Lost Love

11 2 0
                                    

Prologue:

           Sinasabayan ng  musika ang bawat hakbang ko ..habang tinatahak ko ang daan....
unti-unti nagsilaglagan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ..

naaaninag ko lahat ang mga bulaklak, mga ilaw na nagsisilbing mapa upang sundan ko ..
at mga petals na nakakalat sa buong paligid ..

At biglang namatay ang lahat ..ang mga ilaw ay biglang nawala ..

nakakaramdam ako ng takot ng biglang nakatutok na saakin ang ilaw
At may biglang nagsalita ..

"Klaresse S. Ocampo,Mine, alam  kong  hindi  pa ito  ang tamang oras para iharap ka sa simbahan at magtapat ng magmamahal sa panginoon ...

pero possessive ako at gusto ko lang ng assurance .. Handa akong maghintay basta  maipapangako mo lang na saakin ka lang ..at ipapangako ko rin  sayo na sayong sayo lang ako ..." Mahabang bigkas niya  ...

Nakikinig lang ako at ninanamnam ang mga salitang binibigkas niya ...
Itong taong ito  ang mahal na mahal ko ...

"Mine, matagal na tayong magkakilala ,at alam Kong Alam mo ang mga sikreto ko,ang mga ayaw ko,at ang mga gusto ko  ..at gusto Kong sayo ko lang sasabihin at ipapaalam  ito .." Sabi niya at biglang naramdaman Kong umilaw rin  sa may bandang likod ko ..

Kaya agad akong  lumingon ..
Nagtitigan kami sa mata at ngumiti sa isat-isa ..

"Mine,will you be with me forever ? And to become my loving wife ? "

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kahit nahihirapan akong huminga dahil sa pag-iyak ,

Ay biglang ko siyang niyakap
Sabay  bulong ...

"Yes"

Lost Love ( Reyes series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon