JaK: Part 1

12 0 0
                                    

Jade Amethyst Villareal

''Mommy! Alis na po ako!" Tumatakbo ako pababa sa hagdan at agad na pumunta kay Mommy at Jovan na nasa kusina.

''Magpahatid ka na lang kay Albert.'' Niyakap ko muna si Mommy bago pinisil sa pisngi yung bunso kong kapatid.

Today is Sunday at bukas ay Monday. Kaya magsisimba ako para makapag thank you kay Lord dahil sa wakas pasukan na naman bukas.

''Sunduin niyo po ako ulit mamaya aa.''

Umalis na yung sasakyan namin kaya pumasok na ako sa loob. Luminga linga ako baka sakaling may makita akong kakilala ko o schoolmate man lang pero negative.

Umupo ako sa bandang gitna. Medjo marami na ring tao kaya siguro maya maya magsisimula na ang misa.

''Kuya, dito may space pa.'' Napatingin ako sa babae at dalawang lalaki na ngayon umupo sa tabi ko.

''Ate wala bang nakaupo dito?"

Ngumiti ako kaya ngumiti rin siya. Nakita kong ngumisi yung katabi kong lalaki ng nahuli niya akong nakatingin sakanila.

Umayos nalang ako ng upo dahil nagsimula na ang misa.

Tumayo kami dahil kakanta na ng Ama Namin. Hinawakan ng katabi kong lalaki yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Kinindatan niya ako saka tumingin sa harap. Napanguso nalang ako sa ginawa niya.

'Sayang! Gwapo pa naman! Mukha namang manyak!' Sabi ng isip ko.

Naramdaman kong pinipisil pisil niya yung kamay ko. Kaya hinila ko yun pero di niya binitawan. Natapos ang misa na naging uneasy ako sa upuan ko.

Kaagad akong tumayo para lumabas na ng simbahan. Tinawagan ko kaagad si Kuya Albert para magpasundo pero sinabi niyang magpapahatid  pa daw si Jovan kila Tita Arcie.

Tumawag na naman siguro si Alden dun at nag-aya na namang maglaro ng Xbox.

Padabog kong pinasok sa loob ng sling bag ko yung cellphone ko at naglakad lakad muna habang nagaabang taxi.

Sinisipa ko pa yung mga batong nadadaan ko. Sisipain ko sana yung isang malaking bato kaso. . .

''SHEEEEZ !!" Sigaw ko.

Tiningnan ko yung damit kong basa at may putik. Marahas kong pinunasan yung mukha kong natalsikan din.

Napansin ko yung kotseng tumigil din naman malapit sakin. May lumabas na babae doon sa passenger's seat at sinundan iyon ng isang lalaki.

''OH MY!'' Sigaw nung babae at kinatok yung bintana sa driver's seat.

TAMA! Sila yung katabi ko sa simbahan kanina.

''Kuya! Get out! Look what you've done!"

Lumabas yung lalaki sa driver's seat. At halos umakyat lahat ng dugo sa mukha ko ng nakitang nakangiti iyon.

''Ako na ang hihingi ng sorry sa kaptid ko Miss.'' Sabi ng lalaki pero di ko parin inaalis ang masamang tingin ko sa lalaki nakangiti sa harap ko.

Hinawakan ko yung bag ko at lumapit sakanya.

''Wag mo akong ngitian. Di ako bumibili ng ngipin ng kalabaw.'' Sabi ko.

Hinampas siya ng isang beses na nakapagpawi ng ngiti niya.

''Ate sorry po talaga. Ahmm, ano Kuya Allen kunin mo yung t-shirt ni Kuya Joseff sa front seat.'' Sabi ng babae.

Pumunta naman sa sasakyan yung lalaking tinawag na Allen at may kinuhang t- shirt doon. Lumapit sakin yung lalaking manyak at bumulong.

''You should be thankful Miss. Naging polka dots yang plain white mong dress. Di mo na kailangan ng kabaong para bumagay jan.''

Nagulat ako sa sinabi niya at halos kumulo na ang dugo ko sa inis. Lumayo siya ng kaunti at sinabit yung t-shirt sa balikat ko. Nauna ng pumasok yung babae at yung Allen sa kotse.

''Nice brassiere by the way. Violet !" Ngumiti siya at …

O______O

Hinalikan ako sa LIPS !

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at pinanood na pumasok sa kotse niya yung manyak.

Natauhan ako kaya kinuha ko yung bato na dapat ay sisipain ko kanina at binato iyon sa kotse niya.

''MANYAK ! BWISIT KA!" Sigaw ko at lalapit sana sakanya pero pinaharurot na niya yung kotse niya.

Nakita kong nilabas pa niya yung isang kamay niya at kumaway kaway pa!

"AAAAH! MALAS ! " Sigaw ko.

Pinagtinginan ako ng mga taong dumadaan kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.

May isa pang sumipol kaya napatingin ako agad sa sarili ko. See through na pala yung damit ko at kita na yung bra ko.

Nasuot ko agad yung t-shirt na binigay sa akin nung lalaki kanina. May naka print doon na CASTRO 05. Nahiya ako sa itsura ko dahil umabot pa yun sa tuhod ko kaya  pinara ko kaagad yung napadaang taxi.

Kasalanan ko bang flat 5 ang height ko.

_________________

Just a KissOnde histórias criam vida. Descubra agora