong. Nakatingin lang sila sakin na parang ngayon lang nika ako nakita.

"Hello!!" Kumaway kaway pa ako sa harap nila . Wala sa sarili akong napalingon.

"Uh-oh ."

Just a KissOnde histórias criam vida. Descubra agora