Chapter 12

10.6K 129 2
                                    


My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 12



MAHINANG katok sa pinto ang nagpalingon kay Izabelle mula sa kinatatayuan niya sa harap ng malaking salamin. Suot niya ang violet na fitted dress. Tube style lang iyon na above the knee ang haba. Kaya kitang-kita ang mapuputi at makinis niyang hita.

Naglagay na rin siya ng make-up. Light lang na bumagay naman sa kanya.

"Pasok!" aniyang hindi nakatingin sa pintuan. Alam naman niyang ang kaibigan niyang si Sandra iyon.

"Wow! Perfect na perfect ah! Ikaw ba 'yan Izabelle?" bulalas nitong pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa.

"Tse! Upakan kita 'dyan eh!" irap niya sa kaibigan.

"Hush! Ikaw na nga itong pinupuri 'eh ikaw pa itong mananapak? How sweet naman my bestfriend huh!" kunyaring nasaktan na sagot nito.

Natawa na lamang siya at muling tiningnan ang repleksyon sa salamin.

Pupunta kasi siya sa engagement party ng kapatid ni Anthony. Ang kanyang first love na ngayon ay asawa na ng kanyang kakambal. Bigla siyang nalungkot nang maisip ang dating kasintahan. Kung bakit pa kasi siya pinilit ng kakambal niya na samahan ito sa party na 'yun eh! Ayan tuloy, masasaktan na naman siya pagnakikita niya ang dalawa.

Napabuntong-hininga siyang umalis sa harap ng salamin at napa-upo sa kama.

"Oh, bakit?" tanong ni Sandra na sinundan siya.

"Ayoko nang dumalo, Sands," malungkot na sagot niya dito.

"Dahil affected ka? Dahil hindi ka pa rin nakapagmove-on sa iyong first love? Oh c'mon, Izabelle. You have to do this, para ipakita sa kakambal mo na wala ka nang pag-ibig sa Anthony na 'yun."

"Wala nga ba?" tanong niya. Hindi para sa kaibigan, kundi para sa sarili niya mismo.

Oo nga at ilang beses na niyang sinasabi na nakapagmove-on na siya. Pero hanggang sabi lang naman 'yun. Dahil nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon.

"Belle.." mahinang sambit ng kanyang kaibigan.

Hinawakan siya nito sa kanyang kamay at tumingin sa kanyang mata. Alam niyang nasasaktan din ang kanyang kaibigan kapag nakikita siya nitong nalulungkot. Kaya bigla siyang napangiti para pawiin ang pag-alala sa mukha nito.

"Nagdadrama lang ako, adik!" natatawang sambit niya na mahina pang hinampas ng unan ang kaibigan.

PAGKABABA ng kanyang kotse ay agad pumasok ng hotel si Carmilo, kung saan ay pagmamay-ari naman iyon ng kanyang pinsan.

Dadalo siya sa engagement party ng pinsan niyang si Blake. Ayaw sana niyang pumunta dahil tiyak niyang uulanin na naman siya nang mga katanungan tungkol sa kumakalat na balitang nag-asawa na siya.

That stupid rumors!

Pero wala siyang magawa dahil pinsang-buo niya ang ikakasal.

Napatingin siya sa suot niyang wrist watch. Nine na pala ng gabi at tiyak na marami ng tao sa event hall ng hotel.

Pag bungad palang niya sa event hall ay agad siyang sinalubong nang magandang musika habang ang ibang mga bisita ay nagsasayawan na sa gitna at ang iba naman ay may kanya-kanyang hawak na champagne.

"Hey, Carmilo! Glad to see you here!" napalingon siya nang may tumapik sa kanyang likod. Si Maureen, ang kanyang pinsan na kapatid ni Blake.

"Drop by lang ako para batiin si Blake. Saan na ba ang lalaking iyon?" sagot niya rito nang hilahin siya nito patungo sa iba pa nilang mga pinsan.

Pagdating sa mesa nina Blake ay agad niyang binati ito kasama ang fianceé nito. Nakikita niya sa mata ng kanyang pinsan ang kasayahan. At lihim siyang nakaramdam ng inggit rito.

Ilang sandali pa ay inulan na nga siya nang kung anu-anong katanungan. Kung bakit daw hindi niya kasama ang kanyang asawa. Hindi na lamang siya sumagot sa mga ito. Bagkus ay napakibit-balikat na lamang siya at tumawa.

"Ang daya mo talaga 'insan. Bakit mo ba itinatago ang asawa mo? Siguro natatakot kang makita niya kami at bigla siyang makipag-hiwalay sa'yo kasi mas gwapo kami kaysa sa'yo 'no?" biro ni Sam. Pinsan din niya iyon at binata pa.

"Shut up, dude!" aniyang mahinang sinuntok ito sa braso.

Kahit kailan talaga ang lakas mang-asar ng kanyang mga pinsan. Napailing na lamang siya at kumuha ng brandy sa waitress na dumaan sa kanyang harapan.

Iinumin na sana niya iyon nang may mahagip ang kanyang mga mata.

"Ano ang ginagawa ng babaeng 'yan dito?" mahina niyang tanong na sarili lang niya ang nakakarinig.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Mabilis siyang naglakad papunta sa kinatatayuan nito.

Now, you're dead!, aniya sa isip.

Ngunit bago pa man siya makalapit nang tuluyan ay bigla siyang napahinto. Dahil may lumapit dito na isang matangkad na lalaki. Naka-amerikana din ito at tila isa ring business man. Humalik ang dalaga dito at yumakap, na ginantihan din ng lalaki.

Damn! Humanda ka sa akin mamaya! You're bitch! galit na sambit niya sa sarili.

Teka, bakit naman siya nagagalit? Hindi naman niya kaano-ano ang babaeng 'yun ah? Napailing na lamang siya at akma nang tatalikod nang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Carmilo Calsado?"

Napa-angat siya nang tingin at nakita niya ang lalaking humalik sa dalaga na lumapit sa kanya. Nakasunod naman ang dalaga sa likod nito.

"Carmilo Calsado, right?" ulit nito.

"Yes?" napilitang sagot niya.

Pinilit niyang maging maayos sa lalaki kahit gustong-gusto na niyang tirisin ang dalaga na nakangiting nakatunghay sa kanya.

At may ganang pang ngumiti pagkatapos siya nitong takasan kahapon? Hipuin ba naman nito ang 'pwet ng kanilang guest. Kaya 'yun, nakatikim siya nang malakas na sampal dahil napagkamalan siya na nanghipo sa guest ng kanilang hotel dahil sa kagagawan nito.

"I'm Mark Anthony Alicabo," pakilala nito sa sariling inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman niya. "And she's my wife, Alora Jane. Amyra Izabelle's twin sister.. She's your wife, right?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa narinig mula sa kaharap.

Wow! Ang balita nga naman 'uh. Ang bilis kumalat. Talaga bang talk of the town ang pag-aasawa daw umano niya?

Crap!

Mayamaya pa ay napailing siya ng maalalang may kakambal pala ang babaeng lasengga ayon sa impormasyon nang kinuhang detective ni James. So hindi pala ito ang lasenggang hinahunting niya?

"Ah.. Yeah, I know you. Kakambal ka nga ni Amyra Izabelle. I thought ikaw nga siya 'eh.." napatawang saad niya na nakaharap kay Alora. Nakipag-kamay din siya dito. "Nice to meet you Alora, and you too, Anthony."

"Akala ko hindi ka sasama dito? Sabi kasi ni Izabelle out of town ka," si Alora na nakangiti sa kanya.

"Talking of Izabelle, where is she, anyway?" tanong naman ni Anthony.

"Oo nga. Saan na ba si Izabelle. She called me awhile ago, coming na raw siya at hindi ka makakasama. Pero nandito ka naman, at wala naman siya. Hindi ba kayo magkasabay?" nagtatakang tanong muli ni Alora.

She's coming? Oh well.. Ang pagkakataon nga naman.

Hindi na pala niya kailangang huntingin ang babaeng iyon dahil ito na ang pupunta sa kanya ngayon. Lihim siyang napangiti dahil mahuhuli na rin niya ang dalaga.

"Actually, hindi nga niya alam na nandito na ako. Gusto ko kasi siyang sorpresahin," nakangiting sagot niya.

"I see.." sabay na sambit ng mag-asawa at napangiti.

"Anyways, maiiwan ko muna kayo. May importante lang akong kakausapin," maya-maya ay sambit niya na hindi naman siya pinigilan ng mga ito.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon