"Ano ang pangalan mo iha?"
Totoo nga na may paaralan dito.
"Rainhana Bollaire Wilson po. Rain or Rainbow for short."
Sa palagay ko sya ang head mistress. Sa pananalita at postura nya pa lang ay halata na ang awtoridad. Bakas ang pagiging masungit at mahigpit. Akala ko dadalhin nila ako sa clinic pero unang tingin ko pa lang sa pinasukan namin alam ko na agad na hindi ito clinic at hindi nurse ang kausap namin.
Isang malawak na silid. May marmol na sahig. Malinis at wala ka'ng mahahawakan kahit konting alikabok. May maliit na chandelier at may maliit din na lamesa. Dalawang single na upuang mamahalin at isang mahaba. Sa bandang dulo ay isang office table na gawa sa magandang uri ng kahoy. Hindi ko masasabi na narra yun dahil kung iisipin parang galing iyon sa ibang bansa. Naroon din ang kulay pula na swiver chair na kinauupuan ni Mrs. Fuego. Halatang mahilig sya sa red? Kulay pulang barnis ng office table. Kulay light-red na paper sheets. Kulay pulang swivel chair. Pati sya kulay pula. Hindi yung literal na pati katawan ay pula okay? Nakasuot sya ng dress na hanggang tuhod. Fit iyon kaya bakat ang kurba ng pangangatawan. May suot din sya na red heels na sa tingin ko ay four inch pataas ang lenght. Tangkad ah? Nakasuot din sya ng bracelet na red na parang may red diamond na nakadikit. Ganun din ang disenyo ng kwintas at hikaw nya pati na rin ng singsing nya. Tinitigan ko ang mukha nya. Makinis iyon at halatang kinatatakutan ng tigyawat. Light make up pero mababakas na puro pula ang gamit nya mula lipstick, blush, eye liner at iba pa. Ang buhok nya ay abot hanggang bewang. Kulay itim iyon na may highlight na red.
"I am Vlaira Fuego, the owner of La Princesa Academia. Ang paaralan na kinatatayuan mo."
Literal na napataas ang kanang kilay ko. La Princesa Academia? Hindi ako naweirdohan sa pangalan ng school. Tumingin ako sa likod ko at pinakatitigan ang dalawang lalaki na parehong may highlight na red ang buhok. Red ba ang theme ng school? Sabi nila estudyante sila dito.
"La Princesa Academia? Princesa. Prinsesa. Princess. Babae! Bakit po sila nandito? Mukhang girl's school ito ah?"
Napangiwi si Mrs. Fuego at nauwi yun sa halakhak na sinundan ng mga mura ng mga lalaki sa likod ko.
"Pasensya ka na. Nandun na sa dorm mo ang mga gamit mo. Better go to the library at alamin ang history ng school. May mga aasikasuhin pa kasi ako kaya sila na ang bahala sayo okay?"
Tinuro nya ang dalawa sa likod ko na pareho lukot ang mukha. Okay?
Hindi ako nag-enroll dito pero dahil siguro sa kagandahan ng paaralan na ito ay pumayag ako sa alok si Mrs. Fuego. Sino ba ang hindi papayag? Yayamanin na paaralan tapos wala ako'ng babayaran kahit piso. Gawin ko lang daw ang tungkulin ko bilang magaaral dito. Ayos diba?
"F. East wing. 12th floor. Umakyat ka na lang sa dorm mo at hanapin mo ang pinto na may nakasulat na Rain Wilson."
Sabi nung masungit at hinila ang kambal nya papalayo. Alam ko na kambal sila dahil magkamukha.
Bumuntong-hininga ako at nagsimula maglakad papunta sa east wing. Mga 15 metro siguro ang layo mula sa kinatatayuan ko.
Nang nakarating ako sa dormitory ng school tinitigan ko muna kung gaano iyon kataas. 12th floor? Akala ko ba hanggang 12th floor lang? Bakit kasing-taas ng building na 'to ang twin tower ng Malaysia?
Lumunok ako at inumpisahan tumakbo sa hagdan. Nasa 8th floor na ako at naramdaman ko na nangangatog ang tuhod ko.
Lumuhod ako sa hagdan at gumapang paakyat. Syempre walang choice. 400 steps na lang din naman. Naalala ko yung pusa ko habang gumagapang. Saan kaya nila dinala yun? Kumain na kaya si mingming? Nagpatuloy ako sa paggapang at nagkaroon ng malawak na ngiti sa mga labi ko. Nasa 11th floor na ako!
BINABASA MO ANG
La Princesa Academia
FantasyLahat ng tao ay nakakagawa ng pagkakamali. May mga pagkakamali na pagsisisihan at may mga pagkakamali na hindi pinagsisihan- Para sa ikabubuti ng iba.