My Fake Wife
By: CatchMeChapter 35
PAGOD ang katawan na pumasok si Izabelle sa kanilang gate. Kakarating lang niya mula sa birthday party ng isa niyang kaibigan na idiniraos sa isang sikat na hotel sa Iloilo.
Nakakatawa ngang isipin na ang lugar na tinakasan niya noon, dahil sa kabiguan niya sa kanyang buhay pag-ibig ay siya ring lugar na binalikan niya nang may kabiguan pa rin sa pag-ibig.
Napahinto siya sa paglakad nang mapatingin sa pares ng swing na nasa malawak na lawn ng kanilang bahay.
Napabuntong hininga siyang humakbang papalapit doon. Dito kasi sila madalas tumambay ng kakambal niyang si Alora noon.
Minsan na rin silang nagbiruan ng kanyang kakambal na dito siya magpapakasal sa kanilang malawak na lawn.
Isang garden wedding na pinapangarap niya.
Muli siyang napabuntong hininga. Wala na yatang katuparan ang kanyang pangarap na maikasal sa kanilang malawak na lawn.
Laglag ang balikat na nagpatuloy siya sa paghakbang para pumasok sa kanilang bahay nang magtakang napahinto.
--------
Read the FINALE by clicking this link.
Nandito po sa link na ito ang kabuuan ng FINALE..
http://booklat.com.ph/story/4925
----
Inilipat ko lang po sa booklat ang Finale kasi po maari po na ma-copy o ma-i-download ang story dito sa Watty.. Hekhekhek!
Thanks for Reading.. ^_^
BINABASA MO ANG
My Fake Wife (2nd Version) Complete
Ficción GeneralPublished Book na po ito. Published ang FIRST VERSION. Limited Copies. Kung may interesadong bumili ng kopya nito kindly Message lang po ako dito. Thanks! :D Paubos na ang kopya o ubos na yata, not sure kasi nga limited lang, kaya post ko na dito p...