"Jah ,matagal pa ba ?!" Inis na sabi ko dito
Kanina pa ako dito sa sala at dalawang oras na akong naghihintay ..nagawa ko na lahat ,ang kumain ,mag Instagram,mag YouTube ,magsipilyo ,pati maglinis nagawa ko na..at siya nandon parin naghahalungkat ng gamit ..
"Ano jah kinain ka na ba ng maleta at hindi ka maka baba ?!" Galit kong sigaw ...
"Wait lang malapit na !!" Sigaw nito galing sa taas ..
"Jah,pag hindi ka pa bumaba diyan ikaw na ang ilalagay ko sa maleta..at ipapadala kita sa LBC papuntang ilocos sur ! Makikita mo !" Galit kong sigaw dito
Narinig ko naman ang pagkalampog ng itaas at sa wakas bumaba din ang mahal na prinsesa ..
"Ano ba kasing ginawa mo at inabot ka ng siyam siyam ??" Taas kilay kong tanong sakanya habang nakapamewang ..
"Naghahanap kasi ako ng mga magagandang damit ..baka magkita na talaga kami ng katext ko .." Paliwanag nito ..
"O siya siya ,umalis na tayo ..Naku pag tayo napagalitan !" Inis kong bulyaw sa kaniya...
Napakamot naman ito sa ulo habang hila-hila ang maleta..
"Janine,klareese Dalian niyo!" Sigaw saakin ng manager ko na si Jason habang papalapit kami..
Nagmadali naman kami ni jah at baka mabulyawan kami ng ungguy ..
"I'm so tired " reklamo ni jah
Nandito na kami sa eroplano at magkatabi kami kaya naririnig ko ang pag reklamo niya .."Sino ba naman ang nag sabi sayo na dalhin mo ang lahat ng gamit mo " I rolled my eyes when I say that..
Natahimik naman ito ..Alam niya kasi na totoo ang sinasabi ko ..
Ganyan siya kaya natatahimik..Pagkaraan ng ilang oras mag tetake off na ang eroplano at bababa na kami ..naghahanda na ang ibang pasahero ..
At ng naka landing na isa-isa ng nagbabaan ang mga tao ..At itong katabi ko hindi pa kami nakakababa hawak na naman ang cellphone..,
Kumain lang kami sa isang restaurant at dumiretso na sa resort dahil may part doon na pag shoshootan ...
"Good morning ma'am ,welcome to Vitalis White Sand " pag- wewelccome samin ng security guards ng pagbuksan kami nito ng pinto,bumaba naman kami at pumasok na sa entrance ng resort ..
Nauna na ang manager namin at agad tinungo ang front desk ..kaya tumungo din kami doon ...
"Sir? Opo ito po ang keys , 3rd floor po " magalang na bigkas ng babae ..
"Thank you " sabi nito kaya naglakad na kami papuntang elevator ...
Pero bago pa kami makapasok ay agad naman akong hinila ni jah ..
"Manager lee ,manager Jason magpapasama lang ako kay klareese babalik lang kami agad ..
Tumango lang ang manager namin ..kaya hinila naman ako in jah ..
" At saan naman tayo pupunta ,sinasabi ko sayo jah hindi natin ito kabisado ..paano kung nawala tayo ..at hindi agad tayo makabalik ..wag mong sabihin na makikipag -kita ka na naman dyan sa ka-text mo?!!! .." Mahaba kong sermon sa kaniya .
"Hindi naman ,gusto ko lang talagang maglibot masama ba yun !?" Nakasimangot nitong bigkas ..
"Siguraduhin mo lang talaga !" Sagot ko dito habang umiiling ...
Naglibot-libot lang kami jah sa beach atminsan kumukuha din kami ng letrato ..naalala ko na dinala ko ang camera ni rike na binigay niya saakin pero nasa maleta yun kaya cellphone nalang ang ginamit namin sa pagkuha ng mga letrato ..
"Sige na klareese kukuhaan kita ng letrato soon kana ..o sakto maypaparating na bangka ..para may background" sabi nito saakin ,kaya pumunta nalang ako sa gusto niyang pwesto ..
Sa may batuhan yun ..kaya nahirapan akong umakyat ..eto talagang babaeng ito marami talagang alam ..
Pag-upo ko Santo naman na papalapit na ang bangka ..naririnig ko na rin ang boses ng mga mangingisda ...
"Mang berto, ito na po pala ang pinapakuha niyo ng isda ..presko po yan banggong alsa lang po .."
" naku! salamat Greg "
Parang familiar saakin ang boses pero hindi ko malingon dahil sa kinukuhaan pa ako ng litrato ni jah ..
"Next post na naman " sigaw ni jah mula sa baba ..
Kaya ginawa ko ang gusto niyang post ..nakapikit ako habang ang ulo ko ay nasa direksyon ng dagat ,nilalanghap ko din ang simoy ng hangin ..
"Sige po aalis na po kami ..sa susunod nalang po ulit "
Narinig Kong bigkas ng lalaki at narinig ko na din ang pag-andar ng makina ng bangka ..
Kaya pagbukas ng mata ko doon ko lang sila nakita ..pero ang lalaking naka-upo ay naka tingin sa akin ..mayroon siyang suot na sumbrero at maliit na panyo sa balikat ..
Hindi ko masyadong naaaninag ang mukha niya ..pero alam kong nakatingin siya saakin ...
My heart pounding so loud and I can't take my eyes from him ...
Parang familiar siya ..Hindi ko alam ..at naramdaman kong basa ang pisngi ko ..Hinawakan ko ito at doon ko lang narealize na umiiyak ako ..why ??
"Klareese hindi ka parin ba tapos ?kasi ako tapos na,ano dyan ka nalang ba ??!" Sabi ni jah kaya bumaba na ako ..
"Oh anong nangyari sayo?" Tanong nito habang nakataas ang kilay ..
" may pumasok sa mata ko " pagdadahilan ko dito ..
"Talaga ?? As in dalawang mata talaga ?" Sabi nito na naiiling ..
Hindi naman ako sumagot at nag-iwas nalang ng tingin .." klareese iba na yan ah" sabi nito at may kasama pang pailing -iling ..
"Tara na nga at baka hinahanap na tayo " sabi ko nalang dito upang maka-iwas sa kaniyang tanong ...
BINABASA MO ANG
Lost Love ( Reyes series 1)
Romance_New Adult_ *Riguel Rike Reyes *Klareese Jade Ocampo