1

2 0 0
                                    

"Pusang-gala naman talaga oh! Miming bumalik ka dito!"

Hawak ko ang laylayan ng mahabang bestida ko at nagpatuloy sa paghabol sa pusa na tumakbo papunta sa high-way.

Nakita ko ang pusa na iyon sa debut ko na sinisira ang mga regalo ko kaya hinabol ko iyon.
Sa dami ng sasakyan dito hindi na ako magtataka na masagasaan ang pusa na iyon. At kung madami ang sasakyan syempre madami din ang tao dahil may driver at pasahero. Idagdag mo pa ang mga pedestrian na naglalakad sa bangketa na napapatigil para tingnan ako. Mukha na ba ako'ng tanga? Oo alam ko.

Wala naman ako'ng plano habulin yung pusa. Sumabit lang yung bracelet ko na binigay ng ex ko dun sa lace ng pusa na iyon.

At kung sinasabi nyo na hindi pa ako moved on. Pwes nagkakamali kayo. Syempre hahabulin ko iyon dahil mamahalin din ang bracelet na iyon. Pwede ko yata isangla iyon ng halos sampung-libo. Sayang din diba?

Kung ano ang ikinahaba ng kwento ko ay syang ikinahaba din ng tinakbo ko.

Tumigil ang pusa sa gitna ng high-way kaya tinakbo ko na iyon. Alam ko na hindi ako masasagasaan. May pambayad ba sila kapag naospital ako?

Yun ang akala ko.

Malapit na ako sa pusa pero isang humaharurot na delivery van ang pasalubong samin. Binuhat ko ang pusa sabay takbo pero hindi pa man nakakalayo naapakan ko na ang dulo ng bestida ko.

Dito pa naman sa syudad madaming proyekto ang pamahalaan. Kaya sa huli? Heto ako nahuhulog sa malalim na malalim na imburnal kasama si mingming.

Lakas ng loob ko magkwento diba? Syempre nandito na kami sa ilalim ng mabahong imburnal kasama ng mala-ilog na mga basura.

Sinimulan ko na lumangoy patungo sa semento sa gilid ng imburnal. Nakataas ang pusa sa ulo ko para hindi sya mabasa. Kapag namatay ang pusa na 'to sigurado na makakasuhan ako ng PAWS.

Noong malapit na ako umahon may naramdaman ako na humihigop sakin pabalik sa gitna. At dahil hawak ko ang pusa ng mahigpit ay napasama din sya sa pagkakahigop sa akin. Para iyong ipo-ipo sa imburnal na hinihigop ang katawan naming dalawa.

Sumigaw ako at ang pusa ay nag-meow na parang humihingi din ng tulong.

May mabilis at mabigat na pwersa ang humila sa amin pailalim kaya nabitawan ko ang pusa na nahulog sa tubig pero nahawakan ko ang buntot n'ya. Hinila ko sya at niyakap. Kung malulunod din naman ako damay na sya diba?

Pero hindi.

Hindi kami nalunod.

Nakatapak ako sa tubig pero nakakahinga ako. Nakakaramdam din ako ng hangin na dumadampi sa balat ko. Iminulat ko ang mata ko at una ko nakita ang tubig na tinatapakan ko. Malinis iyon at hindi ko masasabi na nasa imburnal pa kami ng kasama ko na pusa.

Tama nga ako.

Wala kami sa imburnal.

Inilibot ko ang aking paningin sa malaparaiso na tanawin.

Malinis at malakristal ang tubig sa ilog na kinatatayuan ko. Hanggang tuhod ang taas nito at kita ang mga bato na inaapakan ko pati ang mga isang kulay ginto na lumalangoy paparoon at paparito. Nakatutuwa tingnan.

Patay na ba ako?

Ito ba ang langit?

Ibig sabihin patay na din si mingming?

Ibig sabihin hindi totoo na kulay puti lang ang langit?

"Oo patay ka na."

Isang tinig mula sa di kalayuan.

"Patay ka na rin? Nasa langit na ba ako?"

Puno ng kuryosidad na tanong ko sa gwapo na lalaki sa harapan ko. Anghel ba ito?

La Princesa AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon