JaK: Part 8

4 0 0
                                    

"Uh-oh, huh?" He smirked. Tumayo na rin yung tatlong kaibigan ko. Naramdaman ko pang hinawakan pa ako ni Veyda sa siko.

"Chill Veyda. Di ko siya bubugbugin." Humalakhak pa ako.

"Whats with the shocked face, Girls?" Napairap nalang ako sa inis. Ang kapal niya rin e. Talagang sinundan pa ako dito.

"Anong kailangan mo sa kaibigan namin Joseff?" Kalmadong tanong ni Ashley.

Nagpaharap pa siya para mabawasan yung tensyon sa pagitan namin ni Joseff.

I don't get it. Ano ba ang atraso ko sa Joseff na to. Kung tutuusin siya nga ang may atraso sa akin e. Nilait lait niya pa yung dress ko noon. Feeling naman niya gwapo siya.

"Nothing Miss. I just wanna barrow her. Can I?" Nilingon ako ni Ashley na nakataas kilay bago hinarap uli si Joseff at umiling iling.

"Hindi naman siya bagay para ipahiram namin sayo Mr. Castro." Mataray na sagot ni Ashley.

" Lets go. Were wasting our time here." Pang aasar na sabi ko. Nauna ng naglakad si Ashley. Nginisian ko muna si Joseff bago kumaway.

Ano ka ngayon huh?

NGA NGA !

Walang nagsalita sa amin hanggang sa makapasok kami sa klase namin. Nag discuss yung Prof. habang ako nakatunganga sa bintana. Kinakalabit din ako minsan ni Monique para makinig pero di nagtatagaaal napapatunganga uki ako sa bintana.

"Whats with you Jade?" Tanong ni Monique. Hinihintay namin si Veyda at Ashley dito sa parking lot dahil dumaan pa sila sa locker room. Diretso na kasi kami sa bahay dahil doon sila matutulog.

"Ano?" Mataray kong tanong.

" Ano ba talagang meron sainyo ng Joseff na yun?"

"Enemies Monique." Magkaaway kami. Alangan namang friends e kumukulo na nga dugo ko pag naririnig ko yung pangalan nung manyak na yun. May nalalaman pang 'Dare to step outside this blah blah blah'.

"Enemies and...?"

"Enemies Monique. Nothing more nothing less." Tumango tango nalang siya.

"Let's go. Saan na sundo natin Jade?" Tinuro ko yung white van na paparating na sa kinatatayuan namin.

"May hidden desire siguro sayo si Joseff, Jade." Nabilaukan pa ako dahil sa sinabi ni Ashley. Inabutan ako kaagad ni Monique ng tubig saka hinimas himas yung likod ko.

"What? Hidden desire? Like duh?!!" Mataray na sagot ko. Tumawa naman sila.

Hidden desire?

YUCK !

Ano bang pumapasok sa isip nitong mga to? May nalalaman pang hidden desire.

"Jade, diba sabi mo gusto mo ng revenge?" Tumango ako. Sumalampak si Veyda sa couch at itinaas sa center table yung dalawang paa niya. BASTOS !

"Ibaba mo nga yan Veyda!" Suway ni Monique. Hinila niya pa pababa. Inirapan naman siya ni Veyda.

"Try to get near him Jade. Mas mapapadali ang revenge mo pag nagkataon." Napatingin ako kay Ashley na busy sa pagpipindot ng cellphone niya.

"Pag naging malapit kayo sa isat isa kayang kaya mo nang gawin yang revenge mo ng walang kahirap hirap. Gain his trust. Kung pwede lang paibigin mo. Pag alam mong na fall na siya then boom! Break his heart."

Napaisip ako sa sinabi ni Ashley. Tama naman siya e. Pero parang nagdadalawang isip ako. Parang ang babaw naman kasi ng rason para umabot pa sa ganun. 

Revenge thingy?

Break his heart?

Tama ba?

Parang nakakakonsensya naman. Tiningnan ko si Monique. Nagkibit balikat naman siya. Tiningnan ko naman si Veyda. Nag thumbs up siya. At panghuli kay Ashley na tinaasan lang ako ng kilay.

"Okay. I'll take that Ash. Pero kailangan ko ang tulong niyo."

"Sure Jade." Umakyat na kami sa kwarto ko para matulog.

Just a KissOnde histórias criam vida. Descubra agora