Hundred steps to go.
Huminga ako ng malalim at dumapa ulit sa hagdan pero pagdapa ko sumubsob lang ako sa sapatos. Kaninong sapatos?
Tumingala ako at nginitian ang lukot na mukha ni gwapo. Sa likod nya ay isang babae at isang lalaki. Yung lalaki na may highlight din na red sa buhok- yung mukhang di masungit. Nanlalaki ang mga mata nya na nakatingin sakin. Yung isang babae naman na may red highlight din ang buhok. Sapo nya ang bibig na parang gulat.
"Paano kayo nauna? Bakit parang di kayo napagod?"
Tumawa ako ng malakas at lumupasay sa hagdan.
"Tanga ka pala? May pera ang paaralan na 'to kaya di malabo na magpatayo kami ng ganito kataas na building ng walang elevator."
Tumalikod sya at iniwan kaming tatlo dito. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi? 1000 steps na din yun eh!
Tinawanan ko lang ang dalawa sa harap ko na hindi pa rin nagbabago ng posisyon. Nilampasan ko sila at tumingala sa 100 steps na naiwan para sa 12th floor. Kala nya ha? Huminga ulit ako ng malalim tsaka tumakbo paakyat sa taas. Pagdating sa taas pinahid ko ang luha na pumatak galing sa right eye ko at hinanap na ang kwarto ko.
Maganda ang kwarto at malawak. May sariling kusina at banyo. May sariling kama din. Side table at tatlong sofa. May malaking cabinet din na parang damitan ko siguro. Nakuha ko pa maenjoy ang kwarto ko bago tumalon sa kama. Hindi na ako magtataka kung ngayon pa lang tulog na ako.
🍒
"Anong oras?"
Minulat ko ang aking mata at una ko nakita si Mrs. Fuego.
"Hala ma'am! Pasensya na po nakatulog ako. Medyo napagod po kasi ako kanina kasi po...ah...nilibot ko po ang west wing."
Pagsisinungaling ko. Apat sila na nandito sa kwarto ko.
"Don't lie. May cctv footage. Nakita kita na umakyat dito gamit ang hagdan."
Marahang umiling si Mrs. Fuego.
"Pasensya na po ma'am hindi ko po kasi alam since first day ko lang po kanina."
Yumuko ako dahil nahihiya ako. Bakit ba ang tanga ko? Bakit hindi ko inisip na may elevator? Obvious naman na mayaman ang school nila eh.
Bumukas ang pinto ng dorm ko at pumasok ang babae na nakasalamin sa palagay ko mid 30's na ang age nya. May katangkaran din sya. Maganda din sya at nakakadisappoint na nurse lang sya dito. Pwede naman teacher sya sa health diba?
"Kumusta ang bakasyon sa dreamland?"
Patawa-tawa na sabi ng nurse.
"Hindi po ako nananaginip."
Natigilan sila lahat sa sinabi ko. Totoo naman kasi tapos sabi ni mama kaya daw ganun kasi lagi ako nagdadasal.
"Ilang oras po ako nakatulog?"
"Two weeks."
Yung masungit ang sumagot. Baliw ba sya? Ibinaling ko ang tingin sa nurse na tumango lang.
Two weeks? Kaya pala parang nagiba ang suot ko na damit.
"Nawala halos lahat ng lakas mo. Sino ba ang hindi? Mabuti at nagising ka na. Byernes pa lang ngayon at sa Lunes pa ang klase mo. May dalawang araw ka pa para magpahinga. Mauna na kami ha? Kumain ka na dyan. Nagluto si Vlad ng kakainin mo."
Hindi ko narinig ang huling sinabi ni Mrs. Fuego pero um-oo lang ako at bumangon.
Two weeks? Akalain mo yun? Two weeks ako walang inom at kain. Two weeks din walang ihi at dumi.
Napatawa ako sa sarili ko at pumunta sa kusina. Nakahain doon ang iba't-ibang pagkain na hindi familiar sakin. Mukhang pagkain mayaman. Sino kaya nagluto nito? Para naman ako'ng bibitayin. Ang dami.
BINABASA MO ANG
La Princesa Academia
FantasyLahat ng tao ay nakakagawa ng pagkakamali. May mga pagkakamali na pagsisisihan at may mga pagkakamali na hindi pinagsisihan- Para sa ikabubuti ng iba.