JaK: Part 9

4 0 0
                                    

Kinapa ko yung cellphone ko na nakalapag sa side table ng kama. Buti nalang dito ako pumwesto sa dulo.

1:17 AM

Dilat na dilat parin ako. Yung tatlo tulog na tulog na samantalang ako nakikipagtitigan parin sa kisame . Ibinalik ko sa side table yung cellphone ko.

Harap sa kisame.

HArap sa kanan.

Ikot sa  kaliwa.

Harap sa kisame.

HArap sa kanan.

Ikot sa  kaliwa.

Mababaliw na ako!! >_<

Di ako makatulog kakaisip kung tama ba na humantong pa sa ganun yung plano namin. Oo galit ako kay Joseff dahil bastos siya at napakawalang modo. Ayos naman yung physically na nasasaktan ko siya. Alam ko namang pag emotional hurt mahirap yun. Pero kahiy anong sapak, hampas, palo, at suntok ko sakanya di pa rin ako satisfied. Gusto ko mas malala pa.

Ewan! Di naman na big deal sa akin yung kiss na yun e. First kiss ko pala. Bwisit kasi! Basta naiinis ako sakanya. Galit ako na ewan. Magulo !

"Baaa--- Jade sorry!" Aray. Ang sakit ng balakang ko. Tiningnan ko naman siya ng masama. Tinulungan niya akong tumayo. Lumabas kami ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng tubig saka yung ininom.

"Sorry Jade. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo kaya ginulat kita."

"Kainis ka Ashley. Ang sakit ng balakang ko." Ngumuso ako kaya humagikgik siya .

"Makipagtitigan ba naman sa kisame. Kita mo oh' para ka nang zombie." Dinutdot dutdot pa niya yung bandang ilalim ng mata ko.

"Eee. Di ako makatulog Ash." Sabi ko. Hinawak hawakan ko pa yung dinutdot niya kanina.

Laaaa' EYEBAGS !!

"Iniisip mo yung revenge thingy? Di naman saappilitan yun e. Nasa sayo yun kung itutuloy mo pa." Napaisip ako sa sinabi ni Ashley. Nasa sakin naman ang desisyon e kung itutuloy ko yung revenge na plano ko. Gusto ko para makaganti ako pero, kawawa naman siya..

Aaaaaaah !

Nakakainis! Bakit ako maawa dun.

"JADE ! TULALA KA NA NAMAN!" Napatalon ako sa sa sigaw ni Ashley. Hinampas pa niya yung balikat ko .

"Kanina ka pa a!" Binatukan ko muna siya bago nilagay sa sink yung basi na pinaginuman namin.

"E kasi kanina ka pa napapatulala. Siguro iniisip mo si Joseff no? Yieeee!" Kinuha ko yung kutsilyo na nakasabit saka siya hinarap. Kumaripas naman agad siy ng takbo.

"Sleep well Jade. Hahaha. Good Morning!"  Sigaw niya bago sinara yung pinto sa kwarto.

Napakamot ako sa ulo. KAibigan ko ba talaga yun? At kaninong kwarto nga uli yun? The last time I check kasi sakin e. -_-

I guess sa guest room ako matutulog.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 01, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Just a KissOnde histórias criam vida. Descubra agora